#25

1057 Words
ANDREA POV PAGKAGISING niya wala na sa tabi niya si Ross. Wala pa rin siyang pasok ng araw na iyon, nagbabalak siyang ipasyal na lang mamaya si Ross sa Mall o kaya sa isang amusement park. Hmm, maliligo muna ako bago magluto. Kumuha na siya ng dalawang tuwalya saka dumiretso sa banyo sa may kusina. Habang naliligo, tumatakbo pa rin sa isip niya ang sinabi ni Papa Arturo. Ano nga ba magiging reaksyon ni Randall pag nalaman nito tungkol kay Ross? Haysss! Bakit ko ba pino-problema ang reaksyon nito? Kung ayaw nito tanggapin si Ross... e di don't ! Kung tanggpin naman nito.. hmm, e di mag co-parenting kami. Tsk ! Basic 'di ba? Kaso ibang usapan pag pinilit nito kunin sa kanya si Ross. Hindi siya papayag. Over my deàd beautiful body ! Nakatapis siya ng tuwalya sa katawan at may nakapulupot na tuwalya rin sa ulo niya. Pakembot-kembot pa siya lumabas ng banyo at nagtungo sa may lababo sa kusina para magsepilyo. Shout out to my ex, you're really quite the man.🎶 You made my heart break and that made me who I am. 🎶 Pakanta-kanta pa siya ng paborito niyang girl group song ng Little Mix. Here's to my ex, hey, look at me now Well, I, I'm all the way up... 🎶🎶 Pagkalagay niya ng sepilyo sa bibig. May narinig siyang mahinang tawa kaya naman dagli siyang napalingon... sa may salas. Nanlaki ang mga mata niya dahil hindi nag iisa nakaupo si Ross sa mahabang sofa nila. Naroon din si Randall, ngiting ngiti nakatingin sa kanya habang nagpipigil na tumatawa ang anak niya. Ohh f**k ! "What a nice performance," nakangising sabi ni Randall. "Ba't... Ba't nandito ka?!" bulalas niya. Pero imbes si Randall ang sumagot, si Ross ang nagsalita. "Mama– sinusundo niya po tayo," excited na sabi ni Ross. Nalukot ang buong mukha niya. "Sundo?? Bakit?" "Nangako ako kay Ross na isasama ko siya sa practice ko para makapaglaro din kami ng basketball, kaya sinusundo ko kayo," kalmadong turan ni Randall sabay hagod ng tingin sa kabuuan niya. Na-realized niya na nakatapis nga lang pala siya ng tuwalya. Patakbong nagtungo siya sa kwarto at nagmadaling magbihis. Shít ! Napahawak siya sa magkabilang pisngi niya, hiyang hiya siya. Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib niya. Kainis ! Mabilis siyang nagbihis at bumalik sa may salas. Naglalaro si Randall ng roblóx sa tablet ni Ross habang ang anak naman niya ay simpleng nagmamasid rito na abot tenga ang ngiti. Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng dalawa. Sabay pang lumingon ang mga ito sa kanya. Nagpameywang siya at dinuro si Randall. "Paano mo nalaman kung saan kami nakatira?" pagsusungit niya. Nakatikwas pa ang isang kilay niya. "Nag-share location ako, Ma," ungot naman kaagad ni Ross na parang pinagtatanggol pa si Randall. "Pasensya ka na kung nagpunta ako rito ng walang pasabi. Ipagpapaalam ko na rin sana si Andrei Ross na sumama sa practice ko, sumama ka na rin para–" Bumukas ang pinto ng bahay nila at pumasok roon si Papa Arturo. Tila ba nabigla rin ito ng maabutan si Randall na nakaupo sa sofa. Tumingin sa gawi niya si Papa. "Aalis ba kayo?" Hindi siya makatango. Hindi pa naman siya pumapayag e. "Loy–! Nandito si Idol Randall ! Sasama kami ni Mama sa practice niya." Pagmamalaki ni Ross, saka lang niya napansin na nakasuot na pala ito ng pang jersey na damit. Ngumiti si Papa Arturo. "Mag enjoy ka, Ross." Sumulyap naman ito kay Randall, na nakatingin rin kay Papa. "Mag ingat kayo sa daan, iuwi mo sila ng ligtas," mahinahon na paalala ni Papa. "Yes, sir." Magalang na sagot ni Randall. Nag-excuse naman si Papa Arturo saka nagtungo sa kwarto nito. Naiwan silang muli tatlo sa salas, nagtatanong ang mga mata ni Randall subalit wala siyang sinabi. Bahala ito magtaka kung sino si Papa Arturo sa buhay nilang mag-ina. Hmmmp..Wala ako sa mood mag explain ng talambuhay niya. "Ma, payag ka na po ba?" kapagkuwa'y tanong ni Ross. Humugot siya ng malalim na paghinga. Kinuha niya ang sling bag saka humarap sa dalawa, na tahimik lang nag aantay sa kanya. "Let's go– saglit lang kami Ross. Uuwi din kami agad, okay?" nakasimangot na sabi niya kay Randall. "No worries. Ihahatid ko din kayo agad–" Habang nasa sasakyan sila, ramdam niya ang manaka-nakang sulyap ni Randall sa kanya. Sa passenger seat kasi siya nakaupo habang si Ross ang nasa backseat, hawak ang tablet nito. "Marami akong gustong itanong sayo pero hindi ako sure kung sasagutin mo lahat–" wika ni Randall na ang mga mata ay nakatutok sa daan. Nagkibit balikat siya. "Fine, try me. Tatlo tanong lang ang sasagutin ko." Nawalan ng kibo si Randall, patuloy lang sa pagmamaneho, na para bang nag iisip. Bumuntong hininga na lamang siya, tatlong tanong lang. Walang labis walang kulang. "Boyfriend mo ba si Timber?" Tumaas ang sulok ng labi niya at pagak na natawa. Really? Iyan na yon itatanong nito? Tsk. "Nope. He's not my boyfriend." Simpleng sagot niya. Gumagalaw galaw ang mga daliri ni Randall sa may manibela. "Garcia ang apelyido ni Timber. Ikaw at si Ross ay Manalo ang apelyido... So, hindi si Timber ang Ama ni Ross, tama?" Akalain mo 'yon naisip pa nito 'yon. Tsk ! "Yes, he's not–" Napa-preno bigla si Randall. Nag busina naman ang mga sasakyan na nasa likuran nila. Mahinang napamura si Randall at pinagpatuloy ang pag drive saka sumulyap sa kanya. "Say that again?" Pinag-krus niya ang mga braso sa dibdib. "FYI, pangatlo tanong mo 'yan? Sure ka?" "No– I mean. Damn ! How could he– shít !" inis na hinampas nito ang manibela. "Ano ang pang 3rd question mo? Bilis itanong mo na bago magbago ang isip ko at–" "Yon matandang lalaki kanina ang Ama ni Ross?!" Hindi siya makapaniwala sa huling tanong ni Randall. Kumurap-kurap pa siya sabay nailing. "Hindi rin." Maiksi tugon niya. "So, Sino ang Ama ni Ross?" may gigil na tanong ni Randall. Umiling-iling siya. "Time's up ! Tapos na ang tatlong tanong. Wala na akong isasagot pa sa mga tanong mo. Sorry." Matigas na sabi niya. Nakaawang ang labi ni Randall. Hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Umingos siya. Pasalamat pa nga ito, maayos pa niyang sinagot mga tanong nito. Bahala ito, mamatáy kakaisip !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD