Chapter 13: Ang pag-alis

2176 Words
Fhaye's p.o.v Nilingon ko ang Micanovic mansion sa huling pagkakataon bago tuluyan ng umalis. Nagta-taxi na lang sana ako kaso wala ni isa man ang tumigil kaya naman naglakad na lamang ako sa bus station. Mabuti nalang at medyo malapit lang. Pasakay na ako ng bus nang may yumakap sa likuran ko. "Im sorry please don't leave." Sabi ng kung sino mula sa aking likuran. Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko. Kaya lang, hindi ba't nagsorry na rin siya dati? Pero hindi naman nagbago. Bumait sandali ngunit sumungit na naman. Ang sorry na ito, hindi ko alam kung saan mapupunta kung di ako aalis. Parang asawa tuloy na iniwan at nang-iwan ang style naming ito. "I'm sorry." Sambit niya habang umiiyak sa likuran ko. Nakalagay naman ang baba niya sa balikat ko. Hindi ko alam kung bakit parang malalaglag na yata ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k. Ngunit kailangang hindi ako magpapadala sa emosyon. Baka mamaya hindi pa matutuloy ang alis ko dahil madadala ako sa drama ng isang to. Tapos walang hangganang sakitan ng salita na naman kami. "I have enough." Sambit ko at tinanggal ang pagkakayakap niya. Pumasok na ako at naghanap ng mauupuan. Umandar na ang bus. "Fhaye." Tawag niyang bigla na tila ba ngayon lamang natauhan mula sa pagkakatulala kanina. "Fhaye." Tawag niya habang tumatakbo. Ewan ko ba. Bigla-bigla na lang nawala lahat ng galit ko nang mag-sorry siya. Pero para naman to sa aming dalawa. Para hindi ko na maagaw ang bagay na para sa kanya. Saka maaari naman akong bumisita ulit sa kanila. Di na niya kailangan pang magdrama. Gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon. "Fhaye." Tawag niya pa. Nagdadalawang isip tuloy akong umalis. "Miss kawawa naman yung boyfriend mo." Sabi ng driver at titigil na sana kaso walang mahihintuan dahil marami-rami na ang mga sasakyan sa paligid. "Ang poge ng boyfriend mo Miss. Siguradong mahal na mahal ka niya." Sabi naman nitong babae sa likuran ko na parang kinikilig. Napakunot nanan ang aking noo. Sabihin ba namang boyfriend ko ang masungit na yun? Kaya lang, bakit natutuwa yata ako kapag naririnig kong sinasabi nilang boyfriend ko ang Luicinfer na yun? Gusto ko tuloy sapukin ang sarili ko kung bakit nagkakaganito ako. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa kong pag-alis. Naguguluhan ako. Nalilito. Pumikit na lamang ako. Sana pagising ko, magiging ayos na ang lahat. Kung pwede sana di na ako magigising. Kung ang lahat ng bagay na meron ako ay di naman para sa akin. Bigla na lamang akong nakarinig ng malakas na pagsabog. *** Kian's p.o.v "Mahirap pumasok sa buhay niya kaya wag mo ng subukan." Naalala ko pang sabi ni Tita. Mahirap nga dahil kahit anong advancement na ginagawa ko binabalewala parin niya. Iniiwasan parin niya ako. Naiilang parin siya at may harang paring namamagitan sa aming dalawa. Kung sana ako na lang si Blaze. Na nginingitian niya ng matamis kapag nakakasalubong. Binabati at inaasar kapag nakakasama. Napabuntung-hininga na lamang ako at pinagmasdan ang keychain na napanalunan namin noon sa paglalaro ng bowling. Ibinigay kasi niya sa akin, pang lucky charm ko daw. Parang totoo naman dahil palage na lamang kaming nananalo sa basketball ngayon. Dati kasi palaging ang grupo nina Throne ang nananalo. "Bakit lasing na naman si Throne?" Ang narinig kong tanong ng mga katropa ni Throne. "Alam niyo na. Hindi na naman sumipot ang hinihintay niya. Nagpa-reserved pa naman siya ng upuan tapos di naman dumating." Sagot ng kasama. "Bakit pa kasi ang babaeng yun ang pinagpapantasyahan niya? Mangarap na nga kasi yun pang ang hirap abutin." Sagot din ng ikatlo. "Ang dami namang naghahabol sa kanya bakit don sa Fhaye pa na yun?" Dahil sa pamilyar na pangalan, natigilan ako. "Kunwari ka pa. Pero kung makadaan siya grabe ka makatitig." Tukso ng isa na ikinamula naman ng mukha ng kasama. "Hindi no." Tanggi nito. "Tanggi pa more." Tukso ng kasama. Agad silang nagsitahimik nang makita na makakasalubong nila ako. Hindi ko sila pinansin dahil hindi naman kami close tapos magkalaban pa ang team namin sa basketball at soccer. Kung nagtataka kayo kung bakit kilalang-kilala si Fhaye iyon ay dahil sa top siya sa klase magmula nong junior year niya hanggang ngayong nasa senior high school na siya. Kilala din ang grupo niya na the cute trio dahil ang cute nilang lahat. Kilala si Blaze na campus crush habang campus barbie naman si Verse. The aloof princess naman ang tawag sa kanya. Ewan ko lang kung aware ba siya. Maraming nagkakagusto sa kanya sa campus na ito at isa na ako sa nagkacrush sa kanya. Cold siya ngunit hindi ibig sabihin no'n na masama ang ugali niya. Cold and aloof na may gentle personality. Tapos kung ngingiti mapapatitig ka nalang dahil mas lalo siyang gumaganda. "Pero narinig niyo ba yung sinabi niya na di niya magugustuhan si Kian?" Natigilan ako dahil sa mga bulungan ng tatlong lalaking nakasalubong ko kanina. "Syempre naman. Kalat na kalat na kaya sa school nang pagbantaan siya ni Zara. Kala nila magkakagusto si Fhaye kay Kian? Heh! Mananaginip lamang sila ng gising." Parang may kung anong bagay na pumiga sa puso ko. Ngunit napakunot ang noo ko marinig ang sinabi nilang pinagbantaan ni Zara. May ginawa kaya si Zara kay Fhaye? "Kawawang Kian. Ginagawa ang lahat para magustuhan ni Fhaye. Pero sinira lang lahat ng kapatid niya. Ano kayang mararamdaman niya? Hahaha. Parang gusto kong makita." Pag-uwi ko sa bahay agad kong pinuntahan si Zara sa kwarto niya. "Zara. Zara." "O kuya, bakit?" Tanong niya matapos buksan ang pinto. "Bakit mo ginawa yun?" "Ang ano?" "Kay Fhaye." Sagot ko. "Bakit mo siya binalaan?" Hindi ko inaakala na gagawin niya yun. Paano nalang kung magagalit sa akin si Fhaye at mas lalo na akong lalayuan? "Ah, nagsumbong pala siya." "Hindi siya nagsumbong. Narinig ko lang sa iba. Bakit mo ginawa yun?" "Ginagamit ka lang ng babaeng yun. Piniperahan ka lang niya." Sagot ni Zara at nagtsk pa. "Hindi ganong klaseng babae si Fhaye." Ako ang nagsisikap na mapalapit sa kanya tapos tatawagin na siyang nanggagamit ng iba at sa sarili ko pang kapatid? "Di ba ganon din ang tingin mo sa boyfriend ko at pinagbantaan mo rin naman siya?" "Ah, kaya pala gumaganti ka. Sige. Iyan pala ang gusto mo. Sa susunod na makikita kong may ka-date na iba ang boyfriend mo at kahit makikita ko pa na niloloko ka lang niya, hinding-hindi na kita papakialaman pa. Iyon pala ang gusto mo e." Sagot ko at tinalikuran na siya. Galit na galit talaga ako at disappointed masyado sa kapatid kong ito. "Ginagawa ko lang yun dahil ayaw kong matulad ka sa akin kuya. Gagamitin ka lang niya. Gagawin ka lang niyang tulay para yumaman." Sigaw ni Zara sa akin. Napatigil ako sa paglakad at muling humarap sa kanya. "Hindi mo siya kilala." "Marami na akong kilalang katulad niya. Ginagamit ang ganda at nagbabait-baitan para lamang makabingwit ng mga mayayaman." "Zara. Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo sa lahat ng makikita mong mahihirap na maganda." "Di mo ba pansin. Una niyang inakit si Blaze tapos si Throne at kamakailan lang nakita ko siyang kasama si Luijen. Tapos pati ikaw. Pinagtuhog lang kayo ng babaeng yun. Pinaikot lang niya kayo. At marami pang iba diyan. Bakit ba nagbubulag-bulagan kayo sa tunay na kulay ng babaeng yun?" "Gusto kong malaman mo na pito ang nakatalang anak ng mga Micanovic. At alam mo ba kung sino ang ikapito?" "Ano bang sinasabi mo? Paano nadamay ang pamilya ni Luijen?" "Siya ang ikapitong ampon ng mga Micanovic. Ang kanilang bunso. Sa tingin mo kailangan pa ba niyang akitin ako? At ano yun? Pagtuhugin kami?" Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri at napahinga na lamang ng malalim. "Hindi pa nga ako nakapangligaw sinira mo na agad. Saka stepsister siya ni Luijen. Kaya kung magkasama man sila sa pag-uwi iyon ay dahil iisa lang ang tinitirhan nila." Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Zara. Nanlaki ang mga mata at napaawang ang mga labi. "Ku-kuya. Bakit di kasi sinabi agad?" Tanong niya at napasabunot sa buhok. *** Third person's p.o.v Tumunog ang ringtone ng cellphone ni Kian. Agad naman niyang sinagot kung sino man ang tumatawag. "Kian. Maaari bang pigilan mo si Fhaye?" Luijen said anxiously na ikinagulat ni Kian. "Ano? Bakit? Nasaan ba siya?" Mabilis na nagpunta si Kian sa kung nasaan ngayon si Luijen. Nakita niyang nasa kalsada ang kaibigan at naghihintay sa kanya. "Masyadong traffic sa daang ito. Kaya sa ibang daan tayo dadaan." Sabi ni Luijen na sakay na ngayon sa kotse ni Kian at iniliko naman agad ni Kian ang sasakyan. Pagdating nila sa Pier agad na hinanap si Fhaye. "Sigurado ka bang dito ang punta niya?" Tanong ni Kian habang inililibot sa buong paligid mga mata. "Oo. Nakita ko sa laptop niya na nagbook siya ng ticket sa barko papuntang probinsya." Dahil walang Fhaye ang dumating umalis na lamang sila. Narinig nilang may mga serena ng mga ambulansya silang naririnig at trafic parin sa kabilang daan. "Mukhang may disgrasya." Sabi ni Kian. "Disgrasya?" Sambit ni Luijen. Nagkatinginan naman ang dalawa at parehong nakaramdam ng kaba. "Itigil mo." Sabi ni Luijen at agad namang itinigil ni Kian ang kotse. Agad bumaba si Luijen sa kotse. Sinundan naman siya ni Kian. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Kian habang hinahabol ang tumatakbong kaibigan. Napatigil sila sa kung saan may makikitang usok at may mga nagkukumpulang mga tao. Nabitiwan naman ni Luijen ang hawak na cellphone. "Fhaye." Tawag ni Luijen habang nakatingin sa tatlong sasakyan na tinutupok na ngayon ng apoy. Isang Van, isang ten wheeler truck at isang bus. Ang bus na sinakyan ni Fhaye kanina. "Don't tell me iyan ang sinakyan niya?" Tanong ni Kian na dinadasal na iiling si Luijen. Ngunit nakita niyang napaatras ang kaibigan. Napaupo na rin siya. Parehong nakatulala ang dalawa. Bigla namang tumakbo palapit sa kinaroroonan ng mga nasunog na sasakyan si Luijen na agad namang pinigilan ng mga mga police. "Bitiwan niyoo ako. Hahanapin ko si Fhaye." Tiningnan nila ang mga bangkay na hindi na mahitsura na dinadala ng mga medics. May mga katawan na sunog na. Ilang katawan na ang nakuha mula sa tatlong sasakyan ngunit wala parin ang katawan ni Fhaye. "Hindi siguro ito ang bus na sinakyan ni Fhaye. Baka buhay pa si Fhaye." Sabi ni Kian na nabubuhayan ng loob sa naisip. Napatingin naman si Luijen sa plate number ng bus. Ito yung plate number ng sinakyan ni Fhaye. Hinding-hindi niya iyon makakalimutan. "Ito yung bus na sinakyan niya." Parang bombang sumabog sa pandinig ni Kian ang sinabi ni Luijen. Muling nanghina ang katawan niya sa narinig. "Fhaye." "Bakit siya sasakay ng bus?" "Saan siya pupunta?" "Sir di po kayo maaaring bumaba." Sunod-sunod na tanong ni Kian. "Kasalanan ko ang kahat ng to. Kasalanan ko ito." Sambit ni Luijen na hawak ang mukha. "Sir ito lang po ang nakita namin sa pasaherong hinahanap niyo." Sabi ng isa sa rescue team. Ang bag ni Fhaye na nababalot ng dugo. Nakapaloob rito ang cellphone niya at iilang cash niya. Nanginginig ang mga kamay na inabot ni Luijen ang may basag ng cellphone. May diary notebook din ang sa loob ng may sunog na bag. Napatingin si Luijen sa maliit na diary notebook. May nakasulat dito na Where should i belong bilang title. "In this world, I don't have anything except a borrowed love and a borrowed family. I owe him everything I have so it's natural to give it back to where it really belong. I'm so sorry for Luijen. Dahil lang sa pangarap kong magkaroon ng isang buong pamilya, kinuha ko ang atensyon na dapat ay para sa kanya. Sinusuli ko lang para maging masaya na siya. Para hindi na siya palaging galit at di na siya malulungkot pa." "Im so sorry Fhaye. Im so sorry." Sambit ni Luijen at bumagsak ang butil-butil ng mga luha mula sa mga mata. *** Ilang araw na rin ang nakalipas. Hawak parin ngayon ni Luijen ang diary ni Fhaye. Paulit-ulit na binabasa ang nilalaman ng diary at paulit-ulit na sinasabi ang salitang sorry. Sinsisi ang sarili sa pagkadisgrasya ni Fhaye. May kumatok sa pintuan ni Luijen ngunit walang sumagot. Bumukas ang pintuan at niluwa no'n si Luiza. Walang tao kaya nagtungo si Luiza sa kwarto ni Fhaye baka nandoon na naman si Luijen. Naratnan niyang nakaupo si Luijen sa piano bench habang hinahawakan ang piano key. Ang pianong ito ang isa sa dahilan kung bakit sumama ang loob ni Luijen kay Fhaye noon. Binilhan kasi nila ng grand piano si Fhaye bilang welcome gift niya tapos si Luijen na gustong bilhan ng kotse sa birthday niya hindi pinagbigyan. Doon nagsisimula ang pagtatampong nararamdaman ni Luijen at doon nagsisimula kung bakit pinakikitunguhan niya ng masama si Fhaye. Ngunit ngayon wala na si Fhaye. Wala ng tutugtog pa sa piano na ito. Ngunit tila gumuho na rin ang buong mundo ni Luijen. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD