PROLOGUE
Siya si Randall Anderson, 19 taong gulang. College student at sikat na varsity player sa University of Sto. Tomas.
Pangarap niyang maging sikat na basketball player, maglaro sa PBA at maglaro international.
Half Filipino at half Canadian siya, sa kanyang height na 6'0 ft inches ay namana niya ang kanyang height sa kanyang ama. At dahil sikat siya sa Unibersidad, sanay na siya sa mga babaeng lumalapit sa kanya para magpakilala o magpakita ng motibo.
Ngunit wala sa kanila ang nakakuha ng kanyang interes.
Pag-uwi niya isang gabi, laking gulat niya nang makita ang isang maliit at cute na babae na nakahiga sa kanyang kama.
Paano niya ito tinawag na cute?
Nakahiga ito ng nakabaligtad. Nakataas ang isang paa sa headboard ng kama, nakabuka ang isang hita na parang walang pakialam, nakalantad ang makinis at maputi nitong tiyan.
Nakanganga pa ito habang humihilik nang mahina.
Umingos siya.
Nakalugay ang mahabang buhok nito at nakadipa ang magkabilang braso na para bang sarap na sarap sa pagkakahiga sa kanyang kama.
At sino ang babaeng ito?
Mabilis siyang bumaba upang tignan kung nasa salas ang mga magulang niya. Nang makita niya ang Mommy at Daddy niya na magkatabi sa sofa, napansin din niyang ang isang may edad na matabang lalaki na nakaupo sa pang isahang sofa.
"Oh, eto na ba si Randall? Aba'y totoo nga napakatangkad na–" palatak ng matabang lalaki nang makita siya.
Ngumiti naman agad si Mommy sabay hinila siya paupo sa tabi nito.
"Oo ang unico hijo ko. Hindi lang matangkad, ang gwapo gwapo pa," puri ni Mommy.
Nawala tuloy ang balak niyang itanong sa mga ito.
"Naku, Manny. Varsity Player 'to anak ko," pagmamalaki ng Daddy niya.
Kahit foreigner ang Daddy niya, mas magaling pa ito magsalita ng Tagalog kaysa sa kanila ni Mommy.
Natawa naman ang bisita nilang Manny ang pangalan.
"Manang mana talaga sayo!"
Panay pa ang pagyayabang ni Daddy tungkol sa mga laro niya. Habang siya, tahimik lang hanggang sa bumulong siya kay Mommy.
"S-Sino siya, Mom?"
Malawak na ngumiti si Mommy sa kaniya.
"Ikaw talaga, nakalimutan mo na ang Tito Manny mo. Kuya ko siya, anak."
Napa 'AH' siya.
"Ayos lang, Melissa. Ang tagal na rin ng huling kita ko kay Randall, bata pa siya noon."
"Kaya nga, Kuya. Sa tagal ngayon mo lang naisapan dalawin ako. Kung hindi ka pa mangailangan, 'di mo ako maalala–"
"Asus! Wag ka na magtampo. Alam mo naman ang buhay sa probinsya, isang kahig isang tuka. Hirap humanap ng pera pamasahe. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sainyong mag asawa sa pag tanggap kay Andeng," ani ni Tito Manny na tila nahihiya.
Andeng?
"Don't worry about her. Magiging maayos ang lagay niya rito. Ipapasok din namin siya sa school ni Randall para naman–"
Naputol ang iba pang sasabihin ni Daddy ng sumingit si Tito Manny.
"Ay diyos ko, Rafael. Okay lang si Andeng ko kahit sa public school lang, 'yon mura lang. Mahal do'n. Masyado nang nakakahiya sainyo."
"Kuya Manny, magkapatid tayo. Bakit ka mahihiya? Hindi na iba sa'kin si Andeng, pamilya tayo rito, Kuya. Kami ng bahala sa pag aaral ni Andeng, huwag mo na isipin ang gastos. Ang mahalaga makapagtapos siya ng pag aaral." Mahinahon paliwanag ni Mommy.
"Siya 'yon nasa kwarto ko?" kapagkuwa'y tanong niya sa mga ito. Napatingin sa kaniya sina Mommy, Daddy at Tito Manny.
Napangiwi si Mommy sabay tango.
"Pasensya ka na, Anak. Akala namin doon ka sa dorm mo matutulog, kaya pinatulog namin si Andeng sa kwarto mo."
Tinapik naman siya ni Daddy sa balikat.
"Hindi pa kasi nalilinis 'yon isang kwarto. Wala pang kama, pero bukas na bukas bibili kami ng Mommy mo at lilinisin na rin 'yon."
"Humihingi ako ng pasensya, Randall ha. Nakaistorbo pa tuloy si Andeng sa'yo–"
nahihiyang sambit ni Tito Manny.
"It's fine. Babalik na lang po ako later sa dorm."
Wala naman siyang choice, gustuhin man niya hilahin palabas ng kwarto niya ang babae ay hindi pwede. Kung anak ito ni Tito Manny, lumalabas na pinsan niya ito. Tama ba?
Hinayaan niya pang mag usap ang mga ito habang tahimik lang siya nakikinig habang naglalaro ng mobile legend sa cellphone.
Ayon sa naririnig niya, dito titira ang pinsan niya sa bahay nila. Mga magulang niya ang magpapaaral kay Andrea a.k.a Andeng. At sa University of Sto. Tomas din ito balak pag aralin ng magulang niya.
Hindi naman siya kontra sa mga nais ng mga ito, nakikita naman niyang hindi mapagsamantalang tao si Tito Manny sadyang mahirap lang talaga ang buhay sa probinsya kaya hindi nito kayang pag aralin sa kolehiyo si Andeng.
Mas matanda siya kay Andeng dahil 17 years old pa lang ito. Ano kaya ugali nito? Makakasundo niya kaya ito? Nag iisang anak lang siya kaya parang sabik din siya magkaroon ng nakakabatang kapatid.
Nang magpaalam na si Tito Manny para umalis, nag alok sina Mommy at Daddy na ihatid ito hanggang sa terminal bus sa Cubao.
"Huwag ka muna umalis, Rand. Ihahatid lang muna namin ang Tito Manny mo. Baka kasi magising si Andeng walang madatnan na tao rito," ani ni Daddy sa kaniya na ikinatango lang niya.
Pagkaalis ng mga ito. Nahiga siya sa mahabang sofa habang busy pa rin sa paglalaro ng mobile legends.
You have slain an enemy..
First Blood..
Double Kill...
Godlike...
Nasa kasarapan na siya ng paglalaro nang may tumayo banda sa may uluhan niya. Napatingala siya. Napaigtad siya sa gulat, at nanlaki ang mga mata niya.
Tang'ína ! Kinabahan siya !
Kunot ang noo ng babaeng nakayuko ngayon sa mukha niya habang titig na titig sa mga mata niya. At dahil nakahiga siya, nakaladlad ang buhok nito sa mukha. Dinaig pa nito si Sadako dahil sa buhok nito mahaba.
"Ikaw ba si Randall? Tama ba ako?"
Napalunok siya ng laway. Ba't ang sexy nito magsalita? o dahil bagong gising ito?
Masyadong malapit ang mukha nito sa mukha niya kaya naman kitang kita niya ang kulay brown at mapungay nito mga mata, makapal na kilay, matangos na ilong, makinis na mukha at kulay itim ni labi.
Itim na labi? Yes, naka-liptint yata ito na color black.
"Y-Yeah..." napalunok uli siya ng laway.
Ngumiti ito at inilayo na ang mukha sa kaniya.
"Ako pala si Andrea. Nice to meet you. Si Tatay nakaalis na?"
Patay malisya itong naupo sa pang isahang sofa, sabay taas ng dalawang binti. Naupo na rin siya, hindi na niya inintindi ang nilalaro sa cellphone.
Napagmasdan niya ito. Nakasuot ito ng itim na jogging pants at crop top na puti. May kurba ang katawan nito kahit 17 pa lang ito, idagdag na rin na may kalakihan ang dibdib nito. Marahil ang height lang nito mga 5'0 flat?
"Kakaalis lang. Hinatid siya nina Mommy at Daddy sa terminal."
Tumango tango ito. Nakamasid ito sa kaniya kaya nailang siya bigla. Ito ang bisita pero siya ang naiilang sa sariling pamamahay nila.
"Kanina ka pa nakatingin sa déde ko, may problema ka ba sa dedé ko?" nakataas ang kilay nito saka pataray na tinanong siya.
Nasamid siya sa sariling laway. Tsk ! Bakit ganito ito magsalita? kung gaano kaamo ang mukha nito, kabaliktaran naman kung umasta.
Makakasundo nga ba talaga niya ito? Ngayon pa lang parang magiging sakit ito ng ulo niya.