CHAPTER:5

2022 Words
Huminto ang kotse sa isang malaking Mall dito sa Metro Manila ang Mall of asia na tinatawag nila. Kitang-kita naman kasi ang pangalan nito at isa pa ay bukambibig din ito ng mga kalaro ko noon na may mga kaya sa buhay dahil ang kanilang tatay ay nakakapagtrabaho sa metro Manila. "Wow ang laki pala talaga nito lalo na sa malapitan katulad nito sigurado akong sa loob nito ay sobrang lawak din. "Madam sobrang init po at tayo na at sundan si sir Xavier dahil baka mamaya ay magalit pa s'ya dahil natagalan tayo!" Wika sa akin ng isa sa mga bodyguard ni Xavier na may hawak ng payong ngayon at ang lokong amo naman namin ay papasok na pala ngayon sa loob ng mall na ito at hindi man lang talaga ako hinintay. "Ako na ang magpapayong sa aking sarili,dahil kaya ko naman." Sabi ko dito at umiling naman agad ito. "Hindi po maari ang nais mo Madam dahil ang bilin ni Sir ay alagaan ka namin ng mabuti at iyon ang utos kaya naman po h'wag na sana kayong makipagtalo pa sa akin." Sagot nito kaya naman hinayaan ko na lamang ito at naglakad na kami papasok hindi naman kalayuan ang lalakarin namin kaya naman no need na sana ang magpayong pa pero dahil ito ang utos ng boss namin ay kailangan talaga nilang sumunod. Ang amo naman namin ay nasa loob na ngayon habang ako ay manghang mangha pa din sa aking mga nakikita dito sa loob ng malaking Mall na ito. Halos lahat ay nandito na maraming mga nagtitinda na may mga sariling pwesto. Sa aming bayan kasi bagama't may mall naman ay hindi naman ganito kalaki at hindi din ganito kaganda kaya naman para akong bata ngayon na iniikot ang aking ulo habang pinagmamasdan ang buong paligid. "Madam halika na po dahil baka naiinip na si Sir sa atin at maari naman na mamaya ay samahan ko kayo para mailibot." Sabi pa nito sa akin at parang kuminang naman ang aking mga mata dahil sa pangako nito. "Talaga gagawin mo iyon?" Hindi makapaniwala na tanong ko pa dito. "Yes madam kaya naman po halika na at ihahatid kita kung saan ngayon si sir Xavier." Sagot nito sa akin. "Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko dito at itinuro naman nito ang tila nametag n'ya. "Filo!" Basa ko sa kan'yang pangalan. "Bakit naman Filo ang pangalan mo ang weird!" Sabi ko pa dito na napakamot naman ito sa kan'yang ulo,nakita ko din ang dimples nito na bahagyang lumabas ng simpleng ngumiti s'ya, hindi mo nga mapagkakamalan na bodyguard ito dahil sa kan'yang gwapo na mukha na parang mas mapagkakamalan pa akong katulong dito. Gwapo kasi ito at ang tindig ay malaboss din. "Halika na Madam at saka mo na lamang po alamin ang kabuoan ng pangalan ko dahil mukhang hinahanap ka na ni Sir dahil natatanaw ko na ang aking kasamahan kanina na palapit sa atin ngayon."Pag-aya nito sa akin na nakita ko na din ang kan'yang tinutukoy na kasamahan na palapit na sa amin. "Filibuster, bilisan n'yo na dahil naiinip na naman si Boss." Sigaw nito na medyo malayo pa sa amin. Nagmamadali na nga kami na naglakad papunta sa sinasabi nilang lugar dito kung saan naghihintay daw si Xavier sa amin. Nang makarating kami kung nasaan ito ay nakaupo lamang ito. "Ang tagal n'yo naman saan ba kayo nagpunta pa?'" Tanong nito na nakatingin kay Filo na natatawa na lamang ako sa totoong pangalan nito hindi nga lang ako makatawa ng malakas dahil nga baka lalong uminit ang ulo ng isang ito. "Pasensya na Sir medyo gusto pa kasi ni Madam na mag-ikot pa sana." Sagot nito na ikinalingon naman sa akin ni Xavier. "Mamaya na tayo iikot kapag tapos ka ng mamili ng mga damit na kakailanganin mo para kapag ipinakilala na kita kay Lola ay hindi naman n'ya iisipin na baka kung saan lamang kita pinulot kaya naman may mga taong tutulong din sa'yo para maipili ka ng tama sayo at babagay.'" Mahabang litanya nito. Lumapit naman sa akin ang dalawang tila saleslady dito at isang parang manager "Kayo na ang bahala sa kan'ya lahat ng maaring bumagay sa kan'ya ay kukunin namin."Utos pa nito sa mga ito. "Yes Sir Calix kami na po ang bahala sa inyong girlfriend." Sagot ng mga ito na tila binayaran na din nito ang mga serbisyo ng mga taong ito na nag-aasikaso sa akin. "Halika na po Madam, h'wag kang mag-alala dahil kami na po ang bahala sa'yo," nakangiti na wika sa akin ng isang saleslady na tila friendly naman at parang makakagaanan ko ito ng loob. Sumunod naman ako sa kanila at napatingin pa ako kay Xavier na prenteng nakaupo at may hawak ng kung anong binabasa nito. "Grabe madam ang swerte mo naman dahil boyfriend mo lang naman ang nag-iisang apo ng mga De Vera." Kinikilig na sabi pa nito sa akin na ikinangiti ko na lamang dahil hindi ko din naman maaring sabihin dito na nagpapanggap lamang kami. "Salamat!" Tipid na sagot ko dito. "Mayla itigil mo nga ang gan'yan na pakikipagusap sa kliyente natin." Wika ng isa pa na kasama nito na parang nakakataas sa kanila dito. "Pasensya na po hindi na mauulit!" Sagot nito na tila napahiya pa. "Okay lang naman na kausapin n'yo ako na parang simpleng tao lamang dahil pare-pareho lang naman tayo dito." Sabi ko sa kanila na ikinangiti naman ni Mayla. "Ikaw po ang masusunod Madam." Sagot nito sa akin. Hanggang sa makarating kami mismo sa clothing section for women at grabe ang gaganda ng mga damit dito na nakakalula naman ang presyo na parang kung sa ukay ukay ako bibili ay baka nasa benteng na piraso na ang nabili ko pero dito sa mall ay isang damit pa lamang ito na parang nakakahinayang naman kung ito ang aking bibilhin. "Madam gusto mo ba ang damit na iyan,mukhang babagay naman s'ya sa'yo?" Tanong sa akin ni Mayla. "Ang mahal kasi!" Bulong ko dito. Napangiti naman ito sa aking sinabi. "Madam barya lamang po ang presyo na iyan sa boyfriend n'yo na isang bilyonaryo." Napapabungisngis na sabi pa nito sa akin. "H'wag mo na nga akong tawagin na Madam naiilang kasi ako okay na sa akin ang Akira okay."Sabi ko pa dito dahil kanina pa ito tawag ng tawag ng madam sa akin. "Okay po!" Tipid na sagot nito sa akin. "Kaya kunin mo na po ito at marami pa kayong pagpipilian." Sabi nito kaya naman hinayaan ko na lamang ito na tulungan akong mamili at halos nag-enjoy ko na din ako sa pagsusukat na sa huli ay nagustuhan din naman maging ni Xavier katulad ngayon dito sa huling napili ko na mini dress na hanggang tuhod ko lamang at medyo nakalaylay ang manggas nito na sinasabi nilang off shoulder style na hindi ko nga alam kung bagay ba talaga sa akin dahil si Mayla lang naman ang nagsasabi sa akin na bagay daw sa akin. "Presenting Miss Akira Louise Sevilla!" Tila proud na pagkakabigkas pa ni Mayla ng lumabas ako mula sa loob. Tila naman nahiya ako sa titig nila sa akin ngayon dahil maging ang mga bodyguard's n'ya ay nakatingin na sa akin kaya naman naisipan ko na sana bumalik sa loob ay bigla na lamang nagsalita si Xavier. "Isuot muna ang damit na iyan ngayon bagay sa'yo"! Sabi nito na parang nabingi pa ata ako sa sinabi nito. "Bagay sa akin?" Tanong ko pa dito. "Oo ang kulit,bilisan n'yo na dahil maggagabi na at nagugutom na ako!" Sagot nito na kahit nakasimagot ay napangiti na lamang din ako maging si Mayla ay ganoon din na parang masaya ito para sa akin. Bumalik ako sa loob at nakasunod naman sa akin ito ang dalawang babae kanina ay hindi ko alam kung nasaan na ba basta ang tumulong lamang sa akin ngayon sa pamimili ng damit na ito na bumagay naman sa akin. "Sabi ko naman sa'yo Madam i mean Akira pala!" Sabi nito na tinawag na naman akong madam. "Salamat sa'yo Mayla!" Sabi ko pa dito. Inayos ko na muna ang aking sarili at pumili na din ng mga sandals na aabot siguro sa sampung pares na hindi ko alam kung maisusuot ko ba itong lahat. Nang matapos kami ay lumabas na kami at ngayon ko lamang nakita ang mga pinamili namin lahat na sobrang dami pala at alam kong hindi biro ang binayaran ngayon ni Xavier para lamang sa mga damit na ito at mga ilang kailangan ko sa habang nasa loob ako ng kontrata. "Salamat sa tulong mo sa akin Mayla." Sabi ko pa dito bago kami tuluyan na umalis. "Tungkulin po namin ang tulungan kayo." Sagot naman ng babaeng hindi naman tumulong sa akin kanina. "Kumpleto na ba ang lahat ng mga kailangan mo?" Tanong nito sa akin habang magkasabay kami na naglalakad ngayon at ang mga bodyguard nito ay nasa palibot namin na parang hindi maaring malingat sila. "Okay naman na ang lahat at kumpleto na sobra na nga ang mga iyon kaya lamang ay sabi mo kasi ay kailangan lahat ng babagay sa akin ay kukunin mo kaya ayun lahat ng damit na sa tingin ni Mayla ay bagay sa akin ay inilagay n'ya sa cart kaya dumami." Sagot ko dito. "Mas better ang marami kang pagpipilian dahil madalas ay nasa mga okasyon tayo kaya naman kailangan mo ng maraming damit at mga sandals maging mga palamuti sa katawan na sa makalawa ay sasamahan naman kita sa jewelry store para makapamili ka." Sagot nito sa akin. "Wala akong pambayad sa'yo sa lahat ng ito Sir alam mo naman ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang trabaho na ito ay para sa aking inang may sakit at nasa hospital ngayon." Wika ko pa dito na hindi na namin namalayan na nasa harap na pala kami ng kotse nito. "Sumakay ka na muna at sa loob na tayo mag-usap." Utos nito sa akin. Sumakay na din naman ito at nang nasa loob na kami ng kotse ay muli itong nagsalita. "Don't worry dahil hindi mo naman babayaran ang lahat ng iyan dahil kung babasahin mo ang kontrata ng maigi ay nakapaloob din dun na kasama sa aking kailangan na iprovide sa'yo ay ang mga kailangan mo habang nagpapanggap kasama dun ang condo unit na sa'yo na din nakapangalan at maging ang monthly allowance maliban sa binayad ko na pambayad ng bills n'yo sa hospital ay nakasaad din sa kontrata na may matatanggap kang one hundred thousand monthly hanggang sa matapos ang kontrata" paliwanag nito sa akin na halos ngayon pa lamang nagsisink in sa akin ang mga sinasabi nito. "Binasa mo ba ang kontrata na pinirmahan mo,bakit tila wala kang alam sa benefits na makukuha mo?" Takang tanong nito sa akin. "Ang mabuti pa ay basahin mo ang kontrata dahil baka mamaya ay magulat ka na naman sa mga gagawin ko na nakapaloob din dun." Dugtong pa nito sa kan'yang sinabi sa akin. Parang ang saya ko kanina dahil sa narinig ko na isang unit condo at monthly allowance na one hundred thousand ay napalitan ng takot dahil sa sinabi nito. Siguro ay ngayon pa lamang ay kailangan ko ng ihanda ang aking sarili para sa kung anuman ang kapalit ng lahat ng ito. "Kakain muna tayo ang tagal mo kasi sa mall kaya naman nagutom ako, ikaw ba ay marunong magluto?" Sabi pa nito sabay tanong na din. "Oo naman mga simpleng lutongbahay lamang naman ang kaya kong lutuin pero syempre masarap naman." Proud na sagot ko pa dito "Sige soon ay gusto kong matikman ang luto mo,dahil gusto ni Lola ang babaeng magaling magluto at maasahan daw sa bahay na sa tingin ko ay ikaw na ang magiging perpektong manugang para sa kanila."Ani pa nito na himala at medyo nagiging madaldal na ito. "Huyy! Natulala ka na d'yan?" Tanong nito. "Wala nagulat lang ako dahil kaya mo naman pala ang sumagot ng mahaba at hindi lamang puro pasigaw at tila laging galit."Sagot ko dito na napatango naman ito at kinurot ang pisngi ko. "Aray ano ba!" Sigaw ko dito pero tumalikod na ito sa akin at sumandal sa kabilang side ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD