Naging maayos naman ang paglipat ni inay sa hospital kung saan ay alam kong mas magiging maayos ang kalagayan nito.
Nagpaalam na din ako sa kanila ng maayos dahil alam kong matatagalan bago ko sila muling makikita.
Nandito na ako ngayon sa harapan ng opisina n'ya at hindi ko alam kung paano ba ako kakatok sa pinto hanggang sa hindi ko namalayan ang pagbukas nito at tumambad sa akin ang lalaking ito
"Hey, kanina pa kita hinihintay sa loob at alam mo ba na masamang pinanghihintay ako!" Sabi ni ito sabay lapit ng kan'yang mga labi s aking tenga na nagbibigay tuloy sa akin ng kiliti.
"Sorry!" Tipid na sagot ko dito.
"Pumasok ka na dahil marami pa tayong pag-uusapan."Utos pa nito sa akin.
Nandito kami ngayon sa kanilang kompanya dito ako dinala ng sumundo sa akin knina sa harap ng hospital dahil ayaw kong makita pa sila ni inay at alam ko na magtataka ito dahil sa halos nasa limang tao ata ang sumundo sa akin kanina na maging ang ibang staff sa hospital ay napapatingin na lamang sa mga ito.
Ang OA naman kasi nitong boss ko,akala mo naman ay tatakasan ko s'ya.
"Nang makapasok sa loob ng opisina nito ay namangha ako dahil ss ganda nito tanaw din dito ang buong city na hindi ko naman alam kung anong lugar ba ito dahil wala naman akong alam na lugar dito.
Habang tinatanaw ko ang kabuoan ng lugar ay naramdaman ko na lamang s'ya mula sa aking likuran.
"Ang ganda naman dito,anong city ba ang sumasakop sa lugar na ito?" Tanong ko dito.
"Quezon city!" Sagot nito na ikinalingon ko sa kan'ya.
"Ang mabuti pa ay sumama ka muna sa akin sa condo kung saan ka titira muna bago kita dalhin sa bahay kailangan mong matuto ng mga manners,dahil sa galaw mo na yan ay baka d'yan pa tayo sumablay at hindi ka magustuhan nila Lola.
"Titira ako sa condo?"
"Oo,pero malinaw naman sa'yo ang lahat di ba na hindi ka maaring lumapit sa pamilya mo hangga't nasa kontrata ka sa akin at h'wag ba h'wag kang magkakamali na gumawa ng hindi ko magugustuhan dahil iba ako magalit Akira." Wika nito sa akin ng may diin at tila ba nagbabanta pa.
"H'wag kang mag-alala dahil kaya ko naman tumupad sa isang kasunduan." Sagot ko dito.
"So let's go dahil kailangan ko pa din kausapin ang tutulong sa'yo para maging isang mahinhin na dalaga at hindi isang mangmang." Sabi nito ng diretsahan sa akin.
Tama naman ito pero syempre masakit pa din ang masabihan ng mangmang kahit naman kasi paano ay nakapag-aral naman ako at hindi naman totally walang alam kaya lamang dahil sa hirap ng buhay at kaya ko nga tinanggap ang alok nito ay dahil sa wala akong mahanap na maayos na trabaho dahil nga sa hindi din naman ako nakatapos ng pag-aaral ay hindi din ako matanggap sa mga inaaplayan ko na kinakailangan ay nakatapos daw at least two years course sa kolehiyo na wala ako.
Habang pasakay kami ng elevator ay tila ba nahihilo na naman ako katulad kanina ng isakay ako dito ng mga tauhan n'ya na mabuti na lamang at napigilan ko pa ang aking sarili na magsuka.
"Akira sakay na!" Utos nito sa akin dahil nakatitig na lamang ako ngayon sa elevator.
Kahit natatakot ay sumakay na lamang din ako dahil baka mamaya ay sumigaw na naman ulit kaya naman kailangan kong maging masunurin dito.
Nang makapasok ako sa loob ay sumiksik ako sa pinakagilid para maging mahinahon ang aking pakiramdam.
Pumikit lamang ako hanggang sa maramdaman ko ang kamay n'ya.
Nagmulat ako ng mata at tumambad sa akin ang maamong mukha nito na kapag hindi nagsusungit ay napakaamo tingnan.
"Okay ka lang ba?" Nag-alalang tanong nito o baka naman natatakot lamang ito na masayang ang kan'yang ibinayad sa akin kapag natsugi ako dito.
"Oo okay lang naman ako!' Sagot ko dito.
Hanggang sa bumukas ang pintuan ang elevator ay hindi na naalis ang pansin nito sa akin kaya naman medyo naiilang na din ako.
Inalalayan pa ako nito na lumabas dahil sa parang pakiramdam ko ngayon ay matutumba ako.
"Careful,baka masayang ang ibinayad ko sa'yo kapag may masamang nangyari sa'yo "seryosong sabi nito na tama nga ako kanina kaya ito nag-alala sa akin ay dahil nanghihinayang ito sa per n'ya ang akala ko pa naman ay sincere na ito sa akin kanina iyon pala ay kapakanan din pala nito ang kan'yang inaalala.
Nang makababa kami ay nagtinginan naman sa amin ngayon ang mga babaeng kanina lamang habang papasok kami dito kasama ang mga sumundo sa akin ay halos lahat sila ay nakataas ang kilay sa akin samantalang ngayon na kasama ko na ang boss nila ay grabe ang mga ngiti na akala mo ay mapupunit na ang mga labi sa sobrang lapad ng pagkakangiti nila habang nakatingin sa amin ni Xavier.
Wala naman pakialam sa kanila ang lalaking ito bagkus ay dire-diretso lamang ito palabas habang ako naman ay nakasunod lamang dito kahit medyo nahihilo pa ako ay kailangan na hindi na nito mahalata pa dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig nito tama na iyong masabihan ng mangmang.
Nang makalabas kami ay nandito na din sa labas ang mamahalin na sasakyan nito kung saan ay may mga nakasunod pa din sa amin na mga bodyguard's nito na parang sa pelikula ko lamang nakikita ang ganitong scenario at hindi ko inaasahan na mararanasan ko din pala ang ganito.
Sumakay na ito ng wala man lang lingon lingon sa akin,kaya naman sumunod na lamang ako dito at ipinagbukas naman ako ng tila driver n'ya ata ito.
Nang makapasok sa loob ng kotse ay parang nasa loob lamang ako ng isang magarang kwarto dahil ang loob nito ay parang mini room na may higaan kung saan ay nakahiga ito ngayon.
Mula sa labas ay hindi mo mababanaag na ganito pala kaganda ang loob nito na parang sasakyan ng mga sikat na artists pero mas lamang lang ito dahil alam ko din na hindi biro ang presyo nitong kotse na lulan kami ngayon.
Hindi na din naman ito nagsalita pa at tanging kami lamang ang nakasakay sa loob nitong kotse at maging ang driver ay hindi kami makikita dito dahil parang sadyang may harang sa pagitan ng driver at ng mga sakay nito.
"Akira sana lamang ay gawin mo ang trabaho mo at pangako ko sa'yo ay dadagdagan ko ang perang ibinigay ko sa'yo once na masecured ko na ang mana, naiintindihan mo ba! Kailangan ay magustuhan ka nila Lola at Lolo at gawin mo sana ng maayos ang lahat ng ito." Sabi pa nito na bigla bigla na lamang nagsasalita na ang akala ko nga kanina ay baka nakatulog na ito.
"Naiintindihan ko naman ang magiging trabaho ko at huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako ganoon kamangmang para hindi maintindihan ang nais mong gawin ko." Sagot ko dito na hindi lumilingon dito.
Nakatingin ako ngayon sa labas ng kotse at tumitingin sa mga sasakyan na nakakasabay namin.
Hindi ko naman na ito narinig pa na nagsalita at tahimik na kami buong byahe, hindi ko alam kung anong make over ang gagawin nito para sa akin,pero sana ay kayanin ko ang lahat para naman hindi masayang ang ibinayad nito sa akin.
Bumili din ako ng isang mumurahin lang muna na cellphone para kay Richel para naman kahit paano ay makontak ko ito at may mapaglibangan na din s'ya habang nagbabantay kay Inay na ngayon ay inaasikaso na ni Mamu ang lahat ng kakailanganin nito para sa operation sa makalawa na hindi ko mapupuntahan pero sana ay sapian pa din ng kabaitan ang amo ko para naman makapunta ako o makasilip lamang sa hospital.
Alam ko na kakayanin ni inay ang lahat ng ito dahil para sa kanila kaya ako magiging mas matatag pa