ANDREA POV
SA ISANG 24/7 convenience store siya dumiretso pagtapos ng shift niya. Alas tres'y medya na ng madaling araw, para kasing ayaw pa niya umuwi ng bahay.
Matapos ang nangyari sagutan sa pagitan nila ni Randall kahapon, alam niyang sa mga susunod na araw ay pupunta ang binata sa kanila. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Ross ang lahat. Hindi niya alam kung anong magiging reaskyon nito, oras na malaman nito ang totoo.
Napabuntong hininga siya, sabay inom ng kanyang ice coffee na binili niya at naupo sa isang bakanteng upuan sa labas ng convenience store. Pagod na pagod ang katawan niya subalit mas pagod ang utak niya sa kakaisip.
Bakit ba bigla na lang niya inamin kay Randall? Damn him ! Kuhang kuha kasi nito ang inis niya kahapon. Tsk !
Mayamaya pa ay may dalawang mainit na cup noodles ang naglapag sa table niya kung saan siya nakaupo. Napatingala siya sa taong bigla na lang sumulpot sa harapan niya. Si Timber.
Matamis ito ngumiti sa kanya.
"Mas okay kung kumain ka na muna–"
Oo nga pala, tinawagan niya ang kaibigan kanina. Wala lang, gusto lang niyang may kasama sa pagtambay dito sa convenience store.
"Thanks–"
Naupo na ito sa tapat niya.
"So, tell me– anong plano mo ngayong sinabi mo na kay Randall ang totoo?"
Napanguso siya. "Wala. As in. Wala. Blanko ang utak ko !" himutok niya.
"Natatakot ka ba?"
"Saan?" nalukot ang mukha niya.
"Natatakot ka bang kunin ni Randall si Ross? Natatakot ka bang mas gugustuhin ni Ross na sumama kay Randall dahil sobrang idol nya ang kumag na 'yon? o natatakot ka bang may maramdaman ka uli sa kanya oras na mapalapit siya uli sayo?" mahabang pagtatanong nito na may halong pag aalala.
Hinigop niya muna ang mainit na sabaw ng cup noodles. Bahala kung magkumahog ang bituka niya dahil sa ice coffee at sabaw ng noodles.
"To be honest, Tim. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko sa mga oras na 'to. Siguro, natatakot ako– pero mas iniisip ko ngayon kung anong magiging reaksyon ni Ross. Paano ko sisimulan sabihin sa kanya ang totoo? Mas natatakot akong magalit sakin ang anak ko, Tim. Hindi ko 'yon kakayanin," nangilid ang mga luha niya.
Tumayo si Tim at lumipat sa tabi niya saka inakbayan siya.
"Just be you, okay? Sabihin mo kay Ross kung ano ba ang nangyari. Anak mo 'yon– hinding hindi ka basta ipagpapalit non. Matalinong bata si Ross. Alam kong alam niya kung gaano katindi ang mga sakripisyong ginawa mo para sa kanya. Naniniwala rin akong.. mauunawaan ni Ross ang lahat basta ipapaliwanag mo ng maayos."
Tuluyan na siyang napaluha at sumubsob sa dibdib ni Timber. Wala na siyang pakialam kung anong iisipin sa kanila ng mga taong dumadaan, basta nag e-emote siya !
"Salamat, Tim. Kahit madaling araw na... tinawagan pa rin kita para istorbohin. Pasensya ka na ha–" naiiyak na sambit niya.
Naramdaman niya ang marahan paghaplos ni Tim sa likod niya.
"You always have me, okay? Kahit anong oras pa 'yan.. pupuntahan kita. I'll be the one who stays, the one who listens, the one who fights beside you and the one who will stand by you. Nandito lang ako palagi para sayo, Andrea."
"Thank you, Tim. Masaya ako na naging kaibigan kita," aniya sabay punas sa basang pisngi. Umayos na siya sa pagkakaupo.
"Tsk !– Ang romantic ng sinabi ko tapos friend zone pa rin? Hindi ka ba kinilig?" nakasimangot na sabi ni Timber.
Natawa siya. "Kinikilig ako syempre !"
Umiiling-iling si Timber. Hindi naniniwala sa sinabi niya. "Kinikilig 'yang bulate sa tiyan mo !"
Hindi na niya napigilan matawa ng malakas. Ilan sandali pa ay nag-change topic na sila. Puro mga nakakatawang bagay na nangyari sa hospital na ang pinag uusapan nila. Kahit papaano, nabawasan ang pangamba niya, naging kalmado ang isip niya.
Pagkauwi na pagkauwi niya, kakausapin niya kaagad ang anak. Mas maganda ng malaman ni Ross ang lahat mula sa kanya. Matapos ang masayang foodtrip at kwentuhan nila ni Timber, ay hinatid na siya nito sa bahay.
"Salamat uli, Tim... sa lahat–" wika niya sa kaibigan habang nasa tapat na sila ng gate.
"Always welcome. Sige na. Magpahinga ka na. Mor'night–" nakangising turan ni Timber at sumakay na sa kotse.
Nang tuluyan na itong nakaalis. Pumasok na siya sa loob ng gate. Pagkabukas na pagkabukas niya.. napaigtad siya sa gulat, dahil sa malaking bulto na nakaupo sa salas nila.
Mabilis niyang kinapa ang switch ng ilaw para bukas. Nang kumalat ang liwanag sa salas, napasinghap siya ng bumungad sa kanya ang pagmumukha ni... "Randall–?!"
Madilim ang aura nito. Tinapunan siya nito ng matalim na tingin.
"Ang oras daw ng uwi mo, 3AM–" sinipat nito ang suot na relo saka tinaasan siya ng kilay. "– 5AM na? Anong oras na? Tapos kasama mo pa si Timber? Don't tell me...nag-date kayo ng ganitong oras?!" malamig ang tono ng boses nito. Halatang galit.
Tinaasan din niya ito ng kilay.
"FYI– wala kang pakialam sa oras ng uwi ko. At saka, naghuhurementado ka? Ano, asawa kita? Kung makapag salita ka parang huling huli mo ko sa akto nag-cheat ha ?! At teka nga– anong ginagawa mo rito sa pamamahay ko?!" kulang na lang bulyawan niya ito pero nagpigil pa siya ng very light.
"Inaantay kita, obvious ba?" pabalang na sagot nito.
Mapakla siyang natawa. Tinatarantadó talaga ako nito e !
"Sinong nagpapasok sayo?!"
"Si Papa mo." Nakangising tugon nito na para bang nakahanap ng kakampi.
"Well, kanina pa ako nandito. Nakapagkwentuhan na nga kami ng Papa mo. Tsk.. kaya may natuklasan ako uli."
Nagpameywang siya. "Natuklasan na–?"
"Natuklasan ko na... Si Arturo Manalo ang biological father mo.. it means, hindi talaga tayo magkadugo. Samakatuwid... hindi tayo mag pinsan," nakataas pa rin ang sulok ng labi nito.
"So what kung hindi tayo magpinsan? Umaasa ka na magpapakatanga uli ako sayo?" gigil na sikmat niya rito.
"Bakit, ikaw lang ba ang TANGA noon? Anyway, nandito ako para kausapin ka tungkol kay Ross. Gusto kong nandito ako... habang sinasabi mo kay Ross.. kung sino ako."
Tsk ! Demanding !! Argh kainis !