Sixteen

2088 Words
It has been months at natapos ang ilang sessions ko sa culinary. Nag start narin ang classes namin sa college. Yes, ilang buwan na akong pumapasok sa school kahit lutang na lutang. Wala na sa isip ko magsuklay o mag ayos man lang dahil malalate nanaman ako. Halos araw araw na ako late dahil taksil tong puso at mata ko. Ayaw ako patulugin, naging hobby narin nila yun. Busy ang mga kaibigan ko sa college kaya hindi na naman kami madalas makapag bond. Si Vien nag leave na rin sa group chat namin. I feel bad. Mamimiss ko siya kahit ganon ang nangyari sa amin. She will always be my dear cousin. Laging lumilipad ang isip ko sa mga subjects namin. Katulad ngayon, nakapang halumbaba ako habang nakatingin sa bintana. Natauhan nalang ako ng may bumato sakin ng stress ball. "Aray, ano ba?" Reklamo ko. Nakakapikon naman ito. "Ano ba nangyayari sayo? Tumigil kana nga sa kabaliwan mo." Ani Tom galit siya pero alam kong concerned lang siya sa akin. "Nakikinig ako tapos babatuhin mo ako? Ikaw ang baliw." Hindi ko napigilan ang sarili kong umirap. "Muhka kang tanga. Tigilan mo na nga yan. Maganda nga muhka namang tanga! Ka turn off." Lagi niya nalang ako inaasar sa mga nakaka turn off daw sakin. Kesyo daw ang boring ng music na gusto ko, favorite color ko at kung ano ano pa. As if naman natuturn on ako sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit natatagalan ko ito bilang kaibigan. "Ano?" Inis na inis ako sa kaniya. "Ano?" Panggagaya niya sa akin pero sa mas matinis na boses. Saktong tumunog ang bell at sa wakas uwian na. Hinila niya ako papunta sa isang cafe sa labas ng school. Libre niya nanaman daw kaya sige pumayag ako. Nag order lang ako ng Mocha Frappe at isang slice ng red velvet cake. Siya naman ay umorder ng Expresso at Black Forest cake. Tahimik kaming kumakain kaya lumilipad ang utak ko kung saan saan. "Have you seen yourself in the mirror?" Seryosong sabi ni Tom sa akin na medyo kinabigla ko. Ganun na ba kalala itsura ko? Umiling nalang ako. Totoo, hindi ko pa nakita sarili ko sa salamin ngayon. Wala akong pakialam kung maayos ang buhok ko, kung maputla ang labi ko o anong itsura ko. "Bakit? Natuturn off ka dahil pumangit na ako?" Pang aasar ko sa kaniya. Hindi siya umimik pero kitang kita ko na nagtitiim ang bagang niyang lumingon sa gilid niya. Ano nanaman ang kinagagalit nito? Short tempered itong bestfriend ko e. Muling natahimik kami at inubos ko nalang ang natitira ko pang cake. Ayoko ng mag away kami ni Tom. Ayoko na may iisipin na naman ako na problema ko. "Tommy, bakit kaba galit? Best friend kita kaya please naman wag kana magalit. Joke lang naman yun." Umaliwalas naman ang muhka niya sa sinabi ko at ngitian ako. "Sorry, naiinis ako Ellie, hindi ka naman ganyan. Alam mo sa sarili mo sobrang arte mo. Dahil sa panloloko ng pinsan mo at ng ex mo naapektohan ka ng sobra at hindi ko inaasahan na ganyan ang magiging resulta sayo. Nasanay ako sa bestfriend kong maarte na laging maayos ang buhok, mabango, ngiti ng ngiti, attentive sa klase. Hindi ikaw yun, bago pa mahuli ang lahat ayusin mo yung sarili mo. Nandito naman kaming mga kaibigan mo. Nagpapatalo kana ba?" "Matagal na akong talo Tom." Mapait na ngumiti ako at hindi ko inaasahang may kakawalang luha sa mata ko. "Natalo ka lang kasi hinayaan mong matalo ka ng sarili mo. Ayan napapala mo, inuna mo harot. Kaya wala sa isip ko yang mga babae na yan." Humahalakhak na siya ngayon at tuwang tuwa sa pang aasar sa akin. "I can't wait to see you fall in love with someone at pag ikaw nakita kitang malungkot tignan mo. Kukuhaan ko ng video at tatawanan kita ng bongga. Itaga mo sa bato yan!" Pananakot ko sa kaniya. Pag dumating ang araw na yun makakaganti na ako sa kaniya. "You wish!'' Naka ismid pa siya Mabilis natapos ang araw at naka pag dinner na kami ng family ko. Umakyat na ako ng kwarto para maligo. Nang