#28

1035 Words
ANDREA POV NAPALABI siya habang nakatitig sa maamo at gwapong mukha ni Ross. Nilunok na niya lahat ng kaba at pag aalala niya, sinabi na niya mula umpisa, ang lahat lahat kay Ross. Walang labis. Walang kulang ika nga. Naroon silang tatlo sa salas habang nagkakape sa labas ng bahay si Papa Arturo para bigyan sila ng 'oras' para kausapin ang anak 'nila'. "G-Galit ka ba, Nak? Galit ka ba kay Mama?" may panginginig sa boses niya ng tanungin si Ross na nakatungo lang. Marahan itong umiling na ikinahinga niya ng maluwag subalit walang imik pa rin ito. "Walang kasalanan si Mama mo. Ako ang may mali– masyado akong naging makasarili.. ni hindi sumagi sa isip ko na baka may mabuo kami, ni hindi ako naging responsable, kasalanan ko ang lahat. Sana mapatawad mo ako, sana mabigyan mo ko ng chance na maging–" naputol ang sinasabi ni Randall kay Ross nang mabilis na tumayo si Ross sabay takbo sa kwarto. Nagkatinginan silang dalawa ni Randall. Mabilis niyang sinundan si Ross pero naka-lock na ang pinto sa kwarto. Napabuga siya ng malalim na paghinga. "R-Ross? Nak–?" mahinang tawag niya sa anak ngunit walang tugon. Bumalik siya sa may salas, naabutan niya si Randall na nakayuko at tila malalim ang iniisip. Malungkot na tumingala ito at tumingin sa kanya. "S-Sorry... gustong ko lang makabawi kay Ross.." mahinang sabi nito. "Mas mabuti pa siguro, hayaan muna natin siya. He needs time to think– kakausapin ko na lang siya ulit mamaya," walang buhay na wika niya. Akma na sana siyang tatalikod para iwanan ito sa salas nang magsalita muli ito. "A-Andrea... Sorry sa lahat.." Hindi siya umimik. "G-Gusto kong itama ang lahat. Gusto kong bumawi sa anak ko.. sa anak natin. Gusto kong mabuo tayo at–" "Excuse me?" kunot ang noo, hindi siya makapaniwala nakatingin kay Randall. "Kung gusto mong bumawi at magpaka-ama kay Ross. Sige lang. Hindi ako kokontra... pero 'yon mabuo TAYO? ibang usapan na 'yon. Matagal na tayong wala," may diin na tugon niya. "Hindi naman na tayo magpinsan e? Kaya nga tayo naghiwalay kasi.. iyon ang rason 'di ba? Bawal ang relasyon natin. Masama sa paningin ng iba. Bakit ngayon, kung kailan hindi na tayo mag pinsan? Dahil kay Timber ba?" may inis na sabi ni Randall sa kanya na ikinainis din niya. "Gago ka ba?!" singhal niya rito. Lumapit siya rito. "Nag iisip ka ba?! So, what kung hindi na tayo mag pinsan? Ano? Tayo ulit ganon? Anong akala mo sakin? Bobó?" pagak siyang natawa at nagpameywang. "Kung ano man ang meron tayo NOON. Wala na 'yon. Matagal na tayong TAPOS. At saka– ano naman kung Timber? I like him ! Kung gusto mo bumawi kay Ross.. kay Ross lang," naiinis na sikmat niya. Biglang naging madilim ang mukha ni Randall. "Kailangan ni Ross ng kumpletong pamilya," giit nito. "Then, co-parenting is the key ! Besides, matatanggap ba ng parents mo si Ross? As far as i remembered, gigil na gigil ang Mommy mo na ipalaglág ko noon si Ross. Even you–! tapos aakto ka sa harap ko na... kailangan ng anak ko? ng buong pamilya. Medyo makapal ka sa part na yon," sarkastikong sagot niya. Napahugot ng hininga si Randall. "Bukas. Babalik ako. Kakausapin ko uli si Ross," blanko ang mukha sabi nito at tahimik na lumabas na ng bahay. Umingos siya. Halatang na badtrip ang binata pero wala siyang pakialam kung badtrip ito. Ma-badtrip na ito forever, bahala ito sa buhay nito ! Nang makasigurong nakaalis na si Randall, saka siya napahiga sa mahabang sofa sa salas. Pumasok naman na si Papa Arturo. "Nasaan si Ross?" "Nagkulong sa kwarto, Pa." "Hayaan mo muna. Matalinong bata ang anak mo. Bigyan mo ng sapat na oras." "Alam ko naman, Pa. Nag aalala lang ako dahil... parang hindi niya nagustuhan ang nalaman niya," malungkot na sabi niya. "Nasaktan. Hayaan mo muna– mamalengke lang ako. Anong gusto mong ulamin, Anak?" Ngumiti siya kay Papa Arturo. Wala pa kasi siya tulog kaya ito talaga ang kumikilos sa bahay habang nagpapahinga siya. "Kare-Kare, Pa?" Marahan natawa si Papa Arturo. "Oh siya– mamalengke ako. Magpahinga ka na muna. Lalabas din yan ng kwarto si Ross, sasarapan ko ang luto para maparami ang kain nyo mamaya." "Salamat, Papa." Ngumiti ito. "Mahal na mahal ko kayo ni Ross, Nak. Sige, pahinga ka na–" Gumanti naman siya ng ngiti bago siya tuluyan ginupo ng antok. Hindi na niya namalayan ang pag alis ni Papa Arturo. Naalimpungatan na lang siya ng may yumuyugyóg sa kanya. Nang dumilat siya, si Ross ang nabungaran niya. "Ross?" namamaos na tawag niya sa anak. "May kumakatok sa gate, Ma–" anito na kinalukot ng mukha niya. Pupungas-pungas na tumayo siya upang tignan kung sino ang mga tao sa labas ng gate nila. Pagkabukas niya ng gate. Napansin niya agad ang sasakyan na may nakasulat ng pangalan ng baranggay sa lugar nila. At base na rin sa mga suot ng mga ito, mga tanod yata sa baranggay. "Bakit ho?" nagtatakang tanong niya. "Dito po ba nakatira si Mr. Arturo Manalo?" Ewan niya kung bakit bigla siyang nakaramdam ng matinding kaba. Ngayon lang niya na realized na hindi pa pala bumabalik si Papa Arturo. Nagpaalam ito na mamalengke lang. "Oho, b-bakit po? May.. problema po ba?" napalunok siya ng laway. May kakaibang tensyo siyang naramdaman. "Kaano-ano po kayo ni Mr. Manalo?" "Uhmm, Papa ko po sya–" Tumango tango ang dalawang tanod na lalaki. "Nabaril po si Mr. Manalo sa palengke, Ma'm... ng mga di kilalang riding in tandem. Naisugod naman po namin siya kaagad kaso po dead on arrival na po–" Nanlamig ang buong katawan niya. Pakiramdam niya tatakasan siya ng ulirat. Damang dama niya ang kilabot sa buong katawan niya. Namamanhid siya. Hanggang isa isang bumagsak ang mga luha niya. Nanghihinang napaluhod siya. "Nasa hospital pa rin po yon katawan po ni Mr. Manalo. Pakipuntahan na lang po–" Hindi na niya masyado marinig ang sinasabi ng kausap niya. Naging blanko ang utak niya ng mga sandaling iyon. Daig pa niya ang naputulan ng paa. Paano na siya? Paano na sila ni Ross? Napahagulgol na lamang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD