"Rai,how are you and what the heck happen?" nag-aalalang tanong ni Kaile habang naglalakad papalapit sa akin
Kararating niya lang rito at iyon agad ang binungad niya sa akin.Sinuri niya ang kondisyon ko mula ulo hanggang sa paa,bago umupo sa upuan na katabi ng hinihigaan ko.
"I'm okay,Kai." I only said with a small smile
"Don't lie,Rai.Masyado na kitang kilala para magsinungaling ka pa sakin." dagdag pa niya kasabay ng kanyang pag-irap.
Nakangiting napailing na lang ako sa sinabi ni Kai,wala talaga akong lusot pagdating sa kanya.Oh well,she is Kaile Morga,my one and only bestfriend since highschool.
Hindi ko alam kung paano nagsimula ang friendship namin,basta dumating na lang yung time na super close na kami sa isa't-isa.We spend a lot of time with each other noon.Like we talked nonsense everytime,we shared secrets and lots of doings that bestfriend does.We also planned our future din,one of those plans is yung sabay kaming makapag-apply at makapagtrabaho sa iisang kompanya after namin maka-graduate.
'friendship goals ika nga.'
Not until I had a boyfriend and we started to part our ways.Yung plano na binuo namin,hindi ko natupad.Kaya naman nangako na lang ako sa kanya na I will give time for her because she's my bestfriend.Pero habang lumilipas ang mga oras at araw,unti-unti ring nabawasan ang time ko para kay Kaile.Yung pinangako ko sa kanya,napako lang.Halos natuon na lang kasi ang buong atensyon ko sa boyfriend kong si Art.
'And I really regret it.'
Dahil napakawalang hiya ng lalaki na 'yon,nagawa niya kong pagsalitaan ng masasakit na salita,saktan at nais babuyin dahil sa walang kwentang dahilan.Punyeta siya! Isa siyang napakalaking g*go.
"Hey,don't cry Rai."pag-aalo ni Kai kasabay ng pagyakap niya sakin.
Dahil sa pagrereminisce ko ng nangyari between me and my ex,hindi ko namalayan na lumuluha na pala ang mga mata ko.Gusto ko man pigilan pero hindi ko na kaya,masyadong mabigat sa puso.Halo-halong emosyon ang gustong kumawala sa dibdib ko,ngunit mas nangingibabaw yung sakit.Madaming katanungan ang nabubuo sa isip ko pero hindi ko masagot-sagot.
'Ako ba yung may mali?'
'Ako ba yung nagkulang?'
'Ako ba yung may kasalanan?'
'Ako ba talaga?'
'Punyetang forever,fake ampota!'
Sobrang hirap mag-isip kaya naman yinakap ko na lang din pabalik si Kai at nagsimulang umiyak ng umiyak.Kahit ngayon lang,gusto kong ilabas yung nararamdaman ko.Gusto kong takasan yung takot at sakit na pinaramdam sa akin ng g*gong ex ko.
'Kahit ngayon lang,please.'
[Kinabukasan]
Nagising ako na walang Kaile sa tabi ko,siguro ay lumabas siya para bumili ng almusal.Kaya naman tumayo ako mula sa pagkakahiga at umupo sa upuan na nasa tapat ng ospital bed.Kinuha ko ang selpon sa maliit na lamesa para tingnan ang oras saka ibinalik ulit,alas-otso na pala ng umaga kaya medyo nakakaramdam na rin ako ng pagkagutom.
"Hay,di din pala ako kumain kagabi." bulong ko sa hangin.
Habang naghihintay ng pagkain at ng bestfriend,iniisip ko kung anong oras ba ako nakatulog kakaiyak sa balikat ni Kai kagabi.
'For sure masakit ang balikat ni gaga,dahil ginawa kong pader tapos iniyak-iyakan.'
Napangiti na lang ako sa naisip ko,ngiting kalokohan kumbaga.Ngunit ang ngiti ko ay napalitan agad ng pagkagulat ng biglang may nagsalita.
"Rai,anong nginingiti mo diyan?Nabuang ka na ba?"sunod-sunod na tanong ni Kai.
"Walaa,baka ikaw Kai buang.Hehe!"sagot ko na may kasamang pekeng tawa.
Inismiran lang ako ni Kai bago niya ilapag sa lamesa ang almusal na pinamili.Tinulungan ko siyang iayos iyon para makakain na kami pareho,nang matapos ay agad ko ng sinunggaban ang dala niyang pagkain.Kasalukuyan kaming magkaharap sa lamesa habang kumakain.
Grabeng gutom ang nararamdaman ko,dahil wala akong kain-kain kagabi tapos naubos pa yung energy ko kakaiyak.
'Sino ba kasi nagsabi na if you find Mr.Right,you will have happy lovelife,hays.'
Sunod-sunod ang naging pagsubo ko ng pagkain ng medyo nairita ako sa naisip ko, kaya naman sinita na ako ni Kaile.
"Rai,hinay-hinay sa pagkain.Baka mabulunan ka niyan at iyan pa ikamatay mo."pabirong paalala ng kaharap ko ngunit bakas ang otoridad.
"Gha-gi!" saad ko.
Subo - nguya - lunok ang gawa ko,iinom lang ako kapag nauhaw kakalamon o medyo may bumabara sa lalamunan ko.
'Legend ka girl.Haha!'
Halos patapos na ako sa pagkain dahil huling subo na lang ang gagawin ko ng biglang magsalita si Kai.
"Rai,kaya ka ba ngumingiti kanina dahil naalala mo yung lalaking nagdala sayo dito sa ospital?" curious na tanong niya habang patuloy na kumakain.
Nagulat ako sa tinanong ng kaharap ko kaya naibuga ng di sinasadya ang pagkain na nasa bibig ko saka napayuko at napaisip.
'Lalaki ang nagdala sakin dito?Ang tanong sino siya?Imposible naman na ex ko,dba!'
Naguguluhan ako kaya humarap muli ako sa bestfriend ko.Pero sa kasamaang palad,sa mukha pala ni Kai napunta lahat ng naibuga ko.
"Abnoy ka talagang babae kaaaaa!"naiinis na sigaw ni Kai sa akin.
"Peacee!" tanging nasambit ko.
Walang nagawa si Kai sa akin sa ginawa kong pagbuga sa mukha niya.Dahil siguro iniintindi niya na lang ang kalagayan ko o baka sa isip niya na lang ako pinaparusahan.Tumayo na kasi siya para ligpitin ang pinagkainan namin at mga kalat na ginawa ko,pero yung paghawak niya sa tinidor parang kakaiba.
'Shet! Mukhang matindi ang iniisip niya'
Hindi ko muna siya kinausap ng ilang minuto dahil mukhang ayaw niya rin naman ako kausapin kasi di niya ko pinapansin.
'Awts pain,pero mas masakit pa rin yung kagabi.Tsk!'
Saka na nga lang ako magsasalita pag siya ang unang nagsalita at pumansin,mainam na ang nag-iingat.
'Mainam daw ang nag-iingat,sus!'
Malay mo kasi,baka bumuga rin 'yan pero instead na pagkain baka apoy ang lumabas.
Dalawampung minuto na ang lumilipas,ngunit wala pa rin sa aming dalawa ang nagtangkang magsalita.Tanggap ko naman ang dahilan ni Kai kung bakit hindi niya pa rin ako kinakausap,pero yung ako yung magfirst move.Naku!
'Next time mo na lang siguro ako kausapin.'
Mapride at ma-aattitude,ilan lang 'yan sa mga katangian ko.Atsaka aminado naman ako sa ugali ko na yan,but once na marealize ko na ako yung mali.Humihingi naman ako ng sorry.Minsan agad,pero madalas the other two days nga lang.
'Pero between me and my ex,I know na wala akong nagawang mali.'
'Pagkukulang,posible pa.'
Magre-reminisce pa sana ako ng nagyari kagabi ng biglang magsalita si Kai.Sa wakas,binasag niya na rin ang katahimikan.
"Fine,lets forget about that."kalmado saad niya ngunit may halong kaunting pagka-inis.
"Sorry!" mahinang sambit ko habang nakayuko
Mahina pero sakto lang upang marinig niya.Hindi sumagot si Kai kaya iniangat ko ang mukha ko para magtama ang mga mata naming dalawa at makita ang reaksyon niya.Iba't-ibang emosyon ang nakikita ko sa mata ni Kai,may awa,lungkot,tuwa at pagkainis.Halos isang minuto rin kaming nakatitig sa isa't-isa,naputol lamang iyon ng tumingala sa kisame ang bestfriend ko saka napabumuntong hininga bago humarap ulit sa akin at nagsalita.
"By the way Rai,hindi mo ba talaga alam kung sino ang nagdala sayo dito sa ospital?" tanong niya
"Hindi eh,ang natatandaan ko lang yung ginawa ni Art sa akin.Yung kahayupan niya then everything went black." malungkot na sagot ko.
"Just forget about that jerk." Kai says habang hawak ang mga kamay ko.
"Okay,pero yung about sa nagdala sa akin rito.Paano mo ba nalaman na lalaki iyon?"curious na tanong ko.
"Sa mga nurse,naabutan ko kasi sila na nagchichismisan sa labas nitong ospital room mo." sagot niya
"May lahi ka pa ring chismosa Kai,haha"pabiro kong saad.
"Gaga,di na maaalis sa ugali natin iyon."
"Oy anong natin?Ikaw lang ah!"
"Chismosa ka rin noon,remember?"
"Noon yun,Kai."
"Lokohin mo na lahat,wag lang ako."
Natawa na lang ako sa huling tinuran ni Kaile,siguro nga nasa ugali na namin iyon at hindi na talaga maiaalis.Lesson learned,wag ideny sa bestfriend na chismosa ka kasi ganun din siya.
"Tutal chismosa ka naman,ano ba ang chismis nila Kai?" tanong kong muli.
"Na lalaki nga daw ang nagdala sayo rito.Tapos super gwapo raw kahit nakajacket at jogging pants lang.Take note,all black ang attire ni kuyang eh."
"Wala akong matandaan."
"Akala ko,nakita mo tutal siya naman ang nagdala sayo rito."dagdag pa niya.
Tanging pag-iling na lang ang isinagot ko kay Kai,dahil kahit anong way pa ng pag iisip ang gawin ko,wala talaga akong matandaan kung paano ako nakarating sa ospital.
After ko kasing mahimatay,nagising na lang ako na narito sa ospital.Nakahiga sa ospital bed,sa loob ng isang kwarto.Kaagad kong kinuha ang selpon sa bag ko na nakalagay sa drawer sa tabi ng kama at tinext si Kai na pumunta rito.Ilang minuto lang na paghihintay,dumating din siya.
'Pero wala ni isang tao akong nakita o naabutan rito sa loob ng kwarto,hanggang sa dumating na lang ang bestfriend ko.'
Kung ganun,sino siya?