saktong paghiga ko ay tumunog ang cellphone ko. A notification about our monthsary. Agad kong tinanggal ang reminder na yun. May kung ano nanaman ang naramdaman kong kirot sa dibdib ko. I browse through my social media. Inuna ko na ang IG. I saw a post from Vi na pauwi na sila ni Mike halatang sinundo siya sa school nila. I just couldn't give a heart to that photo. It was like a hard slap to me. Nag open na rin ako ng f*******:, I saw my friends are fighting over something in our group chat. I suddenly received a private message from Sheena. Sheena: Bestie, pupunta kami ni Grey bukas sa inyo. Let's have a date please sunday naman bukas. Ako: Yey! See you. My sudden sadness became happiness. I miss my girls so much. Gusto ko sana makumpleto kami pero si Kaye parang ilang din sakin since mas close niya si Vien. Si Dane naman ay pinakiusapan ako na kila Vi daw muna sasama. Sila ang lagi magkakasama. I understand, I know she's neutral. Nag paalam agad ako sa parents ko na aalis kami bukas at pumayag naman sila. Minsan nga nakakainis si mommy, may kung sino sinong nirereto sa akin na anak ng friend niya. Minsan naman kunyari uutusan ako tapos sa ibang province pa ang ending vacation galore. It's sunday so I'm expecting my girls to be here. Ang tagal ko hinintay na makasama sila. I super miss them. Dumating na sila at dito ko na pinakain ng breakfast. I know we'll spend the whole day. Pagtapos kumain, nagaya si Sheena sa salon, I am surprised Grey didn't refuse. Nagpunta kami sa sikat salon kung saan tita ni Sheena ang may ari. Nag pa brazilian blow out siya, ako naman nag pa hot oil lang at keratin therapy. Ayaw sana ni grey mag paayos kaya lang pinilit namin siya. "I make over natin, may problema yan sa lovelife eh binasted ni VJ hahahaha." Bulong ni Sheena doon ko lang nakita si Grey na medyo haggard nga ang itsura. My goodness, hindi lang ako. "Ang kapal mang busted. Let's show him what he missed." Napapangiti ako. Maganda si Grey hindi lang nagaayos. Chinita, long hair, may specs at laid back manamit. Kahit ayaw niya, pinagtulungan namin ni Sheena na tangalin yung pony tail niya. Alam ko na ayaw niya mag pa rebond at masasayang lang dahil nasa medical field siya kailangan nakatali ang buhok. Pina hot oil at therapy ni Sheena ang buhok ni Grey at pinaputulan hanggang dibdib. Pina kulot din ang dulo ng buhok niya. Bagay sa kanya. Pagtapos ng buhok namin nag pa threading kami ng kilay at dahil first time ni baby Girl naiiyak siya sa sakit daw. Kalat na kalat naman kasi ang kilay nitong babaeng ito eh pero ngayon maayos at plakado na. Ako naman ang nagaya sa mall para maghanap ng contact lens. Medyo lumalabo narin ang mata ko so I thought I need one. Naiilang kasi ako magsuot ng eyeglasses. Nang nasa Optical Shop kami ay nagtitingin si Grey at Sheena ng frames nabago. "Hey, mag contacts ka nalang sister para gumanda ka lalo." excited na sabi ni sheena "Ahh yun ba? nako pagiipunan ko muna yun." "Sagot na namin ni Sheena yan hati kami sige na." Sabi ko naman sa kaniya "Sobra sobra na ito. Ano ba kayo?" Nahihiya niya pang sabi "Operation ganti kay VJ ito. Hindi ka niya dapat ni reject. We'll show him how beautiful you are. Tanga tanga siya. Mga lalaki talaga mga tanga." Galit na galit si Sheena habang sinasabi yun. May pinaghuhugutan yata eh. "Oo na sige na salamat sa inyo." niyakap niya kami Nagpagawa narin si Grey ng contact lens niya pero clear lang ang sa kaniya. After 3 days doon palang namin ito makukuha. Nag lunch kami sa kilalang pizzeria sa mall. Inexplain ni Sheena kay Grey ang dapat pagpili ng susuotin niya base sa kulay nito at sa shape ng katawan. Magaling si sheena dito fashionista kasi at model. Pagkatapos namin kumain ay naglakad lakad kami sa mall. Naisip kong bilihan si Kuya Rye ng damit sa Uniqlo dahil birthday niya next week. Habang nagtitingin ako sa Polo at shirts, may