Nang makauwi kami sa mansion ay nagpahinga muna kami sandali ni Lola. Medyo nararamdaman ko na kasi ang pagod kanina habang nag-iikot kami sa palengke. "Ang mabuti pa Iha ay magpalit ka na muna at ako man ay ganoon din,alam mo naman na matanda na din ang Lola at maaring may mga mikrobyo tayong nakuha mula sa mga nakakasalamuha natin " Sabi pa nito sa akin na tama naman,,proper hygiene pa din ang tamang gawin para hindi dapuang ng sakit,,lalo na ngayon na bagama't bahagyang humupa ang problema dahil sa COVID 19 ay hindi pa din dapat magpakampante Nang makapagpahinga ay pumasok na din ako sa kwarto namin na mag-asawa,,para makapaglinis na din ng aking katawan bago kami magsimula na magluto ni Lola. Naisipan ko na imbes na maghilamos lamang ay naligo na ako. Nang matapos akong makaligo

