CHAPTER:3

1823 Words
"Anak saan ka ba pupunta at bakit parang matagal kang mawawala?" Mahinahon na sabi ni Inay na alam kong may nararamdaman na naman itong masakit sa kan'yang katawan pero pinipilit nitong maging malakas pa din para sa amin. "Inay kailangan ko po talaga na umalis muna para magtrabaho at matustusan ang gamutan mo dito dahil kung hindi ako aalis at magtratrabaho ay walang mangyayari sa atin dito ayaw ko po na habang malakas ka pa ay umasa lamang sa bigay ng gobyerno na tulong,wala na po akong ibang choice ku'ndi ang tanggapin ang trabaho na ito at pangako po inay na lahat ay aking gagawin para gumaling ka na po agad para wala ka ng sakit na mararamdaman pa ." Naluluhang sabi ko dito dahil sobrang payat na talaga nito ngayon at hinihiling ko na lamang sa ngayon ay gumaling na ito at makasama pa namin. "Anak naiintindihan ko at sana ay isipin mo lagi na kapag pagod ka na sa amin ay maari naman na tanggapin ko na din ang aking kapalaran na hindi na din ako magtatagal sa mundong ito " Sabi pa ni Inay. "H'wag mo po sabihin yan dahil matagal ka pang mabubuhay at hindi ko hahayaan na kunin ka sa amin ng wala man lang ako nagawa kaya naman Inay h'wag mo akong alalahanin dahil kakayanin ko ang lahat para sa inyo ni Grechel." Sagot ko dito at aking pinunasan na din ang mga luha ko. "Bunso ikaw na ang bahala kay Inay tayo ang matutulungan dito at aalis ako para may pambayad tayo sa lilipatan ni inay na private hospital." Bilin ko sa aking kapatid na naririnig pa din ni Inay. "Anong sabi mo anak,bakit kailangan na ilipat pa ako ng private hospital okay naman na ako dito at isa pa ay mahal magpagamot sa mga private hospital na iyan " Wika pa ni inay na ramdam ko ang pangamba sa kanyang tono ng pagkakasabi. "Nay ako na po ang bahala sa lahat at h'wag ka na po mag-isip ng gastos dahil ako na ang bahala sa lahat,basta ang hinihiling ko lamang po ay magpalakas ka nay dahil wala sa akin ang pagod at sakripisyo sa trabaho kung makikita ko naman kayo na nasa maayos na kalagayan at walang iniindang masakit sapat na po iyon!" Paliwanag ko dito habang hawak ang mga kamay nito. "Sa trabaho ko naman po ay h'wag kang mag-alala dahil marangal po at si Mamu ang nagbigay sa akin ng trabaho na ito." Sabi ko pa kay Inay dahil alam ko na ang iisipin nito ay baka pumasok na ako sa masamang gawain. Hindi naman siguro masama ang magiging trabaho ko at kung sakali man na gagalawin ako ni Sir Xavier ay hindi naman siguro magiging malaking kasalanan ito dahil isang lalaki lang naman s'ya at kapag natapos naman na ang kontrata ko sa kan'ya ay magpapakalayo-layo na din ako kasama sila inay. "Anak natulala ka na d'yan?" Tanong sa akin ni inay na pumukaw sa lumilipad ng utak ko na naman. "Nay basta po ngayon gabi ay aayusin na namin ang paglipat mo sa private hospital dahil bukas ay aalis na ako para magsimula sa bagong trabaho ko at sana ay h'wag ka ng magisip pa sa mga gastos dahil ako na ang bahala." Muling paliwanag ko dito. "Hindi na ako makikipagtalo sa'yo anak pero sana naman ay h'wag mong masyadong sagarin ang iyong sarili sa trabaho,pangako ko din sa'yo na magpapalakas ako anak para sa inyong magkapatid at patawad dahil minsan ay nagiging negatibo ang aking mga nasasabi dahil sa sakit ko samantalang ikaw ay laging nakaalalay lamang sa akin at nagbibigay ng lakas para malampasan ko ang lahat ng ito,at napakaswerte ko dahil ikaw ang naging anak ko." Sagot sa akin ni inay na pinipigilan ko na naman ang maluha dahil gusto ko bago ako umalis at magsimula ng trabaho ay maging masaya ang aking pamilya,dahil hindi ko alam kung kailan ako papayagan ni sir Xavier na bisitahin sila. "H'wag kang mag-alala aling Luring dahil hindi ko naman pababayaan ang anak n'yo." Sabi naman ni Mamu na halata sa boses nito ang pamamalat dahil sa hindi din nito napigilan ang maiyak kanina sa eksena namin ni Inay. "Salamat sa'yo Norms sobrang laki na nang naiitulongo sa amin at hindi ko na alam kung paano pa ba kita masusuklian sa lahat ng kabutihan mo sa aming pamilya." Pagpapasalamat naman ni Inay kay Mamu na agad naman nagyakapan ang dalawa. "Kayo talaga wala naman akong hinihingi na kapalit o sukli ang gusto ko lamang talaga ay matulungan kayo nitong anak-anakan ko at ang aking gusto sa mga susunod na buwan ay tuluyan ka na din na gumaling aling Luring dahil ikaw ang kaligayahan ni Akira kayo ni Richel na laging bukambibig n'ya sa akin kaya naman kahit anong raket ang ibigay ko sa kan'ya ay tinatanggap n'ya ng walang arte." Wika pa ni Mamu kay Inay. "Kaya nga swerte ako sa batang yan dahil mula ng mawala ang Itay n'ya at magkasakit naman ako ay s'ya na ang tumayong breadwinner ng pamilya at iyon ang malaking pasasalamat ko sa amang Diyos dahil binigyan n'ya ako ng anak na kagaya ni Akira." Sabi pa ni Inay. "Tama na ang drama natin na ito Inay dahil kailangan ay masaya tayo ngayon dahil mapapaopera na kita Inay at tuluyan ka na po na gagaling kaya naman kumain na tayo nitong dala namin ni Mamu na pwede naman sa'yo Inay dahil hindi naman masama ang kumain ka paminsan-minsan ng masarap." Nakangiti na sabi ko sa kanila at nagyakapan muna kami bago ako naghain ng pagkain namin. Nagbigay din ako sa katabi namin na pasyente dito sa hospital dahil alam kong maging sila ay hirap na din at naghihintay na lamang ng pagkain mula sa rasyon dito sa hospital na natural ay walang lasa o kaya naman ay kulang na kulang pa sa kanila. "Salamat Akira,napakabuti mo talaga Iha!" Sabi pa sa akin ng ginang na katulad ni inay ay isa ding cancer patient at lumalaban din ito kahit pa sobrang hirap na hirap na din sa buhay. "Walang anuman po kain po kayo at huwag kayong mag-alala dahil pwede po ito sa inyo dahil alam naman natin na ang pagkain dito sa hospital ay madalas walang lasa kaya naman kain lang po kayo at huwag mahiya sa akin dahil sobra po talaga ito sa amin dahil talagang kasalo kayo dito." Magalang na sagot ko dito at ngumiti naman ito ngiti ng pag-asa na balang araw ay gagaling din s'ya at sana ay magawa din nitong makasurvive sa traydor na sakit na ito na dumapo sa kanila ni Inay. Bumalik ako sa pwesto ni inay at magana naman itong kumakain. Kumain na din ako at hanggang sa matapos kami ay saka ko naman inasikaso ang release paper ni inay para mailipat na namin agad ito. Kailangan mabayaran ko na ang lahat ng outstanding balance namin dito ng sa gayon ay maging mabilis ang proseso. Habang si Mamu naman ang nakipag-usap sa private hospital na paglilipatan namin kay Inay. Hindi ko na alintana ang pagod mula pa kaninang umaga hanggang ngayon ay wala pa din akong halos pahinga at kulang na kulang din ako sa tulog kaya naman ramdam ko din ang pagbagsak ng aking katawan. Nang maayos ko ang lahat ng dapat ayusin ay bumalik