Fhaye's p.o.v
Mabilis akong uminom at nagmamadaling umalis.
"Tapos ka na?" Tanong ni Kian sa akin.
"Busog na ako." Gutom pa talaga ako pero ayokong sumabay sa kanila. Hindi ko naman sila close o kaibigan.
"Pero kakakain mo lang." Sagot niya. Paano naman niya nalamang kakain ko lang?
"Natakot sa panget mong mukha." Pang-aasar ni Jeff kay Kian.
Nagmamadali na akong umakyat sa kwarto ko at naglock ng pinto.
Nagulat talaga ako dahil nakita nila ako. Dati kasi kapag dumadalaw sila kay Luijen, sinasabihan ako ng maaga ni Luijen at babalaan na wag na wag lumabas sa kwarto ko at wag magpapakita sa mga kaibigan niya dahil ayaw niyang malaman nila na dito ako nakatira. Kaya nakapagtataka dahil hindi niya ako binalaan ngayon. O baka naman inaakala niyang mamaya pa ako uuwi.
Naisipan kong tumugtog na lang ng piano para mawala ang nabigla kong puso. Nagulat kasi talaga ako kanina.
"Sanay dinggin ang awit kong ito
Awit na nagmamahal sayo
Awit na may pag-ibig
Mula sa aking puso
Ang awit kong ito'y para sayo."
Kumakanta ako habang nasa malayo ang isip.
Palage na lamang wala dito sina mom and dad. Wala ng rason para mananatili ako sa tahanang ito. Ngayong mga nagdaang mga araw, hindi ko na naririnig mula kay Luijen ang salitang gold digger, mapagsamantala at ang sabihang di karapat-dapat mananatili sa bahay na ito. Dati kasi madalas niya akong pinagsasabihan ng mga salitang yun at palaging pinapalayas sa bawat panahong wala sina mommy at daddy.
Kaya madalas, sa park ako tumatambay kasama si Blaze kapag kami lang dalawa ni Luijen naiiwan sa bahay. Si Blaze ang palage kong nakakasama dahil paminsan-minsan lang lumalabas ng bahay si Verse. Palage kasi siyang nagkakasakit.
Naalala ko sina Verse at Blaze sa mga nakababata kong kapatid kaya naman hindi ko na gaanong namimiss ang mga kapatid ko dahil kina Blaze ngunit ngayong wala na rin sina Blaze at Verse parang may kung anong bagay na nawala na naman sa akin. Hindi ko tuloy mawari kung sino ba talaga ang namimiss ko. Ang mga kaibigan ko ba o ang mga kapatid ko? O baka naman pareho ko silang namimiss lahat.
"Namimiss ko na sila." Sambit ko at tinigil na ang pagpipiano.
Natigilan ako dahil may nahagip ang aking paningin kaya naman napalingon agad ako sa may pintuan at nakita si Luijen na hawak ang mga duplicate ng mga susi sa mansion na ito.
"Ginagawa mo dito?" Garalgal ang boses ko. Saka ko napansin na naiiyak na pala ako.
"Kunti lang ang kinain mo. Mamaya sasabihin pa nina mom at dad na pinabayaan kita." Medyo malambot na ang boses niya. Di na tulad ng dati na pasigaw.
"Kailan sila uuwi?" Tanong ko muli.
"Next week."
***
"Sige na. Sumama ka na." Pangungulit ni Kian. Nandito nga pala kami sa hallway papunta sa klase ko. Kinukulit niya akong sumama sa cruise ship na gaganapin next week kaso ayaw ko. Dagdag gastos lang yun. Ang dami ko ng magiging utang sa mga Micanovic pag nagkataon.
Baka hindi na ako makakabayad pagdating ng panahon. Kung di ko man mababayaran ang utang na loob, sana naman mababayaran ko iyong mga perang nagastos nila sa akin kapag nakapagtrabaho na ako.
Pagdating sa building namin nagpaalam na ako kay Kian. Dumiretso naman ako sa locker ko para makakuha ng libro na kakailanganin namin ngayon.
Napakunot na lamang ang noo ko dahil marami na namang mga regalo sa loob. Dapat siguro magpapalit na ako ng lock nito. Nakapagtaka lang kung saan ba ito nanggaling? Dati inaakala ko dahil kaibigan ko sina Blaze at Verse kaya nila ako binibigyan ng mga regalo. Pero ngayong may regalo parin akong natatanggap kahit na hindi ko na sila kasama nakakapagtataka na talaga.
Nakita ko ang chocolate cupcakes at cookies na nakalagay sa kahon. Ganito ang mga paborito ni ate Luiza.
Pumasok na lamang ako sa klase. Nang magsilabasan na, nilapitan ako ni Throne.
"Hi Fhaye." Bati niya.
"Hello." Medyo awkward parin sa part ko ang batiin siya pabalik.
"Manonood ka ba sa laro mamaya?"
"Hindi." Wala naman na si Blaze na palage kong chine-cheer dati.
Nakita ko naman na nalungkot siya sa sinabi ko.
"Di ba pwedeng pumunta ka? Please." Sambit niya na may nagsusumamong mga mata. Gusto ko tuloy matawa. Ang cute pala niya.
"Ewan. Titingnan ko mamaya."
"Pero sana pumunta ka. Aantayin kita mamaya."
Nang makaalis na siya saka naman ako nakarinig ng mga tili.
"Si Throne ba talaga yun? Ang gwapo pala talaga niya."
"Ang gwapo talaga ni Throne. Mas gumwapo siya ngayon."
"Mas lalo siyang nagiging cute."
"Sana tayo na lang ang nililigawan niya."
Napalingon ako sa tatlong babaeng nag-uusap. Nang mapadako ang tingin ko sa kanila agad nilang itinikom ang mga bibig at napalunok laway pa saka nagmamadaling umalis.
Nakapagtataka. Nakakatakot ba talaga ako? Tiningnan ko lang naman sila a.
Pumasok na ako sa classroom namin at umupo sa aking upuan. Ilang sandali pa'y dumating ang first teacher namin.
Pagkatapos ng klase wala akong ganang lumabas kaya naman nagbabasa na lamang ako ng libro habang hinihintay ang susunod na klase namin. May 2 hours pa kasing natitira sa klase namin.
Pagkatapos ng 30 minutes nakaramdam ako ng antok kaya naman ipinatong ko ang mga braso sa desk ko at ipinatong naman ang kaliwang pisngi ko sa aking mga braso. Pipikit na sana ako nang may magsalita.
"Nandito ka lang pala." Napalingon ako kay Kian. Medyo natulala pa ako saglit dahil ang poge pala ng lalaking to kapag naka-white polo at pinatayo pa yung buhok. Mas bagay sa kanya ang hairstyle niya ngayon.
"Kumain ka na muna bago ka matulog."
Saka ko napansin ang hawak niyang lunchbox.
Kumain na lamang ako, sayang naman kasi yung effort niya kapag di ko kinain yung dala niya. Pagkatapos kong kumain umalis na rin siya. Ako naman, naisipang mag-review na lamang. Kaso aantukin talaga ako kapag nagrereview kaya naman naisipan kong matulog na lang.
Nararamdaman ko ang p*******t ng aking leeg. Dahan-dahan akong dumilat. May blurred na mukha akong nakita.
"Blaze? Ikaw ba yan?" Nang maidilat ko ng mabuti ang mga mata at luminaw na rin ang aking paningin, muntik pa akong malaglag sa inuupuan dahil sa mukhang nakaharap sa akin na inaakala ko kay Blaze. Saka ko naalala na umalis na nga pala sina Blaze. Nakaupo kasi ang isang to sa upuan ni Blaze habang natutulog. Nakaharap rin ang mukha sa akin. At ganito rin ang ginagawa ni Blaze kapag natutulog kami sa classroom habang hinihintay ang oras ng klase.
Dumilat siya ngunit ipinikit ulit ang mga mata. Ano bang nangyayari rito at dito pa naisipang matulog? Di naman to ang classroom nila.
Nakita ko ang supot na may laman na dalawang layer ng lunch boxes. Napatingin ako sa wall clock. 2 pm na. Wag mong sabihing walang pasok kanina? Imposible namang di ako gigisingin ng iba o ng guro kapag nagklase sila.
"Huy! Gising." Teka. Bakit parang ang init naman niya? Namumula pa ang mukha niya.
Nilagay ko ang likod ng palad ko sa kanyang noo. Ang init niya.
Tenex ko si mang Carlo para sunduin kami.
"Luijen. Gising. Huy. Luicinfer." Tinapik-tapik ko ang magkabilang pisngi ni Luijen kaso hinawakan niya ang mga kamay ko.
Hinila ko ang aking kamay ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak. Ramdam ko ang init ng mga palad niyang nakahawak sa likod ng mga palad ko. Ramdam ko rin ang malambot at makinis niyang pisngi. Kaloka to. Ang sarap lang pisilin ng pisnging to.
Napatingin tuloy ako sa mukha niya. Mula noo, kilay pababa sa ilong. Ang ganda ng pagkakatangos ng kanyang ilong. Ang cute din tingnan. Kapag pala nilalagnat siya mukha siyang mabait.
"Xhirra."
Uh?
Ewan ko ba. Tumambol nalang bigla ang puso ko. Ngayon ko palang kasi narinig na binanggit niya pangalan ko. Huy kasi ang tawag niya sa akin. Nilagnat lang, tinawag na ako sa pangalan ko.
"Huy. Gising na. Uwi na tayo." Huy din tawag ko sa kanya. O ba kaya Luicinfer. Para katunog ng Lucifer. Ang sama kasi ng ugali niya. Ang sama kasi niya sa akin. Ngayon lang yata siya medyo bumait.
"Luijen." Tawag ko at ginalaw ang mukha niya. Kaso hindi siya umimik.
"Kaifer." Tawag kong muli.
"Hmm?" Ungol niya.
"Kaifer." Pag-uulit ko. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Kaifer dati dahil kapangalan niya ang ex ni ate Luiza na si Kaifer.
Kumunot ang noo niya at idinilat ang mga mata. Ang pula ng mga mata. Nakakatakot naman.
"Ano ang sinabi mo?"
"Kaifer." Tumalim ang tingin niya sa akin.
"Luijen." Sabi ko at pinilit tanggalin ang mga kamay kong hawak niya. Buti nalang at binitiwan na rin ako sa wakas. Ang init-init pa naman ng pisngi niya.
"Halika na." Inalalayan ko na lamang siyang maglakad palabas. Yung isang kamay ko nakahawak sa baywang niya habang yung isa hawak yung lunch box niya. Nakaakbay naman ang isa niyang braso sa akin.
Naghihintay na sa labas si Mang Carlo. Rinig ko rin ang sigawan ng mga tao sa gym. Nagsisimula na yata ang laro nila Throne.
Pinasakay ko na si Luijen sa kotse at ako naman binalikan ang mga cupcakes at cookies sa locker ko. Sayang naman kasi yun. May nag-effort gawin yun tapos mapapanis lamang sa loob ng locker. Dinala ko nalang pauwi.
Nagsisi ako kung bakit sumakay din ako sa passenger seat kung saan si Luijen. Ayan tuloy, nangangalay na talaga ang mga paa ko. Ginawa ba namang unan ang kandungan ko? Di naman ako si Luiza para ganituhin niya. Kung wala lang siyang sakit, kanina ko pa sana siya sinipa. Ang sakit-sakit kaya ng hita ko. Tapos ang init-init pa niya.
Sinalubong kami ni ate Luiza at siya na rin ang naghatid kay Luijen sa kwarto niya. Ako naman ito, nangangalay ang mga paa dahil sa isang yun.
Nilagay ko naman sa ref ang dala kong cupcakes and cookies pati na yung lunch box saka umakyat sa kwarto ko.
Nang bumaba akong muli para maghapunan, nakita ko si Ate Luiza na dinala sa kwarto niya ang mga cupcakes at cookies. Pareho kasi sa mga binibili sa kanya ni Luijen kaya naisip kong ilagay na lang sa ref baka sakaling makita ni ate Luiza at kakainin. Wala kasi akong ganang kainin yun kaya sayang naman.
Si Ate Luiza ang nag-alaga kay Luijen. Umabsent din siya sa photoshoot niya para lang kay Luijen. Di na nakapagtataka na mahuhulog sa kanya si Luijen dahil napakamaalaga niya rito.
***