ANDREA POV
DALAWANG araw na ang lumipas buhat ng mamatáy si Papa Arturo. Nakaburol ito sa Funeraria Filipinas sa may Poblacion, Makati.
Tahimik lang na naglalaro si Ross gamit ang tablet nito habang katabi nito si Randall na tahimik din nagmamasid sa ginagawa ni Ross. Nakasuot ito ng simpleng kupas na maong, naka-jacket na itim, may suot na baseball cap at face mask upang walang makakilala rito.
Nang malaman ni Randall ang nangyari, kaagad ito tumulong sa pag aasikaso sa lamay, ganon din si Timber na nasa tabi niya. Nakatayo sila sa hamba ng pinto. Alas tres na kasi ng madaling araw, wala na tao. Wala naman kasi masyado kakilala si Papa Arturo, wala na rin itong kamag-anak o sa madaling sabi.. wala siyang ibang kilalang kamag-anak ni Papa Arturo.
"Anong sabi ng mga pulis? May update daw ba?" tanong ni Timber.
Umiling siya. "Walang balita. Pinaghahanap pa rin ang gun man pati na rin ang rider na kasama. Ang sabi ng mga pulis, ang owner daw ng tindahan sa may palengke ang puntirya talaga, nakapagkamalan si Papa–" mahinahon na sabi niya.
Mahigpit siyang niyakap ni Timber. Mula nang unang gabi ng burol, walang luhang tumulo sa mga mata niya. Manhid ang utak niya, parang hindi pa rin nag si-sink in ang lahat.
Napalabi siya. "M-Magluluto pa sana si.. Papa.. ng.. kare-kare. Lulutuan.. pa sana niya kami ng masarap na luto niya," garalgal ang boses na sabi niya habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ni Timber.
"I'm just here for you... for you and Ross. Sisiguruhin kong magiging maayos kayo–" sambit ni Timber at hinahaplos ang likod niya.
May tumikhim sa tabi nila. Parehas silang napatingin ni Timber... kay Randall, nakatayo na sa gilid nila, at matalim ang tingin kay Timber.
"You don't need to do that, Bro. Hindi mo naman kamukha si Jose Rizal, para magpaka-bayani ka. Akong bahala sa mag-ina ko," may diin sabi ni Randall, at umiigting ang panga.
Humiwalay ng yakap si Timber sa kanya at maayos na hinarap si Randall. Halos magkasing tangkad ang dalawa kaya, madali sa mga ito maglaban ng tingin.
"Mag-ina mo? Whoa–! Parang may mali.. mali utak mo? Yeah, I get it, anak mo si Ross.. but.. hindi mo asawa si Andrea. So, hindi mo sila mag-ina," may halong asar ang tono ng salita ni Timber.
Nakakalokong ngumisi si Randall.
"Anong gusto mong gawin ko, anak ko lang ang iintindihin ko? Malamang, iintindihin ko rin ang Ina ng anak ko. Hmm, pwera na lang– kung gusto mo magpa-ampon sakin, sakto isa lang ang aso ko sa bahay," nang aasar na sabat ni Randall.
Nagtatagis ang mga ngipin ni Timber.
"Isa kang malaking gagó, Anderson !"
Patay malisyang ngumisi naman si Randall. "Gwapo naman–"
Napabuga siya ng malalim na hininga saka gumitna sa dalawang matatangkad na lalaki sa tabi niya.
"Please... tumigil na kayo. Respeto. Nasa burol kayo–" sikmat niya sa dalawa na tumahimik naman agad.
Iniwan na niya ang dalawa at tumabi ng upo kay Ross. Napansin niyang inaantok na ito kaya pinahiga niya si Ross para makatulog sa mahabang upuan. Ilan sandali ay naramdaman niya na may naupo sa gilid niya.
"Ako na bahala sa gastos sa pagpapalibing... at lahat ng babayaran dito sa Funeraria," wika ni Randall. Sumulyap siya sa binata.
Gusto niyang ipagtabuyan ito, paalisin dahil wala naman itong gagawin roon. Gusto rin niyang tanggihan ang tulong na binibigay nito subalit hindi niya magawa. Aminado siyang kailangan na kailangan niya ng tulong sa ganito sitwasyon.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari, wala siyang plano. Ilan beses na ba siyang nawalan ng magulang? Ilan beses na ba siyang naglibing ng magulang? Pangatlo na. Lahat masakit. Walang kasing sakit .. ang maulila. At ayaw na ayaw niyang maranasan iyon ni Ross.
"S-Salamat...." mahinang tugon niya.
Nagkaroon ng ilan minutong katahimikan sa pagitan nila. Narinig niya si Timber na nagpaalam saglit dahil may emergency ito sa hospital, may manganganak na pasyente nito. Bahagya siyang tumango sa kaibigan.
Naiwan na lang silang tatlo hanggang sa magsalita si Randall.
"Ahm, alam kong hindi ito ang tamang oras para sabihin sayo... pero gusto ko rin makapag isip isip ka muna bago ka magdesisyon sa iaalok ko–" ramdam niya ang kaba ni Randall, nagtatakang napatitig siya rito.
"I want to marry you, Andrea. Whether you believe me or not, all I truly want is for you and Ross to be happy... I want to spend the rest of my life making up for every way I've failed you. Please, let’s give Ross the complete family he deserves," pagsusumamo ni Randall sabay hawak sa isang kamay niya.
"Please... marry me?"
Napangiwi siya at binawi ang kamay niya na hawal nito. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito.
"Are you serious? Really? Right in front of my father's coffin? Is this a proposal?" Pagak siyang natawa at naiiling.
"You know, Randall... you don't need to marry me. I’ll give you your rights as Ross's father because, well, you are his father... but leave me out of it. Wag na ako, okay?" inismiran niya ito at tinalikuran.
Tumayo si Randall. "Sa labas lang ako. Pag isipan mo mabuti ang alok ko– ibibigay ko sayo, sainyo ni Ross ang lahat.. pagsisikapan kong maging mabuting Ama at Asawa sayo. Lahat, gagawin ko... kayang kong isakripisyo ang career ko, makasama ko lang kayong dalawa ni Ross. Sana magbago ang isip mo."
Hindi siya kumibo hanggang sa naramdaman na niyang lumabas ito. Napatitig siya kay Ross na himbing ng natutulog. Humugot siya ng malalim na paghinga.
Anong gagawin ko, Pa? Paano kung maling desisyon na naman ang magawa ko? Paano kung masaktan na naman ako? kami ni Ross?
Hinaplos niya ang buhok ni Ross at hinalikan ito sa noo. Kapansin pansin rito ang pagiging tahimik nito, alam niyang nalulungkot ito sa pagkawala ng Loloy nito pero alam din niyang may ibang nararamdaman ang anak niya.
Pansin din niya kasi na hindi nito iniimik si Randall. Wala naman itong sinasabi na kung ano pero alam niyang may tampo ito. Pagkatapos ng libing, kakausapin niya ng masinsinan si Ross.
"Pasensya na, Anak ha..lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Never akong aalis sa tabi mo–" bulong na sambit niya kay Ross.