naman ako sa ward ni Inay at dahil pabalik balik ako kung saan saan kanina dito sa hospital para matapos na nga ang mga kailangan para sa release paper ni inay at ngayon ko lamang napansin na pasado alas-onse na pala ng gabi at mabuti na lamang mabait ang mga nurses dito ngayon na nakaduty dahil lahat naman sila ay inaasikaso lahat ng tanong ko kanina. Pagpasok ko sa ward ay nakita ko si inay na nahihimbing ng natutulog ngayon at ang aking kapatid naman ay nasa kabilang gilid at baluktot na ito kaya naman lumapit na ako sa kanya para naman ilagay ang kumot nito na nahulog dahil sa sobrang liit ng bangko kung saan ito nakahiga ngayon. Naawa ako sa kalagayan namin ngayon hinawakan ko ang mukha ng aking kapatid at naupo muna ako sa sahig. Tumigil na din muna ito sa pag-aaral dahil nga mas kailangan ko s'ya dito ngayon,grade 11 na sana ito kung hindi ito tumigil sa pag-aaral na sobrang sakit para sa akin dahil alam kong gustong gusto nito ang makatapos kaya lamang ay dahil sa nagkasakit di Inay ay mas pinili nito na huminto at tumulong na muna sa akin,kahit man lang sa pagbabantay kay Inay. Hinawi ko ang buhok nito na tumatabing sa kan'yang mukha. "Ate bakit?" Tanong nito sa akin na nagising dahil sa ginawa kong paghawi ng buhok n'ya. "Wala naman inayos lamang ni Ate ang kumot mo,matulog ka na ulit at bukas ay magiging maayos na din ang tulugan mo." Sagot ko dito at niyakap naman ako nito sa aking leeg. "I love you Ate, promise ko sa'yo na habang wala ka ay ako na muna ang bahala kay Inay mag-iingat ka Ate sa bagong trabaho mo." Sabi pa nito na hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Hinayaan ko lamang ito yumakap sa akin at alam kong pinipilit lamang din nito na maging matatag para sa amin ni Inay. Sobrang bata pa ng kapatid ko para maranasan ang lahat ng ito kaya naman kapag natapos ko ang kontrata ay sisikapin kong makatapos ito ng kan'yang pag-aaral. "Tama na ang drama Bunso dahil kanina pa ako iyak ng iyak ng dahil sa inyo ni Inay kaya naman matulog na lamang tayo." Sabi ko dito at inayos ko naman ang mga karton na hinihigaan namin dito sa sahig. "Tabi tayo Ate!" Sabi nito sa akin ng may paglalambing sa bahay kasi ay madalas talaga kaming magkatabi nito kaya naman ngayon ay parang namiss nito kaya naman inayos na namin ang mga karton at inilagay na lamang ang isang medyo makapal na sapin na s'yang magiging panangga namin sa lamig ng sahig. Maaring bukas pa namin ng madaling araw mailipat si Inay ang mahalaga sa ngayon ay naayos na namin ang lahat. Nahiga na kami at ngayon ko naramdaman ang pagod sa maghapon na mga kailangan asikasuhin at iniisip ko pa din ang mukha n'ya. Ang mukha ng lalaking pumukaw sa aking natutulog na puso na tanging ito lamang ang nakagawa nito sa akin. Hindi din naman sa pagmamayabang ay marami din naman ang mga lalaking nanliligaw sa akin at lahat sila ay walang pumasa sa akin. Kaya nga hanggang ngayon ay wala akong alam sa isang relasyon dahil hindi pa naman ako nagkaroon ng kasintahan. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata para naman makatulog na din dahil bukas ay mas kailangan ko ng lakas. Bukas na din ako babalik sa opisina n'ya at sana lamang ay maging maayos ang lahat. Hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako sa pag-iisip sa mga maaring mangyari pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD