#26

1064 Words
ANDREA POV PANAY ang kuha niya ng larawan habang naglalaro si Ross at Randall ng basketball. Hindi niya akalain na magaling pala maglaro ang anak niya. Maliksi ang bawat kilos nito, mabilis ang pagtakbo nito at mahusay ang paghawak ng bola. Halatang ganadong ganado si Ross na magpakitang gilas kay Randall. "Wow– ang galing mo pala maglaro," tuwang tuwa bigkas ni Randall kay Ross. "Lagi ko po pinapanuod sa Youtúbe mga laro nyo, Tito Randall–" masayang tugon naman ni Ross. Napabuntong hininga na lamang siya. Kahit saan anggulo niya tignan, parang pinagbiyak na bunga ang dalawa, idagdag pa na minana ni Ross ang kahiligan at galing ni Randall sa basketball. Sinong magsasabing hindi mag ama ang dalawa? Naghuhumiyaw ang genés ni Randall oh, tsk ! Matapos ang halos isang oras mahigit na paglalaro ng dalawa. Lumapit si Ross sa kanya na kaagad naman niyang pinunasan ng towel sa katawan. "Kumusta mga the moves ko, Ma? Pwede na ba ako maging basketball player paglaki ko po? Magiging kasing galing po ako ni Tito Randall–" pagmamalaking sabi ni Ross sa kanya. Ngumiti lang siya sa anak. Naiilang kasi siya sa titig ni Randall na ngayon ay nasa tabi rin niya at umiinom ng tubig sa tumbler nito. "Proud na proud si Mama sayo, Nak. Mag aral kang mabuti para maging magaling kang basketball player balang araw," aniya kay Ross saka kumuha ng pamalit na tshirt nito. "Yup, kiddo. Tama si Mama mo. Galingan mo sa school para mas magaling ka rin sa basketball," singit ni Randall sabay upo sa tabi niya. "Punasan mo rin likod ko–" malambing na utos nito sa kanya. Tumaas ang kilay niya na tumingin kay Randall. "Excuse me? Sumama ako rito para sa anak ko, hindi para maging tagapunas mo." Inismiran niya ito. Nagkibit balikat lang naman si Randall. "Parang dati sarap na sarap ka pa habang pinupunasan ko–" pabulong na sabi nito habang nagpupunas ng sariling pawis sa mukha. Pero kahit pabulong, hindi nakaligtas iyon sa pandinig niya. Matalim na tingin ang binigay niya kay Randall. "S-Say that again?!" Anong pinagsasabi nito? "Remember, pag nakakapagsolo tayo dati. Pag nakakatapos tayo, gustong gusto mong ikaw magpupunas ng wipes sa ano ko–" ngising demonyó sabi ni Randall. Nanlaki ang mga mata niya. "What the f**k?!–" bulalas niya sabay lingon kay Ross. Nangamba siya baka narinig nito ang sinabi ni Randall at mag isip ng kung ano. Subalit, wala si Ross sa tabi niya. Napansin niya itong naglalakad palayo sa kanila ni Randall. "Nak–! Saan ka pupunta?" tawag niya kay Ross. Sumulyap ito. "Sa restroom lang po, Ma–" tugon nito. God ! Buti na lang at hindi narinig ni Ross ang sinabi Randall. Muling hinarap niya ang binata na ngising ngisi sa kanya. "Pwede ba ! Wag kang bastos !" himutok niya sa inis. "Don't worry, di naman ako magsasalita ng ganon kung alam kong may bata sa tabi natin," kumindat pa ang loko ! Pinandilatan niya ito ng mga mata sabay duró. "Anong trip mo?!" "Wala. Nagpapapunas lang nga'ni–" Humugot siya ng malalim na paghinga at inayos na ang bag ni Ross. "Uuwi na kami. Siguro naman, tapos ka na mag-practice. Kailangab na namin umuwi, may pasok pa sa school ang anak at may pasok na rin ako sa trabaho," mariin sabi niya at sinukbit sa balikat ang bag. Akma lalakad na siya palayo ng hawakan siya ni Randall sa isang braso. Ramdam niya ang diin sa pagkakahawak nito sa kanya. Matiim na nakatitig si Randall sa kanya. Seryoso ang mga mata nito. "Hindi ko paborito ang Math subject, Andrea.. pero hindi ibig sabihin non, hindi ako marunong magbilang ng taon at buwan–" kalmado ngunit may lalim ang tono ng boses ni Randall, seryosong seryoso ito. Tinabig niya ang kamay nito na nasa braso niya. "So, anong gusto mong sabihin?" matapang na tanong niya. Tumayo si Randall at inilapit ang sarili nito sa kanya. Napatingala siya, hanggang dibdib lang nito ang height niya. "Hindi si Timber ang Ama ni Ross, mas lalong hindi ang matandang lalaki kasama nyo sainyo dahil sabi ni Ross.. Lolo niya raw 'yon. Sa edad ni Ross, its either... nabuntis ka after mong umalis samin at makipag-break sakin or buntis ka na kaya ka umalis ?" Hindi siya kumibo. Lumalaban siya ng titig kay Randall. Kabado siya pero kailangan niyang tapangan ang sarili. "Alin ang tama, Andrea? Imposible naman, pagkaalis mo samin.. nagkaroon ka na agad ng karelasyon iba at nabuntis ka na agad??! Kasi sa pagkakatanda ko– I'm your first ! Ako ang nakauna sayo.. ilang beses may nangyari satin. Walang kahit anong protection. Kaya sabihin mo sakin sa harap ko. Akin ba si Ross? Akin ba siya?! Anak ko ba si Ross?!" bulyaw nito sa kanya. Napaatras siya ng kaunti. Huminga muna siya ng malalim saka dahan-dahan tumango. "Fine. You want the truth? f**k you, yes !! f**k you, anak mo siya ! f**k you kasi ikaw ang Ama niya ! At f**k you uli kasi.. wala kang karapatan bulyawan ako! Tang ína ka !" galit na sikmat niya sa binata na nakaawang ang mga labi. Halata sa reaksyon nito ang gulat at hindi makapaniwala. Hanggang sa naging madilim ang anyo ni Randall. "How could you not tell me? Why did you keep this from me? Why did you just walk away and take my own child from me?" Ramdam niya ang galit na nararamdaman ni Randall. Pagak na natawa siya. Really? nakuha pa nitong magalit sa kanya? Kapal ! "Because you're such a jérk ! I told you... what if... I'm pregnant, right? Ano nga uli ang sinabi mo sakin noon? Hindi ka pa ready. Importante ang basketball para sayo. You even– suggested to me na magpa-abort, right?" nakakalokong natawa siya at naiiling. "Tapos, aakto kang.. pa-victim sa harap ko? f**k ! The audacity, please ! Ikaw at ang Mommy mo– gusto nyo ipalaglag ko..that's why I left. Kaya utang na loob, 'wag kang mag-feeling. Wag mo na kami ihatid pauwi, kaya na namin–" mabilis na sabi niya at naglakad patungo sa restroom. Sakto naman na nasalubong niya si Ross. "Tara na, Nak– uuwi na tayo. Busy na daw si Randall, may kailangan pa daw siya puntahan kaya.. mauna na tayo umuwi, hmm?" pagdadahilan niya sa anak. "Opo, Ma."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD