Elora’s Point of View EXCITED na lumabas ako sa aking kwarto. Malapad ang aking ngiti habang pababa ng hagdanan. Finally, after two weeks, pinayagan na rin ako ni Dad na magtrabaho uli. Pero siyempre, dahil worried siya sa akin, tinawagan niya si Kristina. Sabi ni Dad na dapat kasama ko daw si Kristina kahit saan man ako pumunta, lalo na ngayong lagi raw akong nagsusuka. Naalala ko pa, dalawang araw na ang nakararaan, nang bigla na lang akong nahimatay. Nagising na lang ako na nasa hospital. Buti na lang at nandun din si Yaya Veronica kaya hindi nabuking ni Dad o nina Lola ang sekreto ko. Sabi ni Yaya, siya daw ang nakiusap sa doktor na huwag sabihin kina Dad ang dahilan kung bakit ako nahimatay. Kaya laking pasasalamat ko kay Yaya, dahil nandun siya upang pagtakpan ang sekreto ko. Alam