bumanggang lalaki sa likod ko. "I'm sorry miss, Oh, It's you again" sabi nung lalaki sa harap ko. Medyo nagulat pa siya. Hindi maikakaila na gwapo siya. May lahi yatang bumbay dahil nasa features ng muhka niya. "Hi, thank you sa panyo mo ha. Ibabalik ko iyon sayo" sabi ko sa kaniya. Nagtatawanan na ang dalawang babae sa likod ko halatang inaasar na ako. "I'm Chris, we didn't actually get the chance to introduce ourselves last time so.." nakangiti siyang nakalahad ang kamay sakin "I'm Ellie and these are my best friends Sheena and Grey." Nakipag kamayan din ang dalawa sa lalaki "Nice meeting you again, can I get in touch with you guys?" Tanong niya samin ang malokang Sheena naman binigay ang number ko. Sinasabi ko na nga ba. Hay. Si Chris ang nag abot sa akin ng panyo nung birthday ni Daddy. Hindi ko ineexpect na isang hunk kagaya niya may sesame street na hanky. Nagpaalam na kami sa kaniya at maya maya lang nag text na siya sakin para daw isave ko ang number niya. Pinagalitan ko pa si Sheena dahil agad agad pinamimigay ang number ko ng hindi nagpapaalam. Nagdinner din kami sa isang bistro at nag order ng beer. Napag usapan namin tungkol sa mga problema namin sa buhay. Natuto narin si Grey maging vocal samin. Na share niya paano siya nag confess kay VJ at kung paano siya nito na reject. Si Sheena naman ikinwento samin yung pangarap niya daw na crush niya mag graduate na kaya nalulungkot siya wala na daw siya hahabulin. Ending, nagopen din ako ng nararamdaman ko. I ended up crying my heart out but It felt okay because I am not alone this time. We took a photo and I uploaded as story on IG. Nakita ko na naview pa ni Mike ang story ko. Talagang wala siyang balak na mag explain. Lalo akong nasaktan. I wanted to unfollow them pero sabi nga ni Tom wag ko daw gawin yun dahil parang ako ang talo. It has been 4 months already and I am still hurting. Parang laging fresh pa sa akin. I tried meeting some guys since it has been past the three months rule pero wala talaga makapag bigay ng interest sa akin. Sabi nga nila first love never dies? Sheezz. Totoo nga yata. Nakakainis na. Dapat pala hindi na ako nagkaroon ng interest sa love na yan. In denial ako na nawawala ako sa sarili ko pero yung mga tao sa paligid ko na alam kong totoong concerned sa akin palagi akong napupuna. Later that night when I got home, Dane called me. She was furious. Ewan ko sa kaniya anong problema niya. She keeps on cussing. "Anong problema mo Dane?" Sabi ko sa kabilang linya. "Ikaw Ellie anong problema mo sa akin? Wala akong ginawa sayo. Akala ko kaibigan kita??" Halos maiyak niyang sabi sa akin. "Hey, I don't understand what you're pointing out. Ipaintindi mo sa akin yang galit mo." Mahinahon kong sabi sa kaniya. "Pinaalis ng daddy mo sila mama sa puwesto nila. Alam mo na hindi kami kasing yaman ninyo na kaya gawin lahat para sa gusto niyo lang." May small business sila Dane at ilang years na nilang pinapatakbo itong meat shop na yun. "What? Wala akong alam diyan Dane. Hindi naman ako ang humahawak ng business nila dad and I'm sorry if that happened. I'll talk to daddy." Pag hingi ko ng paumanhin sa kaniya. "Really ha? Eh ang sabi ni mama may away daw kasi ang barkada natin at yun ang suggestion mo na paalisin kami dun? How dare you? Alam mo na kailangan namin ang pera. Wala kayong kunsesya." Umiiyak niyang sabi. "Wala akong sinabing ganiyan. Dane, you know me for years. Hindi ako kailanman nangialam sa business nila dad and never ko naman gagawin yun sa inyo nila tita." Paiyak ko ring sabi. She is accusing me of something na hindi ko kayang gawin. Tahimik na siya sa kabilang linya. Kailangan ko ipaliwanag ito sa kaniya ng personal. "Let's talk personally tomorrow okay?" Sumang ayon naman siya sa akin. Ano nanaman ba ito. Panibagong problema nanaman. When will this end?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD