RING...RRRRING....tunog ng alarm clock ni Cherrybe na tuluyan nagising sa kanya ng umagang iyon. Napatitig naman sya sa kanyang alarm clock habang pinipindot nya ang stop button ng alarm neto. Ilang minuto pa bago nya napagpasyahang lumabas na ng kwarto. Naginat inat pa sya bago nya ibinaba ang mga paa upang hanapin ang mabalahibo nyang tsinelas. Natagpauan naman niya ito agad at tumayo na.
Humihikab pang lumabas ng kwarto si Cherrybe ng makasalubong nya ang bestfriend nito na kasama nya sa inuupahang studio type apartment. "Good Morning!" bati niya sa kaibigan. Sa halip naman na sumagot ay tumungo lamang ito sa kanya.
"Haoran's first love; Chenchen" mahinang sambit nito habang binabasang ang librong hawak, ngunit sapat na ito upang marinig nya at naging dahilan ng tuluyang pagising ng kanyang diwa.
"Sofie..ano yan?" tanong nito sa kaibigan. Agad naman sumagot si Sofie. Talagang pagdating sa libro ay game na game sya..
" oh ..eto?" masiglang banggit nya at winagwag naman nya ang librong hawak." new book ko.. super ganda ng story nito grabe at alam mo ba na viral na viral sa internet.. napakaswerte ko dahil nakapagpa reserve ako ng copy before the official launch " mahabang paliwanag nya dto.Lumalabas talaga ang pagkadaldalera ni Sofie lalo na kapag ito ang topic.
Ano pa nga bang aasahan sa kaibigan?? Matagal na itong fanatic ng mga libro..halos maging hopeless romantic na eto sa ginagawa nya at masyado ng naging mataas ang standard sa lalaki gaya sa mga nababasa nyang libro.Tipid naman napangiti si Cherrybe.
"ah pwede patingin saglit? doon mismo sa binasa mo ngayon ngayon lang?" mahabang sabi sa kaibigan. May pagtataka man sa muka ay pinahiram naman sya neto.
"hmmm eto oh" inabot naman ni Sofie sa kanya..Tuon naman nyang binasa ang mga pamilyar na linya at mga karakter.. Chenchen, Haoran at Hongli... halos 'di sya makapaniwala.
"Che?" tawag sa knya ng kaibigan. "hmmm? " tugon ni Cherrybe ngunit di man lang nya eto nilingon. Nakatayo lamang sila sa makitid na hallway na patungo sa nagiisang banyo ng apartment.
"Kelan ka pa nagkaroon ng interest sa libro?"
may pangaasar na sambit ng kaibigan ng makita syang nakatuon ang buong atensyon sa binabasa.. Napaiktad naman sya sa sinabi ni Sofie, at tumingin dto.
"ah..eh..kasi.. para kasing pamilyar sa'kin yung kwento!" pag amin naman nya sa kaibigan.
Bumakat naman sa muka ni Sofie ang pagtataka.
"pano mo naman nasabi? isang sikat at napakagwapo at talented Chinese author na nakabase na sa pilipinas ang may akda nyan bukod pa at eto ang pinakabago nyang likha ngaun!!!
napakunot naman ng noo si che sa mga narining at napangisi sa ipinakita asta ng kaibigan..
kung makakapasok lamang eto sa libro ay makikitaan na siguro si Sofie ng tumitibok na puso sa mga mata nya sa sobrang paghanga sa author na binabanggit nito.
Halos mabingi naman sya ng maya maya pa ay tumili ang kaibigan habang nakatingin sa wall clock nila..
" oh lord oh lord " bulalas ni Sofie. "male-late nko" sambit pa neto at patakbo sinunggaban ang pinto ng banyo. Ilang sigundo pa hinanap ni Cherrybe ang sarili sa pagkagulat dahil sa ginawa ng kaibigan bago pa eto na napaiktad sa kinatatayuan.
Muli nyan tinapunan ng tingin ang libro hawak nya.
"Tama nga si Sofie.. Kelan pa ko nagka-interest sa libro? Nabasa ko na ba ito noon? Pero Hindi!!! gaya ng sabi ng kaibigan nya ay new publish eto ng isang tanyag na author. Ngunit ..., Pero..., Bakit!?"
Sunod na tanong at pag tatalo ng kanyang isipan.
Pinilig nya ang ulo upang mawaglit ang iniisip.. napatingin naman sya sa kalendaryo sa di kalayuan.
Sabado naman ngayon at sa pag kakaalam nya ay wala naman silang pasok ng kaibigan? at wala din naman etong nababanggit na ibang pupuntahan. Palapit na sya sa banyo upang katukin ito. Ngunit sa halip na pinto ay noo ng kaibigan ang tinamaan nya ng bgla nto binuksan ang pinto.
"awww!!" daing ni Sofie habang hinihimas ang noon nito..
may katangkaran kasi ni cherrybe habang maliit naman ang kaibigan, dagdag pa ang mababang flooring ng banyo.
"sorry!" despensa naman Che "ikaw kasi bigla-bigla ka nalang lumabas dyan." dagdag nito na may halong paninisi.
Nagdadabog naman lumabas ang kaibigan sa banyo. Madilim naman ang tingin ni Sofie sa kanyan ng tuluyan pumunta sa kwarto bago nya isinarado ang pinto.
Nakaramdam naman ng guilt si Cherrybe sa inasta ng kaibigan..
dhil dati rati naman ay gumaganti eto sa kanya at nagaaway pa sila ngunit bandang huli ay magkakabati din naman.
Sinundan nya ang kaibigan at kinatok ang pinto.
"Bestie" pagtawag nya Kay Sofie..ngunit Hindi eto sumsagot.
Galit kaya sya sakin..? di ko naman sinasadya...ikaw ksi inaasar mo pa! pagtatalo pa ng isipan nya
"Bestie...." mahaba at may pag susumamo sa tinig nya sa pangatlong pagkakataon na pag katok nya sa pinto.. Bumukas naman ang pinto ngunit wala naman ang kaibigan sa harap nya. Nagpalinga linga pa sya saglit ng marinig ang bungisngis ng kaibigan sa paa-nan nya. Payuko na sya ng bigla nalang syang sinunggaban ng palad sa noo nito.
"hiyaa!..." Sigaw nu Sofie na ani moy karatista sa ginawa nya.
"Aray!!!!" daing naman ni Che sa sakit na naramdaman nya, palagay nga nya ay namula ang noo nya.
"hmmmft!! patas na tayo ngayon" sambit pa ni Sofie sabay karipas ng takbo palabas ng kwarto. "bleehh.. " pangaasar pa nya sa kaibigan habang nakalabas ang dila. Pinuntahan naman ni Sofie ang kinalalagyan ng librong hawak nya kanina, maya maya pa ay tumungo sa pinto upang mag suot ng kanyang sandalyas.
Hindi narin naman gumanti pa uli si che sa ginawa ng kaibigan.. sa halip ay nagtataka eto kung saan eto magtutungo "teka Sofie..saan naman ang punta mo? sabado ngayon!" tanong nya
"oo alam ko..saka mo nako tanungin pag uwe ko nagmamadali ako!! di naman magkanda ugaga si Sofie habang hinahanap nya ang pares ng sandalyas nito.
" sige na sabihin mo na skin ..di ako mapapanatag kung d ko alam kung saan ka magpupunta". bakas naman ang pagaalala ni Che at kita naman eto ni Sofie.
Nang matapos naman ni Sofie ang pag susuot ng kanyang sandalyas ay humarap eto sa kaibigan. Hinawakan naman nya ang magkabilang balikat nito na halos magpantay na sila dahil sa taas ng heels na sinuot nya.
"Bestie.. nakita ko na ang prince charming ko at sisiguraduhin ko mapapasa akin sya" kitang kita naman ang confidence sa mata ni Sofie habang tinuturan ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Halos di naman makagalaw si Cherrybe sa narinig nya..
Ano raw? sambit ng isipan
Derederetso naman ng lumabas si Sofie sa apartment at sinundan naman sya ni Cherrybe. Nang muli bumalik sa ulirat si Cherrybe dulot ng makapanindig balahibong pagdedeklara nya ng gyera ay muli sya nagtanong.
"Sofie... " sigaw na pag tawag nya at lumingon naman ang kaibigan "sino ba ung future boyfriend mo??" Sunod na tanong nya sa kaibigan.
Winagwag naman ni Sofie ang librong hawak at sinabi "yung author ng librong eto." sabay kiss sa hawak nyang libro at tuluyan ng naglakad palayo.
Naiwan naman sa Cherrybe nakatayo habang kinikilabutan sa inaasta ng kaibigan.
Nang makalayo na ang kaibigan ay napasapo sya sa noo ng bigla ulit kumirot ito at nagpasyahan na niya pumasok sa tinirhanng apartment. Nagderederecho na sya sa banyo upang gawin ang mga daily routine nya. Habang nagtotooth brush naman ay di nya maiwasang napatulala habang inaalala ang panaginip gayundin ang libro ng kaibigan. Pilit naman nyang pinilig ang sarili ng marinig ang pagaspas ng tubig sa lababo ng mapuno ang basong hawak at nag patuloy sa gawain, Nang matapos ito ay nagtungo sya sa sala.
Dahil sa bagot na nararamdaman ay naisipan nyang magbukas ng social media account nya at mag update na din ng status. Nakita naman nyang online si Grey, bukod kasi sa kaibigan si Sofie ay si Grey naman ang tumatayong no. 1 fan nya sa pagiging blogger...Kung si Sofie ay panay follow at react lang sa kanyang mga post at kung di mo pa kulitin o ipaalala sa kanya ay di pa nya papanoorin ang mga blog nya, ay iba naman si Grey. Bukod kasi sa masipag eto sa pag react at share ay inaadvertise pa sya nito sa kung saan saan flat form at halos magsilbi na nga din nyang Manager ito dahil sya ang lahat halos ang umiisip ng mga idea at nag pro provide ng mga gadgets na gagamitin sa pagbblog. Nilakagyan pa nya ng mga subtitle ang nga blog nya dahil inindorso pa sya sa ibang bansa.
Di pa man sya nakapag chat ay narinig naman nya ang message alert tone nya at nakita ang isang mensahe mula Kay Grey.
Grey Chat Box
=idol!! *emoji with shade*
- oh? eto.. OK pa naman.
....typing....
mejo natagalan pa ng ilang minuto ang typing pahiwatig na mejo marami syang tinatype.
Grey Chat Box
= idol. may bago ako ideya para sa new blog mo.! narinig mo na ba young patungkol sa viral ngayon na libro ung HAORAN'S FIRST LOVE CHENCHEN?
....typing...
Saglit pang napatigil si Cherrybe sa nabasa. Ng muling tumunog ang alert tone niya.
=dahil masyadong sensation eto naun ay may naisip ako ideya na pwede natin gawin sa blog mo! para naman maiba sa mga ibang blogger naun dahil ikaw palang ang makakagawa Neto kung nagkataon.!!!
Hindi man nakikita ni Cherrybe si Grey ay alam nya na halos mas excited pa ito sa kanya habang itinatype ang message para sa kanya.