#24

1165 Words
RANDALL POV PABAGSAK na naupo siya sa mahaba at malambot na couch sa bagong bili niyang condo. Gabi na rin natapos ang photoshoot niya para sa isang sikat na brand ng energy drink. Doon siya nagtungo kasama ang manager niya pagtapos ng event sa isang private school. Speaking of school event, mabilis niyang kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng jacket niya. Nakatanggap siya ng isang text message galing kay Ross, na anak ni Andrea. Hmm, kung anak ito ni Andrea... technically, pamangkin niya si Ross, right? 'Heloo po, Idol Randall. Si Andrei Ross po ito.' Nag-type siya para mag-reply. 'Hey, kiddo. How old are you? Where's your Mama?' Napapailing siya. Talagang natanong niya 'yon? 'Tulog na po si Mama ko. 9 na po ako.' 'Is it okay to call you?' 'Videocall na lang po, Idol Randall.' Napangiti siya. Much better. 'Sure. Sure.' Ilan sandali ay magka-videocall na sila ni Ross. Tuwang tuwa siya sa bata dahil panay kwento ito tungkol sa mga naging laro niya, panay tanong din ito ng mga teknik niya sa paglalaro. "Don't worry, isasama kita bukas sa practice ko para maturo ko sayo mga pang malakasang teknik ko," ngiting-ngiti turan niya kay Ross. "Talaga po?! Yess !!–" "Yup. Papayagan ka ba ni Mama mo? Kung gusto mo isama natin siya para payagan ka niya." Napansin niyang tumayo si Ross at tila naglakad saka pumasok sa isang kwarto. "Tulog na si Mama ko, Idol Randall. Bukas ako magsasabi kay Mama, isasama ko siya bukas para makita niya rin kung gaano ka kagaling maglaro," pagbibida nito sa kanya na ikinatawa niya. Iniharap pa nito ang camera sa natutulog na Mama nito. Hindi niya tuloy maiwasan mapatitig sa maamo mukha ni Andrea habang mahimbing na natutulog. "Ang ganda ng Mama ko 'di ba po?" "Yeah.. sobra," mahinang sabi niya. Narinig naman niya ang paghikab ni Ross. "Kiddo, I think you need to get some sleep, so you’ll have enough energy tomorrow when I take you to my practice, okay?" "Okay po, Idol Randall !" "Call me, Tito Randall–" "Tito po?" takang tanong ni Ross. Tumango siya habang nakangiti. "Bukas may sasabihin ako sayo." "Okay po. Good night po, Tito Randall." "Good night, bye–" Pagkapindot niya ng end call button. Abot tenga ang ngiti niya na hindi niya maipaliwanag. Excited siyang makita at makasama si Andrei Ross. Natutuwa siya sa bata, siguro dahil pamangkin niya ito kaya ganon. Gusto niya mapalapit rito, ito lang naman kasi ang nag iisang pamangkin niya. Wala naman kasi siyang ibang kapatid, tanging si Andrea lang ang pinsan niya sa side ni Mommy. Ang ibang mga pinsan naman niya sa side ni Daddy ay puro nasa Canada. Mayamaya pa ay ang Mommy naman niya ang tumatawag. Nag iisip pa siya kung sasagutin ang tawag o hindi, subalit sinagot na rin niya dahil alam niyang hindi titigil si Mommy sa kakatawag sa kanya. "Yes, Mom?" sinadya niya pang humikab para marinig nito na inaantok na siya. "Baby, nakalabas ka na raw ng hospital? Are you sure, okay ka na? Hindi na masakit ang braso mo? Kailan ka ba babalik rito sa Toronto?" sunod sunod na tanong ni Mommy. Pinaikot niya ang mga mata. "Mom, okay na okay na ako. Don't worry to much. I'm good here. Busy pa ako sa mga endorsement dito at saka hindi na ako bata para bantayan nyo palagi." "Mommy mo ako malamang nag aalala ako sayo." "I know that but... kaya ko na ang sarili ko, Mom. Pwedeng pwede na nga ako mag-asawa sa edad ko–" "Randall–! Ingatan mo ang image mo. Baka kung sino sinong babae ang kinikita mo, makakasira 'yan sayo–" Napabuga siya ng malalim na paghinga. "Mom, kung may kinikita man akong babae, i don't think na makakasira 'yon sa career ko. Single ako at walang masama kung magkaroon ako ng girlfriend." "Girlfriend? How 'bout Hailee? Wala na ba kayo? Gusto ko siya para sayo, mas maige kung magkakabalikan kayo at–" "Stop it, Mom. Malaki na ako. May sarili akong desisyon kung sinong babae ang gugustuhin kong pakasalan. Anyway, Do you remember, Andrea, Mom?" "Andrea? Andrea who?" "Si Andeng, Mom. Pinsan ko. I just saw her at the hospital. May anak na nga siya at–" nahinto siya sa pagsasalita dahil sa malakas na kalabog. Parang may nahulog o nabitawan ni Mommy ang cellphone. "Mommy? Mom? Are you okay?" may tono ng pag aalala tanong niya. "S-Say that again? N-Nakita mo si Andeng na may ...anak?" may nginig ang boses ni Mommy na pinagtaka niya. "Yeah. Sa hospital. She's a nurse now at may asawa at anak na siya." "Ahhh... ganon... ba.." Kumunot ang noo niya. Hindi iyon ang reaksyon na inaasahan niyang marinig kay Mommy, para kasing... kinabahan ito at nawalan ng mood. "Gusto ko nga sana siya kumustahin para naman–" "Don't –!" "Mom..?" lalong nangunot ang noo niya sa biglang pigil ni Mommy. "M-Mas ... makakabuting 'wag mo na lapitan si Andeng, Randall. I-Ikaw na ang may sabi... may pamilya na siya.. hindi maganda kung... maglalapit ka sa kanya." "What's wrong with that, Mom? Pinsan ko si Andrea. Wala akong nakikitang masama kung kukumustahin ko siya. Alam mo ba na matagal ng patay si Uncle Manny, ha Mom?" Naging tahimik ang kabilang linya. Tanging malalim na paghinga ang nauulinigan niya kay Mommy. "So, matagal mo ng alam, Mom?" "O-Oo. Matagal na. H-Hindi ko na lang nabanggit sayo at sa Daddy mo.. kasi.. busy ka na...that time sa..paglalaro kaya... nawala na sa isip ko," nauutal na tugon ni Mommy. Tumango tango naman siya. "Ibig sabihin, matagal ng naulila si Andrea, did you know, Mom.. na 9 years old na ang anak niya?" "T-Talaga..? Oh.. m-malaki na p-pala." "Yeah. Come to think of it, 9 years old na ang anak ni Andrea and it's been 10 years mula nang umalis siya sa'tin. Nabuntis siya pagkabalik niya sa probinsya?" napapaisip na sabi niya. "Ahm, R-Randall– wag mo nang isipin pa 'yan. May pamilya na ang pinsan mo kaya.. hayaan mo na. Wag na wag mo ng kakausapin si Andrea, kalimutan mo na siya..tulad ng pagtalikod niya satin noon. Ayaw niyang tumanggap ng kahit anong tulong mula satin..kaya hinayaan ko na lang siya." May halong inis na wika ni Mommy. Kung iisipin nga mabuti, nabuntis ito matapos itong umalis ng walang paalam at umuwi ng probinsya. Ibig sabihin, may lihim na relasyon na ito at si Timber kaya nag desisyon itong umalis. Napapailing siya. Well, nakakaasar man pero wala naman siyang magagawa. Bawal na relasyon ang meron sa kanila noon ni Andrea kaya siguro mas pinili nito si Timber. Napabuntong hininga siya. "Matutulog na ako, Mom. Sa sunod na lang tayo mag usap. Bye–" Hindi na niya inaantay pang sumagot si Mommy basta iend call na lang niya ang tawag. Mariin siyang pumikit sabay malakas na nagmura. Bakit ba naiinis siya kay Andrea at Timber? Pakiramdam niya niloko siya ni Andrea. f**k !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD