“YSA, bulaklak daw para sa iyo.”
Mula sa pagkakatulala ay tila natauhan ako nang maramdaman ko ang pagtapik ni Cielo sa aking balikat. Tiningala ko ito at napakurapkurap. “B-bakit Cielo?” nauutal na tanong ko sa aking kaibigan. Katulad ko, labingwalong taong gulang na rin ang huli at anak siya ng kapitbahay naming sina Manong Ed at Aling Susana. Business administration din ang kanyang kurso. Magkapareho kami ng kinuha at block mates din kami.
Nakita ko ang pag-irap nito bago itinirik ang kanyang mga mata. “Bulaklak daw para sa iyo sabi ng manliligaw mo,” masungit na saad nito saka inginuso ang lalake sa harapan namin.
Nilingon ko naman iyon at naabutang may dalang bulaklak si Tony. Ang kaliwang kamay nito ay nakahawak sa batok niya na tila nahihiya pa.
Tumikhim naman ako bago dito pilit na ngumiti. “T-tony, napag-usapan na natin ito hindi ba? H-hindi ako nagpapaligaw,” ani ko at nag-iwas ng tingin. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.
“Iyan kasi! Sinabihan ka nang hindi nagpapaligaw si Ysa! Ang tigas pa ng bungo mo!” pagtataray pa rin ni Cielo saka tinaboy si Tony. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong tahimik namang umalis si Tony. Nakatungo pa ang ulo nito.
Nang kami na lamang dalawa ni Cielo ang naiwan dito sa bench sa loob ng campus ay naramdaman ko ang pagtapik nito sa balikat ko. Vacant pa kasi namin. Mamaya pang alas dos ang susunod naming subject.
“Prinsesa, magtapat ka nga sa akin. Napapansin ko isang linggo ka nang tulala. May problema ka ba? Okay naman na hindi ba? Hindi na kayo paaalisin sa bahay ninyo.”
Dahil sa sinabing iyon ni Cielo ay napakuyom ako ng kamao ko. Hindi naman kasi lingid sa mga karatig bahay ang nangyaring gulo sa pagitan naming at ng mga Ferranci. Alam nilang pinapaalis na kami at naniniwala silang magnanakaw ang tatay ko. Tanging si Cielo at ang mga magulang lamang nito ang naniwala sa amin.
Napatingala rin ako upang hindi kumawala ang luha dahil ramdam kong namumula na ang mga mata ko.
“Prinsesa,” muling tawag ni Cielo sa totoo kong pangalan. Ramdam kong nag-aalala na ito sa akin. Napapansin din kasi nito na hindi ko magawang makipagsabayan sa klase. Simula pa noong nakaraang linggo ay mababa na ang resulta ng mga exams ko.
Tumikhim ako at napabuga ng hangin. “W-wala ito. K-kulang lang sa tulog,” pagsisinungaling ko ngunit ang totoo ay napakabigat ng dibdib ko.
Isang linggo na ang nakakaraan at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nalinlang ako ni Senyorito Alaric. Hindi pa rin kami pinapaalis sa lupa namin ngunit hindi ko magawang mapanatag. Dahil alam kong may katapusan ang lahat ng ito. Naniwala ako dito na ibabalik niya sa amin ang titulo ng lupa namin kapalit ng aking p********e. Ngunit nilinlang niya ako at pinakaladkad pa sa mga tauhan niya.
Matapos ng engkwentro naming iyon ay hindi ko na ito nakita pa. At ang sakit sakit dahil nagtiwala ako sa kagaya niya. Natatakot din ako at maging ang mga magulang ko ay nakakahalata na at lagi raw malalim ang iniisip ko. Pero hindi ko kayang sabihin sa kanila ang problema ko dahil alam kong masasaktan sila. Mabuti na lamang at naitatago ko.
“Hindi ako naniniwala, Ysa, na kulang ka lang sa tulog. Pero maghihintay ako kung kaylan ka magkekwento ng problema mo. Nandito lang ako ha.”
Napatango na lamang ako kay Cielo at pasimpleng pinunasan ang mga luha ko.
***
“HINDI muna ako makakasabay sa iyo pag uwi, Cielo. Pakisabi na lamang kina Tatay na gagabihin ako,” ani ko sa kaibigan ko nang matapos ang pinakahuli naming klase sa araw na ito.
Bukod kasi sa scholar na ako ng Unibersidad na pinapasukan ko dito sa Cordova ay nagpa-part time din ako sa restaurant sa Centro tuwing maaga ako nakakauwi galing sa klase. Ayoko naman kasing iasa sa magulang ko ang gastusin ko lalo na at hirap din kami sa buhay. Hangga’t maaari din ay sinisikap ko na makapagtapos para maiahon ko sila nanay at tatay sa kahirapan. Ayoko kasi na habang buhay kaming ganito. Ayokong niyuyurakan ng iba ang pagkatao namin.
“Sige Ysa. Makakarating. Basta mag-iingat ka ha. Napakaganda mo pa naman, Ang dami mong manliligaw,” anito at napahagikhik.
Napailing na lamang ako. Baliw talaga ang babaeng iyon. Matapos ang nangyari sa amin ni Senyorito Alaric, sa tingin ko ay hindi na ako nararapat pang mag-asawa lalo na at naibigay ko na sa iba ang pinakaiingatan kong dangal. Isa na akong maruming babae. Iyan ang masaklap na katotohanan.
Matapos naming magpaalam ni Cielo sa isa’t isa ay dumiretso na ako sa sakayan ng dyip patungong Centro. Umalis din naman kaagad ang dyip lalo na at punuan na. Makalipas ang sampong minute ay nasa tapat na ako ng resto. Sa likod na ako dumaan at kaagad na nagtungo sa locker ko para magpalit ng uniform.
Matapos kong makapagbihis ay huminga ako ng malalim. Hanggang alas dyes pa ako dito ng gabi. Mahaba habang oras pang pakikibaka sa mga customer.
“Uy Prinsesa, andito ka na pala! Iyong manliligaw mo nasa labas na at ikaw ang hinahanap!” bungad sa akin ni Lulu nang makasulong ko papasok ng kusina.
Nailing ako. “Sino sa kanila?” linyahan ko tuwing papasok ako dito. Ewan ko ba kung ano ang nakita sa akin ng mga iyon. Bata pa naman ako ngunit napakadami na ng nagkaka-interes sa akin.
Napahagikhik si Lulu. “Ang taray! Ang daming manliligaw! Ang ganda talaga nito! Sana ‘ol mala-beauty queen ang height! Sana ‘ol makinis! Sana ‘ol angelic face at sana ‘ol nililigawan ng anak ni Mayor!”
Muli akong napailing. “D’yan ka na nga!” ani ko at iniwan na si Lulu. Baka makita pa kami ng manager at mapagalitan pa kami.
Nagpakita muna ako sa kitchen bago ako lumabas. At unang bumungad sa akin ay ang anak nga ni Mayor na si Aldrich. Palinga linga ito sa buong resto at nang makita ako ay kinawayan ako. Pero imbis na pansinin ay nagkunwari na lamang akong hindi ito nakita. Mabait ang binate kung tutuusin. Pero dahil sa binantaan na ako ng ina nito na layuan si Aldrich ay simula noon hindi ko na ito kinausap. Umiiwas lamang ako sa gulo.
Mabuti na lamang at hanggang sa matapos ang shift ko ay hindi naman ito nagtangkang lapitan ako.
***
“UUWI ka na, Prinsesa?”
Tumango ako kay Lulu. Pasado alas onse na kasi. Dahil sa madami ang tao kanina ay napa-over time ako. Nagmamadali na rin ako umuwi dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Pagod na pagod na ako pero may aasikasuhin pa akong school works mamaya.
Matapos kong magpaalam sa mga kasamahan ko ay lumabas na ako. Ngunit katulad noong mga nakaraaang gabi, sa tuwing mag-aabang ako ng sasakyan ay may titigil na itim na sasakyan sa aking harapan at magtatagal iyon depende hanggang sa makasakay na ako. Natatakot ako at napapaisip na baka may mangyari sa akin lalo na at naka-strange ng kilos ng sasakyang iyon ngunit pilit ko na lamang nilalaban ang takot ko para sa pag-aaral ko. Pilit ko iyong ininda at nagdasal na lamang hanggang sa tuluyan na akong makauwi sa bahay namin.
Ngunit nang mga sumunod na gabi ay naging ganoon pa rin ang pangyayari. Linggo bukas at wala akong pasok kaya mas pinili kong mag-over time sa trabaho. Resto bar kasi ang pinapasukan ko kaya hanggang madaling araw iyon.
Pasado alas na ng madaling araw nang umuwi ako at nag-aabang ng mga sasakyan. Humihikab pa ako dahil sa labis na antok nang muli ay huminto ang sasakyan sa aking harapan. Hahayaan ko lang sana iyon ngunit nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto sa driver seat at iniluwa si Senyorito Alaric.
Tila nawala ang antok at pagod na nararamdaman ko.
Napakurap kurap ako. “S-senyorito…” Sari-saring emosyon ang naramdam ko sa mga oras na ito. Galit dahil muli kong naalala ang paglinlang niya sa akin at takot dahil baka nandito siya para sabihing paaalisin niya na kami sa lupa at bahay namin.
Napakuyom ako ng kamao sa kabila ng panginginig ng mga tuhod ko.
Pinasadahan ako nito mula ulo hanggang paa at muling ibinalik ang kanyang paningin sa aking mga mata. Kita ko ang pagkagat nito ng labi niya. May kung anu itong binubulong ngunit hindi ko maintindihan.
“Sumama ka sa akin ngayon. Gusto ulit kitang matikman,” bastos na pagkakasabi nito.