CHAPTER:7

1635 Words
Naalimpungatan na lamang ako dahil sa pakiramdam ko ay may nakapatong sa akin na hindi ko pa alam kung ano ba ito. Hinawakan ko ang bagay na ito at nagulat ako dahil tila katawan ito ng tao kaya naman agad ako napasigaw. "Aaahhhh!" Halos mapatalon na ako sa kama at ang kung sinuman ang taong ito ay dinig ko ang kan'yang pag-igik dahil sa nabigla nga ako ay nahulog ito sa sahig. Kinapa ko ang aking cellphone na nahulog din. Hinanap ko ang switch at ang gulat ko ng makita kung sino ba ang nakatabi sa akin kanina walang iba ku'ndi ang lalaking ito na nagsabi pa lamang sa akin kagabi na hindi s'ya pupunta dito sa akin. "Bakit mo naman ako itinulak?" Inis na wika nito sa akin na napapeace sign na lamang ako dito dahil sa tingin ko ay nasaktan ata talaga ito dahil sa pagkakahulog. "Bakit kasi nandito ka at anong ginagawa mo dito?" Sunod-sunod na tanong ko dito dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit nandito ito ngayon. Napatingin naman ako sa oras sa aking cellphone at alas singko pa lamang ng madaling araw. "Gusto ko dito magbreakfast ngayon at dahil tulog na tulog ka ay tumabi na lamang muna ako at hindi ko namalayan na nakatulog pala at bakit ko ba ipinapaliwanag ito sa'yo samantalang kung tutuusin ay ako ang boss mo dito at wala kang magagawa kung gugustuhin ko man na matulog dito at pagmamay-ari na kita." Mahabang litanya nito sa akin. "Okay ang haba ng paliwanag mo Boss!" Sabi ko dito na in emphasize ko pa talaga ang salitang boss dahil amo ko naman talaga ito dahil binabayaran niya lang naman ako para magpanggap na magiging asawa n'ya. "Ang mabuti pa ay maghilamos ka na muna dahil ang panget mo!" Sabi pa nito na nanglait pa talaga. "Alam ko hindi man ako kagandahan boss pero alam ko din naman na hindi ako panget!" Mataray na sagot ko dito nakakainis kasi ang sinabi nito. Sabi nga ng kasabihan ay magbiro ka na sa lasing h'wag lang sa bagong gising. "Okay pero tulo laway ka kanina ng makita kita dito sa kwarto at nakikita mo ba ito!" Sabay labas nito ng kan'yang cellphone na may litrato ko na mukhang kinunan nga ako nito ng litrato kanina habang natutulog. "Ang sama mo Boss,pwede bang pakidelete ang picture ko na yan nakakahiya!" Nagpapadyak na angil ko dito at pinipilit na kunin ang cellphone mula sa kamay n'ya. Nasa sahig pa din at unti-unting tumatayo habang ako naman ay pinipilit pa din na kunin ang cellphone nito. Nang makatayo ito ay hindi inaasahan na matalisod ako sa paa nito kaya naman dahil sa gusto nito na agapan ang pagbagsak ko ay sabay kami ngayon nito na bumagsak dito sa kama. Nasa ibabaw ko ito at halos hindi na ako makahinga dahil sa lapit ng mukha n'ya sa akin na kunting galaw ko lamang ay tiyak na lalanding sa bibig ko ang labi nito. "Ano kukunin mo pa ba?" Tanong pa nito na bakit naman parang mas gusto ko na tuloy na mahalikan na lamang nito dahil sa bango ng hininga at ang puso ko ay iba na naman ang lakas ng kabog dahil sa pagkakadikit ng mga katawan namin ngayon. Napapikit na lamang ako habang umiiling at hindi na nagsalita dahil nahihiya akong baka mamaya ay bad breath pa ako dahil kagigising ko pa lamang at ni hindi pa nakakapaghilamos. "Sigurado ka bang hindi muna kukunin ang cellphone ko para deletin ang cute mo na picture?" Tanong pang muli nito na ramdam ko na sobrang lapit na talaga ng labi nito sa akin. Ang mainit na hininga na kaysarap sa aking pakiramdam na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Parang gusto ko na tuloy sunggaban ito kung hindi lamang ako nahihiya. "Diyos ko self kumalma ka please dahil baka imbes na medyo matagal pa bago nito makuha ang bataan ay baka kahit hindi na nito hingiin ay kusa ko ng ibigay."Sabi ko sa aking isipan na hindi ko naman maaring maisatinig. Dahil sa lalaking ito ay lumalabas ang aking itinatago na landi din pala sa katawan na ngayon pa lamang lumalabas sa akin. Ewan ko ba pero iba talaga ang dating n'ya sa akin mula pa ng makita ko s'ya na naglalakad noon sa labas ng Casa de Vera ay alam ko na pinukaw na n'ya ang aking pusong pihikan. Narinig ko naman ang pagtawa nito at ang tuluyan na pag-alis na din sa aking ibabaw. "Ha!Ha!Ha!"tawa pa nito. "Natakot ba kita?" Tanong pa nito. Umayos naman ako at umupo sa kama. "Hindi,bakit naman ako matatakot sa'yo,sabi nga sa akin ng kaibigan mo noon ay harmless ka naman daw kaya hindi ako kailangan na matakot sa'yo." Sagot ko dito. "H'wag kang nagpapaniwala sa bestfriend ko." Sabi pa nito na tila nainis na naman dahil naalala ko pa ang sinabi noon ng bestfriend ng mag audition ako para sa position na hindi ko naman akalain na ito pala ang trabaho na papasukin ko. "Ang mabuti pa ay ipagluto mo na lamang ako para naman sa gayon ay malaman na natin kung papasa ba ang mga luto ko kay Lola na napakapihikan din sa pagkain." Sabi pa nito. Nagpunta na nga muna ako sa banyo dito sa aking kwarto at naghilamos para naman hindi ako mukhang ewan sa harapan nito. Kung bakit naman kasi ang aga aga ay nangungulit ang isang ito sa akin. Nang matapos akong makapaghilamos ay agad na akong lumabas at wala na ito. "Siguro ay lumabas na ang mayabang na lalaking iyon,kung hindi lamang s'ya Boss ay baka nasapak ko na naman ito kaya nga walang tumatagal noon na manliligaw sa akin lalo na ang mga bastos dahil talagang nakakatikim sila ng kamao ko. Pagkatapos ko na ayusin ang aking sarili ay lumabas na ako at dumiretso sa kusina naabutan ko naman dun si Filo na ngayon ay nagtitimpla ng kan'yang kape sa coffee maker. Ngayon ko lamang napansin na kumpleto pala sa kagamitan ang condo na ibinigay nito sa akin. "Good morning Madam!" Nakangiting bati nito sa akin. "Good morning din Filo, nakatulog ka na ba?" Ganting bati ko dito na itinanong na din kung nakapagpahinga na ba ito dahil baka mamaya ay nagbantay lang ito magdamag sa akin. "Yes Madam natulog ako sa couch kanina at nagising lamang ng dumating si boss kanina na mukhang namiss ka agad kaya naman bumalik dito para makita ka!" Nakangiting sagot nito sa akin na parang masaya ito para sa Boss n'ya. "Ako namiss n'ya!" Sabi ko pa sabay taas ng kilay. "Yes Madam dahil kanina pagdating n'ya ay agad na s'yang pumasok sa kwarto mo at siguro ay nakabaon s'ya kanina." Sabi pa nito na hindi ko maintindihan. "Anong nakabaon ang sinasabi mo d'yan?" Tanong ko pa dito sa nagtatakang tono ng aking boses. Hindi ko naman kasi maintindihan ang mga sinasabi nito. "H'wag muna po isipan pa ang sinabi ko Madam ang mabuti pa ay magkape ka na lamang din " Sagot nito na hindi naman sinagot ng maayos ang tanong ko sa kan'ya. "Bahala ka nga d'yan sa boss mo nalang ako magtatanong mamaya kung saan ba s'ya bumaon na pinagsasabi mo d'yan!" Sabi ko pa dito at nagtingin-tingin na muna ako sa ref ng pwedeng mailuto para sa agahan ng aking boss na alam kong naghihintay na din ng aking lulutuin para sa kan'ya. "Filo pwede ba magtanong?" "Ano po iyon!" Magalang sagot nito sa akin. "Pwede ba Filo h'wag muna akong tawagin na Madam d'yan dahil nakakailang at isa pa ay mukhang tayo tayo lang din naman ang palaging magkakasama kaya naman Akira na lamang o Louise ang itawag mo sa akin." Sabi ko dito pero hindi naman sana ito ang itatanong ko sa kan'ya. "Pero Madam baka naman magalit si Boss kapag hindi kita tinawag na madam dahil ang bilin n'ya ay kung paano namin s'ya igalang ay dapat ganoon din kami sa'yo." Sagot nito sa akin. "So ganito na lamang kapag nandyan si Xavier ay tawagin mo akong madam pero kapag tayo tayo lamang ay please lang tawagin mo na lamang ako sa aking pangalan." Paliwanag ko pa dito.at nakiusap na din dahil naiilang talaga akong tawagin na madam dahil kung tutuusin naman ay pare-parehas lamang kami na tauhan dito ni Xavier. "Okay madam i mean Akira baka kasi marinig ni Boss at mayari talaga ako!" Kakamot kamot sa ulo na sabi pa nito sa akin na parang nahihiya pa na tawagin ako sa aking pangalan. "May itatanong pa pala ako!" Sabi ko pa dito dahil ito naman talaga ang sasabihin ko sa kan'ya kanina. "May alam ka ba na gustong pagkain ng boss mo?"tanong ko dito dahil gusto ko din naman ay maipagluto ko s'ya ng magugustuhan nito. "Paborito n'ya ang pritong isda na iginisa sa maraming sibuyas na may ketchup!" Sagot nito sa akin. "Paano mo naman nasabi na paborito n'ya iyon?" Tanong ko pa ulit dito. "Dahil madalas n'yang ulam iyon at mahilig sa seafood si Boss Akira kaya naman kung gusto mo na tumagal kayo ay tiyakin mong masarap ang mga lulutuin mo dahil medyo pihikan din si Boss sa.mga kinakain n'ya." Dugtong pa nito sa kan'yang naging sagot sa akin. "Okay sige salamat,magkape ka na muna dun sa sala at h'wag kang mag-aalala dahil kasama ka sa ipagluluto ko!" Wika ko dito at ngumiti naman ito.. "Sige Akira salamat din medyo nakakaramdam na din ako ng gutom kaya pwede ba na dagdagan mo ang isasaing na kanin." Bilin pa nito. "Oo na sige na punta ka na muna dun para naman makapagluto na ako dito." Sabi ko pa dito na parang sa tono ng aking boses ay itinataboy ko na ito. Hindi kasi ako sanay ng may nanonood sa akin habang nagluluto naiilang ako at hindi makapagconcentrate sa aking ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD