Nandito kami ngayon sa harap ng hapagkainan at nakahain na ang lahat ng niluto namin ni Lola kanina. "Mapaparami na na naman ang kain ko nito ngayon." Tila naeexcite pang sabi ni Lolo. "Dahan-dahan lamang dahil baka mamaya ay tumaas pa ang blood pressure mo dahil sa excitement mo na yan sa pagkain." Sabi naman ni Lola dito. Inasikaso pa nito si Lolo sa pagkain kaya naman ginaya ko na lamang din ito. Nilagyan ko din ng pagkain n'ya si Xavier. "Ako na Love,"pag-awat pa sana nito sa akin. "Gusto kitang pagsilbihan,, bilang asawa mo." Sagot ko naman dito. "Sige ikaw ang bahala."Sabi pa nito na hindi ko alam kung tama pa ba ang nakikita ng mga mata ko na tila ba nagblablush ito. "Gusto mo ba nito?" Tanong ko pa dito bago ko ilagay ang ulam sa plato niya. "Yes,lahat ng niluto n'yo ni Lo

