ANDREA POV UMALIS sina Mang Kanor at Randall para tumungo sa tindahan kung saan makakabili ng gas na nasa bote. Habang siya, tumutulong naman kay Aling Lisa sa paghimay ng dahon ng malunggay para sa lulutuin nitong pananghalian. "Sa Isabela pala ang tungo niyo–" kapagkuwa'y wika ni Aling Lisa nang maikwento niya kung saan sila pupunta ni Randall. "Opo. Naroon po kasi ang anak ko." "Mag-pinsan kamo kayo ng kasama mong lalaki? tama ba?" Pasimpleng tumango siya. "Uhmm, opo. Kayo po, dalawa lang po kayo ni Mang Kanor nakatira dito?" Curious siya kasi medyo malayo sa mga kapitbahay ang tinitirikan ng bahay kubo ng mga ito, malayo rin sa tindahan o bayan. Mahinang natawa si Aling Lisa at naiiling. "Ang totoo niyan– tatlo ang anak namin. 'Yon panganay namin nasa Dubai, may trabaho at pam

