CALIX Xavier de Vera POV Papunta ako ng kompanya ngayon,,dahil may importante akong kailangan asikasuhin at kailangan ko muna na iwan si Akira sa mansion nila Lola,,alam ko naman na kakayanin si Vanessa. Hindi ko alam kung bakit sa tinagal tagal nitong nawala ay bakit bumalik pa ito. Nang makarating sa kompanya ay agad na akong nagpunta sa opisina ko. Inabutan ko dito si Craig. "Hays mabuti naman at dumating ka na lover boy"Bungad agad nito sa akin. "Bakit nandito ka?" Tanong ko dito dahil wala naman akong natatandaan na may usapan kami nito ngayon na magkikita. "Parang ayaw mo naman na kamustahin kita?" Balik tanong nito sa akin. "So bakit nga nandito ka?" Muling tanong ko dito. "Gusto ko lang kamustahin ka at si Akira." Sagot nito sa akin. "Okay naman kami,at maayos n'yang na

