CHAPTER:2

1203 Words
Maupo ka na muna Iha dahil mamaya lamang ay isa -sa na kayong tatawagin." Wika ni Mamu sa akin. Ilang sandali nga ang lumipas at isa isa ng pumapasok sa loob ang mga kasama ko dito hanggang sa ako lamang ang natira. "Akira ikaw na Iha!" Tawag sa akin ng kaibigan ni Mamu. Agad kong inayos ang aking sarili at suot ka lamang ngayon ay blouse na loose sa akin at maikling mini skirt na mukha naman akong disente tingnan. Kung sasayaw naman ako sa loob ay mas madali ang ganitong get up dahil ang mini skirt ko naman ay stretchable. Nang makapasok ako sa loob ng parang audition room o mas tamang sabihin na mukha itong opisina dahil sa ayos nito. Nasa harapan ko ngayon ang dalawang lalaking parang nahihirapang mamili na at problemado dahil sa nakayuko na ang mga ito at nakahawak sa kanilang buhok. "Ahm,magsisimula na po ba ako?" Tanong ko sa kanila dahil halos limang minuto na akong nakatayo dito pero hindi pa din sila tumitingin sa akin. Nagulat pa ako ng makita ko ang kabuoan ng mukha ng isa sa kanila na parang sa mga novela o kaya naman sa television ko lamang makikita ang mga ganitong kaperpekto na mukha. "I think s'ya na ang maari sa position!" Sabi ng lalaking may kulay abuhin na mata sa lalaking nakayuko pa din. Nang mag-angat ito ng tingin ay sa kan'ya tuluyan napako ang aking tingin. S'ya kasi ang lalaki kanina sa labas na halos nagkandahaba-haba na ang leeg ko sa kakahabol ng tingin sa kan'ya at ngayon ay heto s'ya at kaharap ko. Nakakahipnotismo ang mapupungay na mga mata nito na animo nang-aakit na sa titig pa lamang n'ya sa akin. "I think tama ka Craig!" Pagsang-ayon nito sa sinabi ng lalaking tinawag nito na Craig. "Hello po ano ba ang gagawin ko?" Tanong ko sa kanila. Pero imbes na sumagot ay tumayo ang isa sa kanila at umikot okot sa akin na parang kinikilatis ang aking kabuoan. "Kunting ayos lang ito magmumukhang tao na din ito." Sabi pa nito sa akin at lumapit na din ang isa pa na parang lalabas na ata ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito sa paglapit nito sa akin. "Mga Sir mag-uumpisa na po ba ako sa audition?" Naiilang na tanong ko sa kanila. "Tapos na tanggap ka na!" Sagot sa akin ng lalaking wala pa naman ginagawa sa akin pero grabe ang epekto nito sa akin. "Wala naman po akong ginawa kaya naman paano akong natanggap?" Takang tanong ko pa sa kanila na ikinahalakhak ng isa sa kanila. "Sa tingin ko Bro ay kailangan na ninyong mag-usap ng masinsinan ng iyong magiging soon to be bride!" Sabi nito na tila naguluhan naman ako dahil sa sinasabi nito na soon to be bride. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko dito dahil naguguluhan na talaga ako sa mga sinasabi nito ngayon sa akin. "S'ya na ang bahalang magpaliwanag sa'yo Miss at huwag kang mag-alala harmless naman yan kaya safe ka!" Sabi pa nito na bigla na lamang binato ng kaibigan naman n'ya ng isang tila ballpen ata yun. "Ano ba naman Calix mabuti na lamang at hindi ako natamaan sa mukha!' inis na wika nito na parang mga bata silang nagbabangayan. "Anong pinagsasabi mo d'yan na harmless anong tingin mo sa akin hayop?" Sabi nito ng patanong. "Bahala ka na nga d'yan, miss babye ingat ka!" Sabi pa nito bago lumabas ng pinto ng opisina na ito. Naiwan kami ngayon dito sa loob at nakatingin naman ako ngayon dito pero dahil sa sobrang nakaka-intimidate ang titig nito ay kusa na akong nagbaba ng tingin. "Hindi ba sinabi sa'yo ng taong nagsama sa'yo dito kung ano ang magiging trabaho mo?" Tanong nito sa akin. "Hindi po!" Tipid na sagot ko dito. "Ang magiging trabaho mo ay maging asawa ko." Kampanteng sabi nito na nagdekwatro pa habang nagkibit balikat. "So ano ready ka na ba para sa trabaho mo?" Tanong pa nito sa akin na parang naumid ko na ata ang aking dila dahil sa wala pa akong maisagot dito. "Miss ano ba! Sumagot ka tinatanggap mo ba ang trabaho o hindi para makahanap ako ng ibang papalit sa'yo?" Inis na tanong pa nito sa akin. "O-oo!" Nauutal na sagot ko dito dahil sa hindi na din ako makapag-isip ng maayos ngayon dahil sa lakas ng boses nito at ang iniisip ko ay si Inay lamang kaya naman kailangan ko ng kumapit sa lalaking ito na nagaalok ng kakaibang trabaho sa akin. Sino ba naman ang mag-aakala na ang lalaking pala na ito na pinagpapantasyan ko kanina sa labas ay ang magiging boss ko at magpapanggap pa akong asawa n'ya. **************************************** Mula ng makaalis kami ni Mamu sa Casa de Vera kanina ay ramdam ko pa din ang nginig sa aking kalamnan ngayon dahil sa naging pag-uusap namin ni Xavier de Vera ang magiging Boss ko. "Akira okay ka lang ba? Pwede ka naman sanang umatras dun kung gusto ko dahil hindi ko din naman alam na ganoon pala ang magiging trabaho mo, hindi din sinabi ng bruhang Lars sa akin basta ang sabi n'ya lamang ay bigtime ang magiging boss mo,sorry talaga Akira napahamak ka pa ng dahil sa akin."naluluhang sabi ni Mamu sa akin alam kong sincere ito sa kan'yang sinasabi ngayon sa akin pero wala din naman itong kasalanan kung ano ang naging desisyon ko kanina at isa pa ay malaking tulong na ito sa akin kahit ang kapalit pa ay aking sarili. "Mamu ng humingi ng sorry dahil tinanong din naman n'ya ako kanina kung gusto ko ba at sumagot ako ng oo dahil ito ang kailangan,,wala na akong ibang choice ngayon dahil para naman ito kay Inay at isa pa ay sino ba ang taong kayang magbigay sa akin ng ganoon kalaking pera ngayon kung hindi si Sir Xavier lang at isa pa po ay malaki pa din ang pasasalamat ko sa'yo dahil kung wala ka ay baka hindi din ako nakuha nila para magpanggap!" Paliwanag ko kay Mamu at hindi ko na din sinabi pa dito ang mainit na eksena namin kanina sa loob ng opisina dahil ayaw ko ng mag-alala pa ito sa akin. Nakapirma na ako sa kontrata at hindi ko na ito maaring atrasan pa. Habang nasa byahe ngayon sakay ng kotse ni Mamu ay hindi naman na ito nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa hospital dahil kailangan ko ng magpaalam ng maayos sa aking kapatid na matagal akong mawawala dahil ito ang gusto ni sir Xavier habang nasa loob ako ng kontrata ay hindi ako maaring magpakita sa pamilya ko kaya naman si Mamu ang magiging tulay para malaman ko pa din ang mga nangyayari sa kanila habang nasa poder ako ng magiging fake husband ko. Nang makarating sa hospital ay agad na kaming pumasok sa loob at kailangan na namin ayusin ang paglipat ni inay sa isang pribadong hospital dahil sabi ni Mamu ay kakayanin naman na ng pera na ibinayad sa akin ang ganoon kagandang pasilidad at mas magiging komportable pa si Inay. Nailagay na din sa bank account ni Mamu ang pera at tiwala naman ako dito kaya naman s'ya na ang magiging abala para sa operation ni Inay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD