ANDREA POV NAALIMPUNGATAN siya. Ang hirap huminga, para bang may mabigat at matigas na bagay na nakadagan sa dibdib niya. Sinubukan niyang umusog ngunit hindi rin siya makagalaw. Napadilat ang mga mata niya. Ganon na lamang ang gulat niya, si Randall ang salarin. Nakayapos ang binata sa kanya at nakaunan ang ulo nito sa dibdib niya. Pilit niyang inalis ang ulo nito at marahan tinulak palayo sa katawan niya. Umungot lang ito hindi nagising. Tulog mantika ang itsura nito na kinailing niya. Umusog din siya para magkaroon uli ng espasyo sa pagitan nilang dalawa. Lumipas ang mahabang minuto, nakatulog uli siya hanggang sa nakaramdam na naman siya ng kakaiba. Antok na antok pa siya ngunit kakaiba ang nararamdaman niya saka napaigik siya sa sakit. Napadilat siya agad upang alamin kung ano

