Chapter 12: Magpakalayo-layo

1694 Words
Fhaye's p.o.v Wala akong ganang pumasok kaya parang ang bigat bigat ng mga paa ko habang naglalakad pababa sa hagdan. Bahagya akong natigilan makita si Luijen na nakasandal sa gilid ng pader. Ang sama ng tingin sa akin. Dalawang araw na nga siyang absent tapos ngayong papasok na siya para na akong kakainin sa galit. Ano na naman bang kasalanan ko sa kanya? Nilagpasan ko na siya nang bigla na lamang siyang nagsalita. "Wag na wag kang magpapasok ng bisita dito. Tandaan mo, hindi mo ito bahay." "Alam ko." Saka kailan ba ako nagpapasok ng bisita dito at bigla na lamang akong pagsabihan ng ganito? Ah, baka noong pagdalaw ni Blaze dito. Pero napakatagal na non a. Bumait pa nga siya sa akin magmula no'n kaya bakit nagagalit na naman siya ngayon? Pagdating ko sa school nakita mo si Kian na naghihintay sa may gate. "Hi Fhaye." Bati niya at binigay ang dala niyang bulaklak at may kasama pang tsokolate sa akin. Bakit niya ba to ginagawa? Nanliligaw ba to? Pero wala naman siyang sinabi a. "Para saan to? Di ko naman birthday a." "Sumasabay lang sa uso. Puno na kasi ang locker mo kaya naman sa personal ko na lang binibigay." Nakakapagtataka lang. Ano bang nakita ng mga namimigay ng mga gift sa akin e di naman ako mabait? Di naman kagandahan. Di rin naman katalinuhan. Nangunguna man ako sa klase pero di ko naman feel na matalino ako. Nagrereview lang kasi ako kapag may test o may final exam na. Kapag wala, halos di ko na rin nasisilip ang mga lessons namin. Pagkatapos naman ng exam, kung ano man ang naiwang kaalaman sa utak ko mabubura na lahat kaya di ko masasabing matalino ako. Di ko feel. Kaya nakapagtataka masyado kung may magpapakita ng motibo na gusto ako. Di ako makahanap ng dahilan kung bakit nila ako magugustuhan. Hindi ako palasalita sa iba. Hindi rin pala kaibigan. Tipid na ngiti lang din ang ibinibigay ko sa mga bumabati sa akin. Saka kung sasabihin nilang maganda ako, di ko feel. Di ko masasabing maganda ako, di ko rin masasabi na panget ako. Basta sakto lang. "May problema ba?" Tanong ni Kian mapansing nakatulala lang ako. "Wala naman. Salamat dito." "Busy ka ba mamaya? Pwede mamasyal ulit tayo?" "Pasensya na. May gagawin pa kasi ako." "Kung ganon, ako na lang ang mamasyal sa inyo." Naalala ko tuloy ang sinabi ni Luijen sa akin kanina. "Hindi pwede. Hindi ko naman bahay yun. Sa may-ari ka magpaalam." "But you still live there." "Nakitira lang ako." Sagot ko. "Kaya ba pinagbawalan ding bumisita si Throne kanina?" "Ano?" Anong pinagbawala si Throne? "Narinig ko kasi na susunduin ka daw niya kaso tinaboy siya ng mga gwardiya niyo." Kaya siguro sinabihan ako ng ganon ni Luijen kanina dahil may bisita ako. Paano naman nalaman ni Throne kung saan ako nakatira? *** Third person's p.o.v "Luijen. May sinabi ka na naman ba sa kanya?" Tanong ni Kian kay Luijen at sumabay ng lakad dito. "Wag mo nga akong kausapin. Wala ako sa mood." Sagot ni Luijen at nauna ng maglakad. "Nag-away ba sila?" Tanong ni Jeff kay Rex. "Bakit galit si Luijen kay Kian?" "Baka galit siya kay Fhaye. Alam niyo na mainit ang dugo ng isang yun sa kanya. Walang oras na di no'n inaaway si Fhaye basta magkatagpo ang landas nilang dalawa. Alam na ng buong KingZi na inampon ng mga Micanovic si Fhaye. At maituturing na rin itong stepsister ni Luijen. Nakita nilang hinarang ng mga Azyma girls si Fhaye. "Scholar ka lang kaya layuan mo na ang KingZi." Sabi ni May. Ang lider ng Azyma girls. Hindi sila pinansin ni Fhaye at akmang lagpasan. Pero tinulak siya ni Anya na ikinaatras niya. "Kahit mag-isa na lang ang lakas parin ng loob magpaagaw pansin." "Agaw pansin?" Tanong ni Fhaye sa isip. "Maid ka lang. Wag kang umastang girlfriend ni Luijen. Mas bagay sila ni Miss Luiza." Sigaw ng isa. "Di porket maganda ka, inaakit mo na ang pinagmamay-ari ng iba." Sigaw naman ng isa pa. Maganda? Napatingin tuloy siya sa mga mukha nila. Sa palagay niya mas cute at magaganda ito sa kanya kaya lang kapag inalis na ang mga make up nila, sigurado siyang di nga sila gaanong maganda. "Hindi ko alam kung ano ang nakita sayo ni Kuya Kian. Pero ito ang tandaan mo, hindi ka nababagay sa kanya at ayaw kita para sa kanya. Kaya layuan mo na siya. He is not belong to you." Sigaw ni Zara kay Fhaye. "Wala akong ibang inaari kundi ang sarili ko. At kung tungkol sa kuya mo, binabantaan mo ba talaga lahat ng liligawan niya? Kung mababasted siya nang dahil sayo, sa palagay mo ikakatuwa niya?" Sagot ni Fhaye na naka-cross arms. "Sabagay, hindi ko na problema yun. Wag kang mag-aalala di ko na siya papansinin sa susunod kapag nilapitan niya ako. At ito pa." Binigay ang bulaklak at chocolate. "Galing yan sa kanya. Baka singilin niyo din yan sa akin kaya sinusuli ko na." Nilagay ang mga bigay ni Kian sa mga kamay ni Zara. "Sisiguraduhin mo lang na iiwasan mo siya kung ayaw mong sisirain ko ang buhay mo." Banta naman ni Zara. "Matagal ng sira ang buhay ko. Saan pa don ang sisirain mo? Saka iiwasan ko talaga siya di dahil sa iyon ang gusto mo. Ayaw ko lang sa taong may kapatid na katulad mo." Sagot ni Fhaye at nilagpasan na sila. "Ang kapal ng mukha mo. Di pa kami tapos kaya wag kang umalis." Hihilahin na sana ni Zara ang buhok ni Fhaye pero mabilis siyang nakaiwas at hinarang ang paa ni Zara na ikinadapa ni Zara. Saka muli ng naglakad palayo si Fhaye. *** Fhaye's pov Ang sama talaga ng araw ko ngayon. Kanina nakalaban ko ang mga Azyma girls tapos ngayon sinapian na naman yata ang Luicinfer na to. "Layuan mo ang mga kaibigan ko. Walang para sayo lalo na si Kian. Di siya para sayo kaya iwasan mo na siya." Ang init talaga ng dugo niya sa akin ngayong nagdaang mga araw. Tapos kanina nakita ko siyang may nakasagi lang sa kanya sinapak na agad. Tumubo na naman siguro ang sungay niya o nagising na naman ang tinatago niyang kasamaan. Takot ba siyang maagaw ko ang atensyon ng mga kaibigan niya? "Hindi dahil sa alam na ng mga kaibigan ko na stepsister kita magiging proud ka na. Ayokong may makakaalam na iba dahil kinakahiya kitang maging kapatid." Sabi niya sa akin. Parang nabingi ako sa narinig. "Kung ganon pareho pala tayo. Kinakahiya ko rin kung sakaling magiging stepbrother kita." Sabi ko rin sa nanginginig na boses. "Iisipin ko palang na magkaroon ako ng kapatid na katulad mo nandidiri na ako. Masakit mag-isa. Ngunit mas pipiliin ko na lamang mag-isa kaysa sa magkaroon ng kasamang puro na lamang masasakit na mga salita ang kumalabas sa bibig." Kahit naman kasi wala akong kasalanan sa kanya bigla-bigla na lamang siyang nagagalit sa akin. Na tila ba kinamumuhian niya ang bawat araw na kasama at nakikita ako kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at sinabi na lahat ng gusto kong sabihin habang may lakas ng loob pa ako. "Pakiramdam ko, kinamumuhian mo kapag nakikita mo akong masaya. Kung iniisip mong lahat na lamang ng sayo inaagaw ko. Pamilya mo, mga magulang at mga kapatid, wag kang mag-alala. Binabalik ko na sila sayo. Malaki na man na ako e. Hindi na dapat umaasa parin ako sa kanila at aagawin ang atensyon na dapat sayo ibinibigay." Iyon kasi ang tanging nakikita kong dahilan kung bakit niya ako kinasusuklaman. "Kung kinasusuklaman mo ang bawat araw na kasama ako, then I'm sorry for that. I'm sorry kung nasira ko ang mga panahon na nararapat ay sayo ibinibigay. Hindi na kita guguluhin pa. Hindi na masisira ang mga araw mo." Pagkatapos kong sabihin yun bumalik na lamang ako sa kwarto ko. Nagligpit agad ako ng mga gamit. Yung mga ako mismo ang bumili ang tanging dinala ko. Nagmamadali na akong bumaba. Ngunit natigilan ako dahil nakita ko sina mommy at daddy na kararating lang. Nakita kong pinapagalitan ni daddy si Luijen. Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa transfer form ko. Balak ko din kasing lumipat ng school. Kaya inihanda ko na ang transfer form. "Kung maaari wag niyo ng pagalitan si Luijen. Wala po siyang kasalanan." Nakayuko kong sabi. "Wag mo na siyang pagtakpan. Rinig na rinig ko ang lahat ng mga pinagsasabi niya." Galit na sabi ni mommy. "Salamat sa mga kabaitan niyo at ipinakitang pagmamahal sa akin ngunit desisyon ko po ang umalis. Wag po kayong mag-alala. Babalik naman po ako. Dadalawin ko naman po kayo palage. Hihiwalay lang po ako ngayon." Sabi ko sa kanila. "At saan ka naman pupunta? May mapupuntahan ka ba?" Nag-alalang sabi ni Daddy. "Meron na po. Wag po kayong mag-alala." sagot ko. "Maraming salamat sa pagmamahal na ipinahiram niyo sa akin na alam kung dapat ay nakatuon ito para kay Luijen. Kailangan po ni Luijen ng atensyon at pagmamahal na tanging si ate Luiza lamang ang nagbibigay. Pinaramdam niyo sa akin ang atensyon at pagmamahal na nararapat para sa kanya. Lahat kayo ako ang pinapaboran dahil lang sa masungit siya at ang sama ng ugali niya. At ngayon pati ang mga kaibigan niya pinagsasabihan na rin siya nang dahil sa akin. Tanging si ate Luiza lamang ang palaging nandiyan, nakikinig at umiintindi sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ako ang naging dahilan kung bakit lumalayo ang loob niyo sa kanya. Sana naman po maiintindihan niyo rin ang nararamdaman niya. Mas masasaktan siya dahil mas pinili niyong kampihan ang tulad ko na malayo sa inyo kaysa sa kanya na kadugo niyo. Kaya kung pwede lang sana, intindihin niyo siya. Pangako. Babalik po ako. Dadalawin ko po kayo palage." Ito ang pangakong hindi ko alam na matagal pa pala bago ko matupad Gusto kong hanapin ang lugar kung saan ako nararapat. Sampid lamang ako sa lugar na ito at sinisira ko lang ang relasyon ni Luijen sa pamilya niya kaya mas nakakabuti na umalis na lamang ako at magpakalayo-layo sa kanila. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD