Matapos makakain sa paborito daw nitong restaurant ay agad na din kaming umalis.
"Saan naman tayo pupunta ngayon?" Tanong ko dito.
"Sa condo mo!" Sagot nito sa akin.
Hindi naman na muli akong nagtanong pa dito hanggang sa huminto na naman ang kotse sa isang napakalaking building.
Pagbaba ko ang kotse ay namangha pa ako sa lalo sa laki nito na napakataas pa.
"D'yan ba ako titira?" Tanong ko.
"Oo!" Tipid na sagot nito sa akin na parang tinatamad na naman itong sumagot sa akin ngayon.
"Halika na!" Pag-aya nito sa akin at nasa gilid ko naman si Filo na nilingon ko pa at ngumiti naman ito sa akin.
Habang papasok sa loob ng building ay sinalubong naman agad kami ng mga staff na parang kilalang kilala na dito ang lalaking ito.
Lahat ay bumabati sa kan'ya na akala mo ay s'ya na ang pinaka importanteng tao sa mundo.
Dumiretso agad kami sa elevator heto na naman ang struggle ko sa pagsakay dito lahat sila ay nasa loob na maliban sa akin.
"Madam okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Filo na inalalayan pa ako.
"H'wag mo s'yang hawakan!" Tila nagulat naman ako sa pagsigaw ni Xavier na akala mo ay napakalayo namin na kinakausap n'ya ngayon .
Agad naman na bumitaw sa akin si Filo at si Xavier ang lumapit sa akin na para alalayan.
"Bakit ba simpleng elevator lang ay takot na takot ka?" Tanong nito sa akin.
"Hindi naman sa takot sadyang nahihilo lang ako dito." Sagot ko dito.
Nang makapasok sa loob ng elevator ay gumilid na naman ako para pumikit at magdasal na sana ay malapit lamang ang floor namin dito
Habang umaandar ito ay naramdaman ko naman ang paghawak nito sa aking kamay ng mahigpit kaya medyo nawala ang kaba ko.
Hanggang sa naramdaman ko na ang pagtigil ng elevator at lumabas agad ako dahil talagang nahihilo na ako.
Halos matumba pa nga ako mabuti na lamang at laging nakaalalay ang isang ito sa akin.
"Paano ka tatagal dito sa condo mo kung palagi kang nahihilo sa elevator?" Tanong pa nito sa akin.
"Uso naman ang hagdan di ba!" Sagot ko dito.
"Seryoso ka ba na hagdan ang gagamitin mo sa paakyat dito sa eight floor?" Tila hindi makapaniwala na wika pa nito sa akin.
"Oo nga! Kesa naman ganito ako sa tuwing sasakay d'yan." Sagot ko dito habang nakaalalay pa din ito sa akin ngayon.
Nang tumapat kami sa isang pinto ay agad itong naglabas ng parang card na itinapat sa pinto at kusa na itong bumukas.
"Anong tawaf d'yan?" .
"Ito,keycard para hindi ka na mahirapan magsusi ay ito ang gagamitin mo sa pinto para bumukas katulad ng ginawa ko kanina kaya h'wag mo itong iwawala." Sagot nito sa akin na ipinaliwanag pa kung ano ba ito habang nakataasn na hawak n'ya.
Lumingon muna ito sa kan'yang mga bodyguard.
"Dito na muna kayo at magbantay!" Utos nito bago kami tuluyan na punasan sa loob.
Pagpasok pa lamang namin ay ramdam ko na ang karangyaan sa loob nito lalo na ng tuluyan na kaming makapasok.
Maganda ang style nito sa loob na halatang mamahalin na condo ito at hindi lamang putso putso kagaya ng iba.
Iniikot ko ang aking paningin sa loob at malawak ito.
Siguro nga ay kasya na ang isang buong pamilya dito.
Naalala ko na naman si Inay at kanina ay tinatawagan ko si Richel pero tila busy ito dahil hindi sumasagot sa tawag ko.
"Sana ay naging maayos ang operation ni Inay." Bulong ko pa sa aking sarili.
"Anong sinasabi mo d'yan, nagustuhan mo ba ang loob nito?" Tanong nito sa akin.
"Oo naman maganda dito,pwede naman na hindi ganito kaganda ang kinuha mo na unti sa akin dahil sa huli ay iiwan ko lang din naman ito pagkatapos ng kontrata ko sa'yo!"Sagot ko dito ng diretsahan.
"Ayaw ko naman sa tuwing pupuntahan kita ay hindi ako komportable kaya naman ito na ang kinuha ko para sa'yo at sa tingin ko ay kailangan na ilipat kita sa mas mababang unit dahil kung dito ka ay baka matagpuan ka na lamang sa elevator na wala ng buhay dahil sa takot mo." Wika pa nito at naupo sa mahabang couch na kasya na ata ako kapag hihiga dito dahil lapad at laki nito.
"Okay naman na ako dito at h'wag kang mag-alala dahil kaya ko naman bumaba sa hagdan dahil sa probinsya namin noong nag-aaral pa ako ay madalas naglalakad lang ako papasok dahil sa nagtitipid at hindi na kakayanin ni inay kung araw araw pa kaming sasakay ng tricycle papasok at pauwi." Sabi ko dito na ipinaliwanag na din na hindi na n'ya kailangan pang kumuha ng ibang unit dito para sa akin.
"Hindi ko naman gugustuhin na pahirapan ka pa dito at isa pa ay h'wag ka na sabing mag-alala pa sa mga gastos dahil ako na ang bahala sa lahat ng iyon ang tanging gagawin mo lamang ay galingan ang pagpapanggap para magustuhan ka nila Lola at Lolo." Sabi pa nito.
"Oo nakailang ulit ka na ba nang paalala sa akin." Sabi ko dito at nagtungo muna ako sa bintana dito kung saan ay maaring kang lumabas dito typical na bahay ng mayayaman.
Namangha pa ako sa ganda ng view dahil kita mula dito ang buong syudad.
"Ang ganda naman dito"! Sabi ko pa at hindi nabigla na lamang ako ng may maramdaman akong kamay mula sa aking likuran at yumakap sa akin.
"Gawin mo ang trabaho mo ng tama at magkakasundo tayo basahin mo ng maigi ang kontrata,ayaw ko sa lahat ay may hahawak sa'yo maliban sa akin habang hindi pa natatapos ang kontrata mo ay hindi ka maaring magkaroon ng ugnayan sa ibang lalaki maliban sa akin." Sabi nito at inilagay ang kan'yang mukha sa aking balikat habang nagsasalita ito.
Hindi naman na ako nagsalita pa dahil wala naman akong boyfriend kaya wala itong dapat alalahanin pa kung ito ang kan'yang iniisip
Hindi ko din maintindihan ngayon ang aking nararamdaman habang nakayakap ito sa akin.
Iba ang kabog ng dibdib ko kapag nasa malapit ito.
"Aalis na ako at alam ko naman na napagod ka ngayon sa pamimili natin at ngayon pa lamang pala ay maging handa ka na dahil i want to claim your body after our fake wedding,,binasa ko din kasi ulit ang kontrata at iyon ang nakalagay dun kung kailan kita maaring angkinin." Sabi pa nito na parang biglang nag-init naman ang aking pisngi sa way ng kan'yang pagkakasabi na parang nang-aakit pa sa tono ng kan'yang boses.
Humiwalay na din ito sa akin at bumalik na sa sala.
Sumunod naman ako dito.
"May maiiwan na bodyguard dito sa'yo dahil sa gusto ko din naman ay laging malaman ang mga ginagawa mo kaya h'wag na h'wag kang magkakamali ng hindi ko magugustuhan Akira dahil hindi mo alam kung ano pa ang kaya kong gawin " Wika pa nito na tila ba nagbabanta pa sa huling salita na binitawan nito.
Palabas na ito at ang akala ko ay wala ng ibang sasabihin pa.
"Mag-iingat ka dito okay bukas ay hindi kita mapupuntahan dahil marami akong meeting para bukas at ikaw naman ay hintayin na lamang ang pupunta dito na s'yang magtuturo sayo ng mga proper na paggalaw lalo na kapag na sa mga gatherings tayo at madalas mga kilalang tao ang mga nakakasalamuha natin kaya naman lahat ng ituturo n'ya ay sundin mo dahil kailangan mo iyon." Bilin pa nito.
"Sige ako ng bahala bukas at lahat ay pipilitin kong matandaan lahat ng ituturo n'ya sa akin, mag-iingat ka din dahil sa gabi na."so abi ko naman dito.
"Walang mangyayari sa akin na masama dahil kilala naman nila ako na hindi basta-basta lamang." Mayabang na sagot nito sa akin.
"Sana pala ay hindi na lamang ako sumagot pa dahil wala din naman palang silbi!" Bulong ko pa aking sarili.
"Anong sinasabi mo d'yan?" Tanong pa nito na sobrang lakas ng pandinig dahil sobrang hina lang naman ng pagkakasabi ko.
"Wala naman iniisip ko lamang si Inay,,mamaya ay tatawagan ko na lamang sila para malaman ko kung okay na ba ang lagay n'ya." Sagot ko dito na idinadasal ko pa na sana ay maawa ito sa akin ng sa gayon ay mabisita ko sila inay sa hospital.
"Alam mo naman ang kasunduan natin di ba! Kaya naman hindi ka talaga maaring bumisita sa kanila dahil baka mamaya ay may makakilala sa'yo at kilala ko ang aking mga abuela maaring kapag nakilala ka na nila ay mag-iimbestiga din ang mga iyon kaya naman kailangan na wala silang malaman mula sa pamilya mo,, kailangan na mapalabas natin na ulilang lubos ka na!" Mahabang sabi nito na balewala ang pagpapaawa ko sa kan'ya.
"Oo naiintindihan ko naman maari naman na tawagan ko na lamang sila ." Sagot ko dito at tuluyan na nga ito na lumabas ng pinto.
Si Filo pala ang bodyguard na sinasabi nito sa akin na iiwan n'ya.
"Ikaw na ang bahala sa madam,alam mo naman na ayaw ko sa lahat ay pumapalpak kaya naman ikaw ang magiging personal na bodyguard n'ya lahat ng kan'yang kilos at ginagawa ay kailangan na makakarating sa akin lahat,mga taong nakakausap kailangan alam mo lahat at ang isa pa ay sundin mo lahat ng utos n'ya maliban na lamang kapag hindi ito maari!" Bilin pa nito kay Filo na nakikinig lamang ngayon sa boss n'ya.
"Yes Sir,ako na po ang bahala kay Madam at hindi ko hahayaan na may mangyari na na masama sa kan'ya." Sagot nito at tuluyan na ngang umalis sila Xavier.
Nang makaalis sila ay tuluyan ko nang binuksan ang pinto ang akala kasi ata nila kanina ay sarado ito pero hindi ko sinarado masyado dahil gusto kong marinig ang sasabihin sa kan'ya ni Xavier.
"Madam kanina pa po ba kayo d'yan?" Tanong nito na tila nagulat pa dahil sa pagbukas ko ng pinto.
"Hindi naman,gusto ko lamang kasing tingnan sana kung sino ba ang iniwan sa akin na bodyguard ni Xavier ngayon." Sagot ko dito na nagawa ko pa talaga magsinungaling.
"Ganoon ho ba ang mabuti pa po ay pumasok na kayo sa loob dahil mamaya pa po ako maaring magpahinga." Sabi nito na parang ang hirap nang trabaho n'ya na kailangan nilang ibuwis ultimo buhay nila para lamang mabantayan ang boss nila.
"Sigurado ka ba na ayaw mong magpahinga na din sa loob dahil kanina ka pa nakatayo sa mall at parang hindi naman kayo napapagod?" Tanong ko pa dito dahil kanina pa sila halos walang pahinga.
"Ganito po talaga ang trabaho namin Madam at isa pa po ay may pahinga naman kami kaya lamang nagkataon lamang na maging alerto kami kanina dahil nasa pampublikong lugar tayo at baka mamaya masalisihan kami ng mga taong may masamang balak kay Boss." Sagot pa nito sa akin.
"Ikaw ang bahala iiwan ko na lamang na bukas ito at ikaw na ang bahala kung saan ka ba matutulog mamaya dahil hindi naman maari na d'yan ka matulog "Wika ko dito at ngumiti naman ito sa akin.
Ang gwapo din talaga ng isang ito at kapag ngumingiti ay makikita mo ang pantay pantay na ngipin nito kasabay pa ang kan'yang dimples na malalim pala talaga.
Pumasok na ako sa loob at tiningnan ko ang isang kwarto dito na pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang napakagandang loob nito na may violet na team na paborito kong kulay.
Hindi ko alam pero napapangiti na lamang ako ngayon dahil sa aking nakikita ang amoy pa dito ay lavender na paborito ko din na scent.
Siguro ay si Mamu ang nagbigay ng impormasyon na ito sa kanila.
Mabait naman pala ang lalaking iyon kahit pa may pagkamasungit minsan na akala mo ay isang babaeng may dalaw dahil sa pinapakita nitong ugali.
Lumapit ako sa kama at ngayon ko naisip na tawagan muli sila inay dahil kanina pa din ako nag-aalala dahil nga sa walang sumasagot sa akin.
Tinawagan ko si Mamu at agad naman nitong nasagot.
"Hello Mamu thank god dahil sinagot mo!" Bungad ko dito.
"Hello Iha Akira, pasensya ka na dahil may inasikaso pa ako kanina kaya naman hindi ko namalayan na tumatawag ka pala." Sagot nito sa akin.
"Kumusta po si Inay?" Tanong ko dito na kinakabahan at nanalangin na sana ay nakayanan nito ang operation.
"Okay na s'ya Iha mamaya lamang ay maililipat na s'ya sa private na kinuha mismo ni Mr.De Vera na alam mo ba na sobrang mahal pala ng araw dun kaya lamang ay hindi ko mapigilan ang boss mo kaya naman Iha pasalamat tayo dahil lahat ng hirap mo at sakripisyo ay maganda ang kinalabasan." Wika nito sa akin na pinaliwanag na ang mga nangyari sa hospital at ang iniisip ko ay ang ginawa na naman n'ya para sa akin.
Ang kinuha ko lamang kasi na kwarto kay Inay ay iyong ordinaryo lamang pero gumawa na naman s'ya ng way para mas maging komportable pa si Inay.
"Akira Iha,sandali lamang at tinatawag ako ng doktor,mamaya ay tatawagan na lamang kita ulit." Paalam sa akin ni Mamu at hindi na nga ako nakapagpaalam dito dahil sa nagmamadali siguro talaga ito.
Napatingin na lamang ako sa aking cellphone ngayon.
"Thank you G dahil hindi mo po pinabayaan si Inay!"paghingi ko ng pasasalamat sa AMA na s'yang nakakaalam ng lahat ng maaring mangyari sa amin.
Ngayon kahit paano ay makakahinga na ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Mamu na okay na si Inay.
Nahiga ako sa kama at ipinatong na lamang sa aking dibdib ang cellphone dahil baka mamaya ay makatulog ako at hindi ko agad masagot ang tawag nila.
"Grabe naman sa laki ang kwarto na ito." Kausap ko pa sa aking sarili.
Hanggang sa ipinikit ko na lamang muna ang aking mga mata dahil sa napagod din talaga ako sa pamimili namin kanina na ni hinagap ay hindi ko aakalain na makakapagsuot ako ng mga ganitong kagara na damit.