ANDREA POV
SA WAKAS ganap na siyang kolehiyala sa Maynila. Hindi na siya isang probinsyana lamang. Masama man kung papakinggan, pinagpilitan talaga niya kay Tatay Manny na gustong gusto niya talaga makapag aral.
Mataas ang pangarap niya. Hindi lang naman ito para sa sarili niya kun'di para na rin ito kay Tatay Manny.
Gusto niyang suklian ang lahat ng pagod at sakripisyo nito sa pagpapalaki at pag aaruga ginawa nito, mula nang mamatáy si Nanay Ana.
Gusto niyang mabigyan ito ng maayos na buhay, mabili lahat ng naisin nito. Masama ba 'yon? Pangarap lahat 'yon ng isang mabuting anak sa magulang.
"Kumusta ang first day mo, Andeng?"
Napaangat siya ng tingin kay Tita Melissa. Kasalukuyang kumakain sila sa isang Mall.
Nag-insist kasi ito na mag-shopping sila para mabilhan ako ng mga damit niya.
Matamis siyang ngumiti. Splendid !
"Okay naman po, Tita. Ang laki ng University, hindi pa nga po ako nakakapag ikot ikot," ngiting ngiting sabi niya.
"That's good to hear. Later, bibili naman tayo ng bagong phone mo."
Nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang labi. Gosh ! New phone unlocked ?!
"Talaga, Tita? Hala – thank you po!"
Hindi na niya napigilan ang sarili na tumayo saka walang pag aatubiling yakapin si Tita Melissa. Walang kasing bait, super !
Mahinang natawa si Tita Melissa.
"Welcome, sa bahay ka na titíra mula ngayon.. hindi ka naman iba, Andeng. You're part of the family now. Basta ipangako mo, mag aaral kang mabuti."
"Yes po, Tita. I promise po." Nagtaas pa siya ng kanang kamay.
Tumango tango naman ito.
"At... No boys. I mean, No boyfriend allowed. Study first muna."
"Yes po. Promise din po." Matamis siyang ngumiti pagkasagot.
Well, hindi naman mahirap 'yon. Wala naman talaga siyang balak mag-boyfriend sa ngayon. Distraction lang ang mga ito.
Matapos kumain, nagtungo na sila sa isang cellphone shop na may nakasulat na Power Mac Center.
Bumili sila ng latest iPhone at laptop na para sa kaniya. Nakakalula ang presyo, bigla tuloy siyang nahiya kay Tita Melissa. Ilang araw pa lang siya sa poder nito, ang dami na nito nagastos para sa kaniya.
"A-Ang mahal po nito, Tita–"
"Tsk, anak na rin kita, Andeng. Let me spoil you, pangarap kong magkaanak ng babae kaso nga lang, hindi na namin nasundan ni Tito Raffy mo, si Randall. Kaya hayaan mo na ako–"
Hmm, speaking of Randall. Nailang yata 'to sa kaniya kaya parang walang balak umuwi ng bahay.
Nagkibit balikat na lamang siya. Sayang natutuwa pa naman siya sa lalaki.
Maangas at malakas ang dating nito, bagay rito ang style na top knot hair nito lalo na ang tattoo nito sa leeg.
Napapaisip tuloy siya kung may iba pa itong tattoo sa katawan. Hmmm.
Matangkad ito as in. Siguro hanggang dibdib lang siya nito. Tsk ! Malaki pa ang mga kamay, isang dakot lang sa bola. Agrh! Ano ba tong pumapasok sa utak niya? Biglang nag init ang pisngi niya.
Winaksi niya ang kung anong tumatakbo sa utak niya. Hindi siya narito para pagpantasyahan si Randall, narito siya para makapag aral.
Matapos mamili ay kaagad na rin sila umuwi ni Tita Melissa.
Kinagabihan, matapos siyang maging busy sa bagong laptop niya. Naisipan niyang bumaba upang magtimpla ng kape.
Baligtad kasi siya, kung ang ibang tao di nakakatulog pag umiinom ng kape. Inaantok siya pagnakakainom ng kape.
Pagdating sa kusina, nagtimpla agad siya ng 3in1 instant coffee. Ang kagandahan ngayon, hindi na niya kailangan magningas sa kalan de uling nila, dahil may water dispenser na rito may automatic hot water.
Natutuwa siya habang sumisimsim ng kape. Nang akma siya babalik paakyat sa kwarto nang mapasinghap siya at di sadyang nabitawan niya ang hawak na kape.
Nabasag ang mug at tumapon sa sahig ang kape. OMG ! Sayang !
"S-Shít ! Sorry –" hingi agad ng paumanhin ni Randall.
Napasulyap siya sa binata na naka-white sando at naka-jogging pants na itim lang. Hindi niya alam na umuwi pala ito.
"Bakit ka ba nanggugulat?" sikmat niya.
Umuklo siya upang kunin ang basag na mug subalit napigilan siya ni Randall sa kamay.
"No, ako na– baka masugatan ka," kumuha agad ito ng paper towel at isa-isang kinuha ang basag na mug saka tinapon sa trash bin at saka pinunasan din ang sahig.
Nakamata lang siya sa ginagawa nitong paglilinis. Mayamaya pa ay lumingon ito sa kanya.
"Sorry uli. Magtimpla ka na lang ng bagong kape mo."
Umiling siya. "Hindi na. Tinamad na ako magkape."
Napakamot naman sa batok si Randall.
"Ahm, sorry talaga."
"Ayos lang."
Akma na siyang lalampasan ang binata upang umakyat na nang magsalita uli ito.
"Gusto mo ng sandwhich?" alok nito na hindi makatingin sa kanya ng diretso. Parang nahihiya.
"Anong klaseng sandwhich?" tugon nya.
"Club sandwhich. Masarap akong gumawa ng sandwhich," pagmamalaking sabi nito saka ngumiti sa kanya.
Okay. Aminado siyang ang cute nito ngumiti. No, ang charming ng smile nito lalo itong nagiging gwapo sa paningin niya.
Tumango siya. "Okay."
Pasado ala-una ng madaling araw, kumakain sila ng sandwhich na gawa ni Randall. Magkatapat sila sa island counter.
Infairness, masarap ang sandwhich. Nasanay kasi siya sa mainit na monay na tinda lagi sa probinsya nila.
"How's school?" kapagkuwan tanong nito.
"Ayos naman. Medyo nangangapa pa."
"It's normal. Pag may gusto kang puntahan o pasyalan, sabihan mo lang ako."
Tumaas ang sulok ng labi niya.
"Bakit, ipapasyal mo ako?"
Nagkibit balikat naman ito.
"Oo, para masanay ka rito sa Manila. May phone ka na ba? I-add mo ako sa viber."
Nag download na siya ng viber kanina dahil iyon din ang sabi ni Tita Melissa na mag-download siya nh viber para ma-save ang mga numero nito.
"Uhm, naiwan ko sa kwarto 'yon phone ko. Hindi ko kabisado number ko. Kabibili lang kasi."
Tumango tango naman ito. Hindi na ito kumibo kaya hindi na rin sya nagsalita pa.
Nang maubos na niya ang sandwhich. Nagpaalam na siya kay Randall na aakyat na sya pabalik sa kwarto. Ang di nya lang inasahan ay sumunod ito sa kanya, sumunod ito hanggang sa pinto ng kwarto niya.
Nagtatanong ang mga mata niya rito.
"Uhm, 'yon phone mo.. get it so you can save my number," mahinang bigkas nito.
Napa Ah naman siya. Kinuha naman niya agad ang cellphone at binigay kay Randall para ito na ang save ng number nito. Nang mailagay na nito, binalik na nito ang cellphone sa kanya.
"Sige na. Sleep ka na. Goodnight–" ani nito na matiim na nakatingin sa kanya.
"Uhm, s-sige ikaw rin. 'Night," tugon niya habang nakatingin din rito.
Napakagat labi siya at marahang sinara ang pinto. Napasandal sya sa nakasarang pinto. Bakit parang may kakaiba sa tinginan nila? Tsk !
Andeng ... kalma mo. Si Randall 'yon. Magkapamilya kayo.