ANDREA POV
HINDI MAIPINTA ang mukha niya habang nakatunghay kina Randall at Ross. Tuwang tuwa si Ross dahil may autograph na ang bola nito pati na rin ang suot nitong jersey. Grabe, maglaro si Lord, tsk tsk. Hindi nakakatuwa.
"Salamat, Idol Randall ! Kasama po ako sa Youth Program nyo," pabibong sabi ni Ross sa binata. "Ang galing galing nyo po maglaro, idol ko po kayo!"
Kumibot-kibot ang labi niya. Gusto niyang hilahin si Ross palayo sa binata ngunit hindi niya kayang gawin. Alam niyang masasaktan si Ross pag ginawa niya iyon. Napabuntong hininga siya.
Malawak na ngumiti naman si Randall. "Talaga? Gusto mo rin bang maging basketball player?" anito at hinawakan si Ross sa balikat.
"Opo. Sikat na basketball player.. like you po," abot tengang nakangiting sagot ni Ross.
Marahan natawa si Randall sabay ginulo ng bahagya ang buhok ni Ross.
"Wow – very good ! Gusto mo bang sumama sakin bukas? May practice ako, laro tayo? One on one?"
Napatalon sa tuwa si Ross parang kinikilig na ewan. Napapailing siya. Nabaling tuloy ang tingin ni Randall sa kanya.
"Mama mo ba talaga siya?" tanong ni Randall kay Ross sabay turo sa kanya. Hindi ako umimik. Lumingon si Ross sa gawi niya.
Tumango si Ross. "Opo. Mama ko po siya–"
"Ano nga uli name mo?"
"Andrei Ross Manalo po."
Kumunot ang gwapong mukha ni Randall. "Manalo? Papa mo nasaan?"
"Baka po nasa bahay na–" mabilis na sagot uli ni Ross na ikinatahimik agad ni Randall.
Gusto niyang palakpakan ang anak dahil sa sagot nito. Si Papa Arturo ang tinutukoy nito, sa tuwing may nagtatanong na ibang tao tungkol sa 'Papa' o 'Daddy' nito.
"Uhmm. Bakit ka nga pala umiiyak sa may restroom? May problema ba?" may pag aalala sa tono ni Randall.
Umiling si Ross. "Wala po ako problema, Idol. Nalungkot lang po ako kanina dahil di ako nakasama sa last game, gusto ko po kasi sumali para magkaroon ako ng chance makapag pa-picture at autograp po sainyo."
Ngumiti muli si Randall. "Yon lang pala–"
"Randall –! Tawag ka na sa stage," sigaw ng Manager nito at mabilis na nilapitan ang binata. "Tara na, fan sign na, para makaalis na may photoshoot ka pa later."
Umuklo ito kay Ross at ngumiti.
"Do you have phone? Save my number, so you can send me a message or call me. Isasama kita bukas sa practice ko, gusto mo ba?"
Parang The Flash na lumapit si Ross sa kanya para kunin ang tablet nito sa bag niya at walang pag aatubiling sinave ang number ni Randall. Mayamaya ay nagba-bye na si Ross sa binata hanggang sa bumalik na sa stage si Randall.
Hinawakan niya sa braso ni Ross.
"Sa tingin ko, pwede na tayo umuwi. Need na ni Mama magpahinga, Anak." Malambing na sabi niya. Drained na drained siya, hindi dahil sa activities sa school kun'di sa biglaan paglalapit ng dalawa.
"Sige po, Mama. Uwi na tayo. Happy na ako dahil nakausap ko si Randall Anderson in person at may autograph na ang bola at ang jersey ko." Pagmamalaki ni Ross. Kiming ngumiti lang siya. Ang hirap sirain ang munting kasiyahan ng anak niya.
Pagdating sa bahay, pabagsak na humiga siya sa kama. Tulala nakatitig sa kisame. Hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya. Pagdilat niya gabing gabi na. Past 11PM na. Sinilip niya si Ross na nakatulog na sa tabi niya hawak ang tablet nito.
Nakatulugan siguro nito ang paglalaro sa tablet. Kinuha niya iyon at pinatong sa side table. Bumangon siya para kumuha ng tubig sa kusina. Medyo nagulat siya ng maabutan niya si Papa Arturo sa kusina. Nagka-kape.
"Pa? Ba't gising pa ho kayo?" usisa niya.
Malamlam ang mga mata ni Papa Arturo ng tumingin sa kanya.
"Wala naman, Nak. Nalulungkot lang ako sa nangyayari kay Ross–"
Naningkit ang mga mata niya. "Bakit, Pa? Ano ibig mong sabihin?"
"Kanina... Nakita kong ka-video call ni Ross si Randall."
"Po?!!" bulalas niya. Nanlaki ang mga mata niya.
"Sinabi mo na ba kay Ross ang tungkol sa–"
"Hindi, Papa. Wala akong balak," mariin putol niya sa sasabihin ni Papa Arturo.
Binanggit niya ang nangyari sa Family Day event sa school ni Ross. Kung paano nagkita at nagkakilala si Ross at Randall.
Halos sabay pa silang napabuntong hininga ni Papa.
"May rason ang Diyos, Anak. Ang Diyos na mismo ang gumagawa ng paraan para magkakilala sila. Maging tapat ka sa anak mo, may karapatan siyang malaman ang totoo at ganon din si Randall."
"Wala na po akong nararamdaman para kay Randall, Pa."
"Anak, wala akong sinasabing mahalin mo si Randall. Hindi na ito tungkol sa nakaraan niyo, sa maling desisyon niyo, o sa mga paghihirap na dinanas mo. Walang alam ang binatang iyon, wala rin alam ang anak mo. Parehas silang inosente. May karapatan silang dalawa na makilala ang isa't isa. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Randall, oras na malaman niya ang tungkol kay Ross?"
"Sikat siya. Paano kung hindi siya maniwala na anak niya si Ross? Paano kung itanggi niya, Pa?"
Marahan natawa si Papa Arturo.
"Malabo, Anak. Tignan mo nga si Ross at Randall... parang pinagbiyak na bunga. Hindi maikakaila. Bigyan mo ng chance ang mag-Ama. Hindi na ito tungkol sa nakaraan nyo, tungkol na ito sa magandang kinabukasan ni Ross. Hindi man buo ang pamilya, mahalaga alam niyang buo siya. Kilala niya kung sino ang Ama niya, mahalaga iyon sa isang batang lumalaki," kalmadong turan ni Papa sa kanya.
"I need... time, Papa. I need to think of it. Wag muna ngayon o bukas o sa susunod na bukas. Pag iisipan ko ito mabuti."
"Sige, Nak. Pag isipan mo ng mabuti. Nandito lang ako palagi sa tabi niyo ni Ross. Susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo."
"Salamat, Pa–"
Ilan sandali pa ay matapos uminom ng tubig ay bumalik na rin siya sa kwarto. Nakatunghay lang siya sa mahimbing na natutulog na si Ross. Hinaplos niya ang buhok nito at ngumiti.
"Sa lahat ng desisyon ginawa ko... Ikaw ang pinaka maganda at tamang desisyon ginawa ko, Anak. Mahal na mahal ka lagi ni Mama. Excited ka na bang makilala ang Papa mo? Magtampo ka kaya kay Mama? Magalit kaya sakin ang Papa mo? Paano kung kunin ka niya sakin? Baka mamaya... mas piliin mo si Papa mo kaysa sakin? Wag mong iiwan si Mama ha, Anak. Mawala na lahat, iwan man ako ng lahat, wag lang ikaw," marahan niyang sabi sa natutulog na anak habang hinahaplos ang buhok nito.
Pinikit niya ang mga mata at niyakap si Ross. Gustong maging masaya ang anak niya, gusto niyang ibigay lahat ng bagay na ikakasaya nito... kahit ano gagawin niya maging masaya lang ang anak niya kahit kapalit ang munting pagpaparaya.