CHAPTER 1

2040 Words
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ngayon dahil sa aking narinig na sinabi ng doktor tungkol sa kalagayan ni inay. Base sa sinabi nito ay hindi na kaya ng gamot lamang ang sakit nito dahil ang kailangan na talaga nito ay operation kaya naman iniisip ko ngayon kung saan ako kukuha ng isang milyon o higit pa para sa operation ni inay na halos maiyak na ako, dahil sagad na sagad na kami,ang maliit namin na lupa sa probinsya ay naibenta na namin dahil sa gamutan ni inay pero hindi pa din pala ito sapat. "Ate saan tayo nito kukuha ng pera pangpa-opera kay Inay?" Naluluhang tanong sa akin ng nakakabatang kapatid ko na s'yang nagbabantay kay Inay kapag wala ako at rumaraket na kung minsan ay nakakarating ako ng iba't-ibang barangay para lamang sumali sa mga dance contest na kadalasan naman ay nakukuha ko ang first prize na s'yang malaking tulong na sa amin. Pero ngayon ay madalang ang raket ko kaya naman kailangan ng gumawa ng paraan para makahanap ng pantustus ni inay dito sa hospital, kailangan na maoperahan ito sa lalong madaling panahon dahil hindi maaring mawala ito sa amin. "H'wag kang mag-alala Richelle dahil gagawa si ate ng paraan para maoperahan si Inay basta't bantayan mo s'ya dito ng maigi." Sagot ko sa aking kapatid na aking maasahan naman sa lahat ng oras. Habang kausap ko ito ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ko at sa aking pagtingin ay rumihistro ang pangalan ni Madam Norms ang baklang naging kaibigan ko na din at madalas din ito ang magbigay sa kan'ya ng raket na maging ang mga commercial sa t.v na nangangailangan ng extra ay nagagawa nitong ipasok ako kaya naman malaki ang pasasalamat ko dito dahil sa mga raket na ibinibigay nito sa akin. Agad ko itong sinagot at sumenyas sa aking kapatid na lalabas ako at bantayan nito si inay na ngayon ay mahimbing na natutulog. "Hello Mamu,anong atin may maibibigay ka bang raket d'yan sa akin?" Diretsahan na tanong ko na dito ng sagutin ko ang tawag nito dahil hindi uso sa akin ang magsayang pa ng oras. "Mabuti naman at nakontak na kita babaita ka! Kagabi pa ako tumatawag sa'yo at hindi ko maintindihan kung bakit out of coverage area ka." Maarteng pagkakasabi nito mula sa kabilang linya na nakasanayan ko na din dahil ganito naman talaga ang boses nito at kung baguhan ka at hindi mo ito kilala ay tiyak na matatakot ka na dahil sa kamalditahan nito na natural na sa kan'ya,kahit naman kasi ganito ang ugali nito ay mabait naman ito sa akin sadyang kailangan lamang na pakisamahan ito ng maayos at syempre lambingin na din. Si mamu ay isang bakla pero sa unang tingin at kapag hindi pa ito nagsasalita ay aakalain mong babaeng babae ito dahil sa kan'yang mukha na parang babae na talaga idagdag pa ang katawan nito na ginastusan na din nito ng malaki sa dami ng kan'yang ipinagawa. "Sorry Mamu nalowbat ako kagabi at alam mo naman na nasa isang pampublikong hospital kami at kailangan ko pang hintayin ang iba na makapagcharge ng kanilang cellphone dahil sa alam mo naman na ganito ang sitwasyon namin dito sa ward ni Inay na halos kulang na lamang ay magpatong-patong ang mga pasyente dahil sa kulang na kulang sa hospital bed." Paliwanag ko dito dahil kagabi ng dumating ako dito sa hospital ay drained na drained na ang aking dekeypad lamang na cellphone na s'yang pinagtyatyagaan ko na gamitin sa araw araw at madalas nga ay kumukuntak na lamang ako sa isang mabait na nurse dito sa hospital kapag hindi kaagad ako makakabalik dahil sa mga kadalasan ay hatinggabi na din natatapos ang mga contest na sinasalihan ko. "Okay, okay pumunta ka na lamang dito ngayon na mismo kung gusto mo talaga ng raket at take note malaking tao ang kukuha sa serbisyo mo kapag napili ka n'ya sa position na aaplayan mo kaya naman bilisan muna d'yan dahil isesend ko sa'yo ang location at pumunta ka agad dito." Sabi nito na parang tila naman nakahinga ako maluwag ngayon dahil kung bigtime ang magiging amo ko sa raket na ito ay baka makautang pa ako dito ng pangpa-opera ni Inay. 'Hello Akira, nandyan ka pa ba?" Tanong pa nito mula sa kabilang linya dahil halos hindi na ako nakasagot dito. "Yes na yes Mamu pupunta kaagad ako at don't worry po dahil kung kinakailangan na lumipad ako makarating lang agad sa location ay gagawin ko thank you, thank you po talaga,hulog ka talaga ng langit sa akin!" Nagsisigaw na sabi ko dito na ikinatingin sa akin ng ibang mga dumadaan kaya naman nakapeace sign na lamang ako sa kanila dahil nasa harap na pala ako ngayon ng mini chapel dito sa loob ng hospital. "Ang arte mo,sige na at may kakausapin pa ako, bilisan mo at alam mo naman ang pinaka ayaw ko sa lahat ay iyong pinanghihintay ako Akira."Wika pa nito na binalewala ko na lamang ang masungit na tono ng boses nito ang importante sa ngayon ay may magandang balita ito sa akin. "Babush na at mag-ingat!" Sabi pa nito na ibinaba na ang tawag. "Ang sungit pero pusong mamon din naman!" Sabi ko pa sa aking sarili ng mawala sa kabilang linya si Mamu na s'yang tumatayong parang Ina ko na din dahil sa dami ng naiitulong nito sa akin ay kulang na kulang pa ang salitang salamat para sa lahat ng kan'yang ginawa para makakuha ako ng mga raket na nakakatulong sa amin ng malaki. Bago ako bumalik sa ward ni Inay ay nagdasal na din muna ako at humingi ng tulong sa Diyos na kahit kailanman ay hindi ako pinabayaan, talagang nagpapadala ito ng taong tutulong sa akin kapag hinang-hina na ako at katulad na lamang ngayon. Ang hiniling ko lang naman ay sana makuha ko ang raket na ito para makapag schedule na sila ng operation ni Inay sa lalong madaling panahon. Nang matapos akong makapagdasal ay nagpunta na muna ako sa aking kapatid para magpaalam dito. "Richelle ikaw na muna ang bahala kay Inay ito ang perang natitira sa akin ibili mo s'ya ng pagkain na gusto nito at huwag lamang iyong pinagbabawal sa kan'ya kailangan lamang na umalis ni Ate at promise ko sa'yo sa aking pagbalik ay maooperahan na si Inay." Pangako ko sa aking kapatid na naiiyak na naman na tumingin na inay namin. Ako naman ay lumapit muna kay Inay at niyakap ito. Ayaw kong umiyak dahil alam kong ako ang lakas nila kaya naman kakayanin ko ang lahat ng ito na sana ay malampasan na din namin at makasama pa ng matagal si Inay. Nang makalabas ako sa ward ay para akong lutang ngayon na naglalakad at ang tanging natira na lamang sa akin ngayon ay pamasahe papunta sa lugar na pinadala sa akin ni Mamu Norms. Ilang oras din ang byahe ko hanggang sa makarating ako sa sinabi nitong lugar sa akin. Naisipn ko na din magtanong sa isang guard at tinanong ko ito kung na ba ang nakalagay na location na pinadala ni Mamu. "Sir pwede po magtanong?" "Yes ma'am!" "Ito na ba ang Casa de Vera?' tanong ko dito. "Opo ma'am ito na nga may appointment ka ba o may passage card para sa mga vip?" Sagot nito sa akin ng patanong din. "Anong passage? Sandali lamang may tatawagan ako." Sabi ko dito at lumayo muna dito saglit dahil hindi ko talaga alam ang mga sinasabi nito sa akin. Agad kong tinawagan si Mamu dahil malabo akong makapasok sa loob ng casa na ito,tunog pa lamang ng lugar halatang yayamanin na kaya naman natural na ganito kahigpit ang seguridad dito. Agad naman sinagot ni Mamu ang aking tawag pero dahil sa pagdaan ng isang lalaking ang lakas ng dating na papasok ngayon sa loob ng casa ay hindi agad ako nakasagot dito Napasinghap pa ako ng dumaan siya mismo sa harap ko ang kan'yang panglalaking pabango ay nanunuot sa aking ilong. Halos nagkandahaba-haba pa ang aking leeg dahil sa pagdaan nito na sinundan ko pa ng tingin. Nagulat na lamang ako ng biglang sumulpot si Mamu sa aking harapan,nakakunot ba na ang noo dahil sa paghihintay ata sa sagot ko sa kan'ya. "Sorry Mamu!" Sabi ko dito habang ibinababa ko ang cellphone mula sa aking tenga. "Ikaw talaga kanina pa ako sigaw ng sigaw sa cellphone pero hindi ka na sumagot ang akala ko tuloy ay may masama ng nangyari sa'yo Akira!" Mataray na sabi nito na alam kong naiinis na sa akin. "At ano ba ang tinitingnan mo d'yan at nagkandahaba-haba na ang leeg mo sa kakasilip d'yan!" Tanong pa nito sa akin. "Wala po!" Tipid na sagot ko dito. "Oh s'ya sige halika na sa loob at marami na ang mga aplikante dun kaya naman galingan mo Akira dahil hindi hamak na mas magaganda at makikinis ang mga aplikante sa loob kaysa sa'yo." Diretsahan na sabi pa nito sa akin kaya naman parang nanliit tuloy ako sa aking sarili ngayon dahil maaring hindi ako matanggap sa position pero kailangan na maging positibo dahil hindi ako maaring maging panghinaan ngayon. "H'wag kang mag-alala Mamu dahil gagalingan ko po!" Sagot ko dito . "That my girl alam ko naman na hindi ka papatalo sa kanila dahil kilala kita alam kong palaban ka at lalo na ngayon na kailangan mo ito para sa iyong Ina na may sakir kaya naman nasa likod mo ako palagi Iha." Sabi pa ni Mamu sa akin. Habang naglalakad kami palapit sa guard ay may ipinakita dito si Mamu na s'yang passage na s'yang hinahanap pala sa kin kanina ng guard. "Kasama mo pala s'ya ma'am, pasensya na po kung hindi namin s'ya agad pinapasok kanina alam n'yo naman po ang patakaran ng management dito lalo na at nasa loob na si Sir Xavier." Paghingi ng paumanhin ng guard at ngumiti naman dito si Mamu. "Okay lang naiintindihan naman namin at trabaho n'yo ito kaya naman kailangan na gampanan n'yo ng maayos." Wika ni Mamu sa mga ito at naglakad na nga kami papasok ngumiti nalang din ako sa guard at nagtuloy tuloy na papasok. Nang nasa loob na kami ay nagulat ako sa ganda nito sa loob na tiyak na mayayaman nga lang talaga ang nakakapasok dito at halos malula ako sa magagarang kotse na nadaanan namin na papunta palang daw ang mga iyon sa malawak na parking nito sa bandang likod sabi ni Mamu sa akin na halatang sanay na sa loob nito at alam na nito ang pasikot sikot. "Mamu vip member ka ba dito?" Tanong ko dito. "Gaga hindi noh,mga bilyonaryo lamang ang kakayanin na makakuha ng vip member dito at isa pa ay kaya lamang tayo nakapasok dito ay dahil sa passage na ito na ibinigay sa akin ng isang kakilala ko dito na nagmamanage din dito sa casa at s'ya din ang nagsabi sa akin ng raket na ito kung saan ka mag-aaudition ngayon." Paliwanag sa akin nito na napakamot naman ako sa aking ulo. "Ang tagal mo naman Norms nasa loob na sila Sir Xavier at kayo nq lamang ang hinihintay." Wika sa amin ng sumalubong na isang bakla din ata na s'yang kaibigan ni Mamu dito sa loob ng Casa de Vera. "Pasensya na ito kasing alaga ko ay hindi kaagad pinapasok dahil walang passage card kaya naman natagalan kami ay hinanap ko pa s'ya!" Sagot ni Mamu dito at napatingin naman sa akin ang kausap nito. "S'ya na ba,mukhang may laban din dito malay natin Iha sige na pumasok na kayo sa loob at ako na ang magpapaliwanag kay Sir." Sabi pa nito ng nakangiti sa amin. Mukha naman itong mabait at dahil nagmamadali na din kami ay hindi ko na tuloy nalaman ang pangalan nito. Nang papasok na kami sa loob ay dito ko pa lamang naramdaman ang kaba. "Okay ka lang ba Akira?"Tanong sa akin ni Mamu. "Opo okay lang ako." Sagot ko dito. Nadatnan namin sa loob ang mga ibang aplikante din at lalo tuloy akong nanliit dahil sa mga ayos nila na akala mo ay mga international model ang mga datingan na halatang pinaghandaan nila ang audition na ito na hindi ko pa nagtatanong kay Mamu kung para saan ba ang audition na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD