Akira Louise Sevilla POV Paggising ko ngayon ay agad ko na kinapa ang katabi ko pero nagulat ako dahil wala na ito. Agad akong tumayo sa kama para tingnan kung nasa banyo ba ito,,pero wala. Agad akong naghilamos ng aking mukha,,dahil tanghali na pala at siguro ay nasa baba na si Xavier. Nakakahiya naman kung palagi na lamang akong ganito,, tanghali na kung gumigising baka mamaya ay isipin ng Lola ni Xavier ay napakairesponsable ko naman na asawa kung hindi ko maasikaso si Xavier. Pagkatapos kong maghilamos ay agad ko ng sinuklay ang buhok ko at napangiti na lamang ako dahil sa may salamin ay may sticky note na nakalagay. "Good morning Akira,, hindi na kita ginising pa dahil himbing na himbing ka sa pagtulog mo.Pupunta lang ako sa kompanya at babalik din agad kapag natapos ang import

