Elora’s Point of View MABILIS akong napatakbo papuntang lababo ng maramdam ko na naman ang morning sickness ko. Doon nagduduwal na naman ako kahit wala naman mailabas. Namamawis ang noo ko nang matapos. Saka ako muling bumalik sa dining table. “Anak, kailangan mo na talagang magpa-check-up, hindi na biro iyang pagsusuka mo sa araw-araw,” saad ni Dad na puno nang pag-aalala ang mukha. “Oo nga, apo, hindi na biro iyan, kailangan ka na naming dalhin sa hospital para makapagpa-check-up,” segunda naman ni Lola. “Tama ang Lola at Dad mo, apo, kaya pumayag ka na.” Ngumiti ako ng tipid sa kanila. Tatlong araw na simula nang makabalik kami dito sa Maynila. Tatlong araw na rin na lagi nila akong nakikita na laging nagsusuka; lagi akong pinipilit ng mga ito na pumunta na sa doctor para magpa-che

