Right there and then ay parang gusto kong pagsusuntukin ang mukha ni Lee. Knowing what he did to his victims at iyong trauma na ibinigay nito sa pamilya nga mga nabiktima niya dahil hindi nila nakamit ang hustisya, he doesn't deserve his spot in this world. Kung pwede ko lang siyang kantiin, paniguradong may sure spot na siya sa impyerno, sa lugar kung saan nababagay ang mga gaya niyang inaabuso ang kakayahan na mayroon siya.
Agad akong bumalik sa pagiging kalmado ko nang dumating si Hudson sa lugar. I sighed without taking my eyes off of Lee na ngayon ay binabati ng mga staffs ng hotel na tutuluyan nito. I hissed upon seeing the smile in their faces and I couldn't help but pity them dahil hindi nila alam na hindi dapat winewelcome ang lalaking nasa harapan nila ngayon. He's nowhere near what the magazines are telling about him.
"Control your temper. Let's go back to Dhonakulhi for now," ani Hudson sa akin at saka ako tinapik sa balikat ko. I couldn't prevent myself from rolling my eyes.
As much as I hate the idea of backing out, Hudson's right. I have to control this temper or this chance will be gone in just a blink of an eye. Hindi rin maaaring maghinala si Lee na may nakamasid sa kaniya mula sa paligid niya. We can't afford to make our complicated situation a lot more complicated.
Sumakay na kami ulit ng bangka pabalik sa isla kung saan kami magi-stay. Pagkadunggong-pagkadunggo namin ay nauna ako kay Hudson na bumaba ng sinasakyan namin at dire-diretso akong pumasok ng cottage na nakaassign sa amin. I picked up my Colt 1911, which has been programmed by Denver, and loaded it with ammo. This gun has a capacity of 9+1 which is a good thing after seeing that motherfucker bring tons of his men. Designed with accuracy for close encounters, I am glad that Denver suggested this to me since I'll be dealing with possible short and medium range shooting once I'm in the perimeter. I tested this gun when I was in Washington but using it in real combat will surely make a lot of difference. All I could do is to hope that I won't encounter any problems, mostly at high-stakes scenarios.
Kinuha ko naman ang isang pistol pa na dala ko. FN 5.7 will be my back up pistol once my Colt 1911 would be of no use. This is my own personal pick sa lahat ng inilatag sa akin ni Denver, but of course, I still asked for his advice. After all, siya naman itong maalam sa baril sa aming dalawa. He knows his inventions and upgrades more than I do.
What I liked about this gun is the fact na hindi ginalaw ni Denver ang long range accuracy ng baril na 'to kumpara sa ibang hand guns. Not to mention its capacity which is 20 rounds and that due to its double-stack magazine, it is very easy and quick to load by hand. I had the chance to pick a Sig Sauer M17, but I am glad that I picked this one instead.
"I know that you're angry because of the crimes committed by Lee, but I hope that you'll control your temper, Brielle," Hudson said. Bakas na bakas ang pagkaseryoso sa tono nito. He wanted to accomplish this mission as neatly as possible and I want the same thing to happen. Sadyang hindi ko lang maalis sa sistema ko ang galit kapag naaalala ko ang mga mukha ng mga naging biktima niya. How could he smile, laugh, and sleep at night knowing na may mga binaboy siyang tao?
"Rest for now, we're going to have a long night later," ani nito af saka ako iniwan sa cottage.
Ipinikit ko ang mga mata ko at saka hinilot ang sentido ko. Flashes of events came into my mind like a loop. This is not just about Lee's victims. Galit ako sa mga taong inaabuso ang kakayahan nila para makasakit ng ibang tao, para makasira ng pamilya ng iba. Because of their pride, ego, and greed, they're more than willing to kill people as if may karapatan silang bawiin ang mga buhay ng mga ito. f**k them all! Sisiguraduhin kong may kalalagyan silang lahat sa impyerno!
Nang magising ako ay halos palubog na ang araw. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo af ihanda ang sarili ko sa magiging misyon ko ngayong gabi. Saktong pagkatapos ko magbihis ay bumalik na rin si Hudson na may dala-dalang pagkain. He explained his plan para mamaya and I shared mine based on what I observed earlier. After that, we updated Damira sa gagawin namin. For the nth time, she reminded us to not harm Lee, that we must caught him alive.
Matapos ang briefing namin ay naghanda na kami ni Hudson sa muling pagbalik sa Maalmutaa. Marami na ang tao sa long beach nang makarating kami roon. Nagkatinginan pa kami ni Hudson bago ako nito pasimpleng tinanguan bilang hudyat na maghihiwalay na kami ng pwesto. I touched my earring which will activate the in-ear built on its hoops, thanks to Denver!
"Status?" Hudson asked from the other line.
"Still at ground zero. There are a lot of people in here, Hudson—oh wait."
Nakipagsiksikan ako sa mga taong nagsisimula nang sumayaw sa tugtog na nakasalang when I had a view of Lee and some of his men. Just like what Hudson and I expected, hindi niya pagbabantayin ang lahat sa mga tauhan niya and he'll command some of them na magbantay lang sa paligid.
"Target found," I said.
I got a glass of tequila sa kadaraan lang na waiter na may dala no'n at saka ininom ang kalahating laman ng baso just to make my breath smell like I am already a drunk woman. I messed wirh my hair a bit at saka naglakad papunta sa direksyon ni Lee. Nagpatuloy ako sa pagpapanggap na lasing na ako hanggang sa sinadya kong matapilok para matapon sa kaniya ang alak.
"I-I'm so-sorry," I said, acting like I am stuttering. Sinadya ko ring papungayin ang mata ko. Nang makita ko na ang pakay ko sa kaniya ay mas ginalingan ko pa sa pag-arte. "I...couldn't find the...bathroom. I feel...fucking hot."
Sinadya kong magpatumbang muli at humawak sa dibdib nito.
"What do you think you're doing?" Lee asked me.
I looked at him and touched his lips. Hindi nakatakas sa akin ang pagbabago ng kanina lang ay seryosong ekspresyon nito. Kahit pa diring-diri ako sa ginagawa ko, kailangan ko 'tong gawin. I slipped my right hand as gently as I could sa kanang bulsa ng shorts na suot nito habang ang kaliwang kamay ko ay bumabaybay sa dibdib niya, pababa sa tiyan nito. His breathing became ragged when I did that kaya hindi nito nahalata na nakuha ko na ang key card para sa kwarto niya na papasukin ni Hudson. Napakadaling pikutin ng isang 'to. Porke panay tawag ng laman ang alam!
"Do you want to join me in my room?" He whispered in my ear bago ako muling tinignan. Halos tayuan ako ng balahibo sa katawan dahil sa pinagsasasabi nito but I have to go with the flow o masisira ang lahat ng sinimulan ko. I can't stop now.
"Later, babe. I have to...go to the bathroom," I said and I bit my lower lip. He bit his lips because of my act at bago pa ako mandiri ay umalis na ako sa kinaroroonan nito para kunwaring pumunta sa banyo. "Is he following me?" tanong ko kay Hudson.
"Nobody's following you. Coast is clear, Brielle," he said. "You seemed like you enjoyed your own show, mi lady—"
"f**k off, Hudson!"
I heard him laugh from the other line. This jerk really knows how to make my blood boil!