"Ms.Rai,Just wait for a call or email from our company within three days.Thank you!"saad ng secretary ng kompanya bago yumuko.
"Thank you."agad kong sagot saka bahagyang yumuko.
Katatapos lang ng panghuling job interview ko at kasalukuyan akong naglalakad palabas ng building na pinag-applyan ko ng trabaho.Limang kompanya na ang pinag-applyan ko pero lahat ng mga iyon ay paulit-ulit lang ang sinasabi.
"Nye nye nye,just wait for the call or email from our company.Tse!"naiirita kong bulong sa hangin.
"Di na lang kasi sabihing di ka tanggap teh,bawi na lang next life.Ganern!"dagdag ko pa habang nagma-makeface.
Nang makalabas ng building,tumingala ako saka tiningnan ang pangalan ng kompanya bago nag-isip.Hindi naman ganun kasikat ,hindi pa rin ako natanggap.Tanggap ko pa yung una at pangalawang kompanya na pinag-applyan ko kasi ilan sila sa napasama sa mga bigating companies,pero yung mga sumunod.Hays!
'Someone's playing a trick.'
Ang gago talaga,napayuko na lang ako at napahawak sa sentido ng maisip ko kung sino ang sumasabotahe sa pag-aaply ko.
'Malas!nagjowa pa kasi ako ng straw.'
Ilang minuto rin akong nag-iisip kung paano ko mapapatay sa isip ang ex ko habang nakatayo sa harap ng building na pinaglabasan ko,nang bigla akong makarinig ng kakaibang tunog mula sa katawan ko.
~Kruuu~Kruuu~Kruu~
'Anak ng,kumukulo na pala ang tyan ko sa gutom.Teka,anong oras na ba?'
Kinuha ko ang selpon sa loob ng bag para tingnan kung anong oras na ngunit laging gulat ko ng makitang pasado alas-dose na.
'Peste!'
Saad ko sa aking isipan habang iniisip ang lalaking dahilan ng paghihirap ko ngayon.
Ngunit nawaglit rin iyon ng biglang kumalam ulit ang aking sikmura.Hays!
Kaya naman nagpunta agad ako sa isang fast food chain na hindi kalayuan sa huling kompanya na pinuntahan ko.Umorder agad ako para maya-maya lang ay nariyan na at mabusog na agad ang nagwawala kong sikmura.
Habang naghihintay,naisipan kong tawagan ang bestfriend ko.Kaagad kong hinanap ang pangalan niya sa contacts ng selpon ko saka pinindot iyon.I know nasa trabaho siya pero launch break naman kaya keri lang.Tsaka agad din namang sinagot ni Kai ang tawag ko,kaya for sure 'di siya busy.
"Kai,I'm sad.Huhuhu" sambit ko habang nagkukunwaring umiiyak.
"I know,ikain mo lang yan ng ice cream."kalmado sagot niya sa kabilang linya.
"Anong kinalaman ng ice cream dito?"tanong ko.
"Comfort food mo d'ba!Because it can ease a little bit of your sadness and pain,sabi mo pa nga noon."sarcasm na sagot niya.
"Tsk,panget mo talaga kabonding Kai."napailing na lang ako sa sinabi niya.
Grabe! Napapasupportive talaga ng bestfriend ko.Hindi man lang tinanong kung anong klaseng reasons ang nagpapalungkot sa akin.Direct to the point agad.
"By the way,bakit ka ba talaga napatawag?Alam mo ba na nasa trabaho ako ngayon?"sunod-sunod na tanong ni Kai.
"Easy! First I know na nasa trabaho pero girl mukhang di ka pa naman busy, kasi one ring palang sinagot mo na agad ang tawag ko."pag-explain ko
"Second,di ako makapag-apply ng trabaho.Dahil sa pesteng ex,he pulled some strings.Nakakagago siya Kai,hiwalay na nga kami,siya pa may kasalanang ginawa tapos ganto pa gagawin niyan.Pasalamat siya,hindi pa ako gumaganti.Bwesit!"naiinis ko pang dagdag.
"Rai,I don't know why your doing these pero di mo naman kailangan pahirapan ang sarili mo.Your family has a business and I don't really see the point kung bakit gusto mo pang magtrabaho sa ibang kompanya kaysa asikasuhin ang business niyo."
"Kai,yes we have a family business pero nangako ako sa sarili ko na I will do my best to gain more knowledge and lots of confidence bago ko itake-over iyon.Marami na akong pangako na nauwi sa pagkapako,isa na dun yung pangako ko sayo pero I don't want this one to be like that."
"Okay,I understand.Ayoko lang naman na masaktan ka ulit ng dahil sa ex mo Rai.Just be safe and always remember that I'll support you no matter what."masayang saad ni Kai sa kabilang linya.
"Thank you,Kai."nakangiti kong sambit.
Ilang minuto rin kaming magkausap ni Kai hanggang sa nagpaalam na siya dahil tapos na ang kanyang launch break at back to work na daw muna.Tamang-tama rin naman,dahil ng ibabalik ko na sa loob ng bag ko ang selpon ay dumating na rin ang inorder kong pagkain.
'Sa wakas,oras na para lumamon.'
Magsusubo na sana ako ng pagkain ng biglang tumunog ang selpon ko.Tiningnan ko iyon at nakitang galing kay Kai ang message.Medyo natawa pa ako dahil ang sabi niya...
Lamon well!
Matapos kung kumain sa Mcdo,napagdesisyunan kong gumala muna bago umuwi sa bahay.Normally,kapag pagod ako o may iniisip,ang laging punta ko ay sa mall tapos diresto sa ice cream shop.Kai was right,ice cream is my comfort food.Pero mukhang nagbago ang ihip ng hangin ngayon,dagil nagpunta ako sa isang parke.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko,basta sinunod ko lang ang gusto ng puso ko at ng daan na gustong tahakin ng mga paa ko.
'At heto, nandito ako ngayon.'
Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bench habang kumakain ng dirty ice cream na nabili ko sa dumaan na ice cream vendor.Habang kumakain ay naglalakbay rin ang isipan ko sa mga katanungan.
"Bakit kaya ako dinala ng mga paa ko rito?May alaala ba ako sa lugar na tulad nito?Hays,wala talaga akong matandaan nung gabing iyon after kong himatayin.Pero sino kaya ang lalaki na iyon?"bulong ko sa hangin habang nakatingin sa mga batang naglalaro.
"Buti pa sila,ang saya-saya.Hays,sana bata na lang ulit ako para yung sakit at hapdi lang ng sugat sa balat ang iniiyakan ko hindi yung tulad ngayon."malungkot na sambit ko muli bago bumuntong hininga.
Inubos ko agad ang ice cream na kinakain ko saka tumingala para pigilan ng nagbabadyang luha na gustong kumawala sa mga mata ko.Ang lakas pa rin ng epekto sa tuwing naaalala ko yun,idagdag pa yung pagsasabotahe sa pag-apply ko.Nakakaasar!
'Pero wala naman akong magagawa,ayoko naman palakihin ang gulo kaya mananahimik na lang ako.'
Inayos ko muna ang sarili ko bago maisipang umuwi,mahirap na baka makahalata sila mama at daddy.Hindi ko pa naman nasasabi sa kanila yung tungkol sa nangyari saka na lang siguro.
Naglakad na ako at naghanap ng taxi.Ilang saglit lang ay may nakita ako,agad akong sumakay rito upang makauwi na ako.Sumandal lang ako sa upuan saka tumingin sa labas ng bintana.
Lumipas ang kalahating minuto,nakarating na rin ako sa bahay.Pagod ako kaya gusto ko na lang pumunta agad sa kwarto at magpahinga.Kaso pagpasok ko ng bahay,agad na kinuha ni mama ang atensiyon ko at medyo nagulat pa ako sa aking nakita.
"Oh,anak nandiyan ka na pala."nakangiting saad ni Mama habang naghahain ng hapunan.
Tatlo silang nakaupo sa harap ng hapag-kainan,si mama,si dad at isang bisita na halos kaedad lang ng mga magulang ko.Namumukhaan ko siya pero di ko alam kung saan at kailan ko siya nakita.
"Tamang-tama Rai,halika na at sumabay sa amin."Dad said while smiling.
"Sige po."sagot ko.
Ibinaba ko ang bitbit kong bag sa sofa sa sala bago dumiretso sa hapag-kain at makisalo sa kanila.Pero bago iyon,ipinakilala muna ni Dad ang bisita niya.
"Rai,meet your Uncle Vaughn.He is my bestfriend."pagpapakilala ni Dad
"Hi Rai,its nice to meet a beautiful lady like you."Uncle Vaugh said with a smile in his face.
"Thank you and nice to meet you din po,Uncle Vaughn" nakangiti ko ring saad.
Pagkatapos ng pagpapakilala ay nagsimula na rin kaming kumain.Tahimik lang akong kumakain sa pwesto ko,samantalang si Dad at Uncle Vaughn naman ay nagkwekwentuhan.Nakikisali rin naman si Mama sa kwentuhan ng dalawa kapag nakakarelate siya dahil napag-alaman ko na magkakaklase pala sila noon ayon sa kwentuhan nila pero pag usapang business,hindi na siya nagsasalita.
Ganun din naman ako,kapag hindi ako ang kausap,nanahimik na lang ako at pinagpapatuloy ang pagkain.Pero kapag tinatanong ako ay saka lang ako nagsasalita upang sumagot,tulad na lang nagyon.
"By the way Rai,do you want to work in other company or you're going to take over you family business agad?"tanong ni Uncle out of the blue ng hindi tumitingin sa pwesto ko
"Honestly po,I want to work in other company bago ko i-take over ang business ni Dad."magalang na sagot ko habang patuloy na kumakain.
"Can I ask you why you want to work in the company?"
"Gusto ko po kasi magkaroon muna ng experience and to build my confidence na kaya kong magpatakbo ng isang business kahit nasa gitna ng kritikal na kalagayan."
"Oh,is that so.Then can I hire you as my son's secretary?"tanong niya habang nakatingin ng diretso sa akin.
Medyo nagulat ako sa offer ni Uncle Vaughn,kasi omg lang ha! Medyo struggle is real kasi ako sa paghahanap ng mapapasukang trabaho kanina tapos sa bahay ko lang makikita ang hinahanap ko.Well,I'm not unlucky as I thought pero bago ako sumagot kay Uncle,tumingin muna ako sa pwesto ni Dad para konsultahin siya bago ako magsalita.
Mukhang napansin naman agad ni Uncle Vaughn iyon kaya muli siyang nagsalita.
"Don't worry,Rai.I already consult your father pero ang sabi niya your the one who will decide."
Tumingin sa akin si Daddy at nakita ko siyang ngumiti.It means,I have a work na.Inilipat ko naman ang tingin ko kay Mama,ngumiti rin siya.Then kay Uncle Vaugh saka tumango bago nagsalita.
"Of course,Uncle.I gladly accept your offer po."tuwang-tuwa kong saad.