Fifteen

2102 Words
Nagising ako sa ingay na ng dalawang kaibigan kong nagsisigawan. Ano ba't ang lapit lang naman nila kailangan sumigaw at ang aga pa. Damn, I hate hangovers. Kahit ayoko pa, dinilat ko ang mga mata ko at sinulyapan silang dalawang nagsisigawan. "Wag ka na nga maarte Grey hindi ka model." si sheena na iirap irap na sa nakayukong si grey "Ayoko nga Shee dito na lang muna ako." Si grey naman na muhkang tensyonado "Isa, ano ba may nangyari ba kagabi at ayaw mo bumaba ha? Umamin ka nga?" "Sira ulo ka Sheena Marie!! Nasuka kasi ako kagabi kaya nahihiya ako." putlang putla na siya. Gusto ko matawa pero pinipigilan ko. "Parang nasuka lang. Halika na." sabay hila nito kay Grey na nag susumigaw na "ANO BA??? Walang tulog? What the.. ang aga pa di ba kayo tatahimik?" Iritable kong sigaw sa kanila. "Gaga, 12:30 na anong aga aga, kakain na nakahain na e tayo nalang ho hinihintay." "Ha? Ganoon ba? O sige maliligo lang ako saglit. Mauna na kayong dalawa. Nga pala sinuot ko na to ha?" Sabi ko sinuot ko ang damit ng ate niya habang nagmadali na pumasok ng cr. Minadali ko na dahil nahihiya naman ako magpahintay ng matagal, nag set na daw sila ng lunch. Si Jake umuwi na kagabi hindi daw nakaya ng guilt niya. I am not mad at him medyo na disappoint lang ako dahil best friend niya ako sana nasabi niya sa akin. Paglabas ko naabutan ko pa ang dalawang naghihintay sakin na nagrereklamo na sa gutom. Sabay sabay na kami bumaba sa dining area nila at wow ang daming food. I was about to sit beside Paulo nang biglang inagaw ni Sheena ang upuan ko. "What a feast, after hangovers and stuff haha" natawa ako sa sarili ko. Nakangiwi sila lahat sakin na parang alam nila na pinag mumuhka ko lang masaya yung sarili ko. "What now? Ang weird niyo Leche!" Singhal ko sa mga kasama ko. Naghagikgikan naman sila at halos labas ang mga ngipin nila katatawa. Ang weirdo talaga nitong mga tao. Bakit ba nakasama ko itong mga taong to kagabi! Nang uupo na sana ako sa upuan sa harap ko. "Sorry Ellie, gusto ko malapit sa Kare-kare hehehe" sabi ni Sheena. weird nitong babaeng ito. Natawa naman ang katabi niyang si Paulo at Kendrick. Wala akong choice, naisip ko umupo nalang sa tabi ni august para makapag tabi si grey at Ced haha. Now, I'll play as cupid. Next to Kendrick is Ced tapos si Grey, ako and lastly August. Nagsimula ng kaming kumain at nagvideo call si mommy sakin. Hindi ko na sana sasagutin nang magtext siya. Mommy: Anak, answer the video call. Please Sinagot ko nga ito at tinapat sa mga pagkain sa mesa ang camera at sa mga friends ko. Nagulat si mommy at tumatawa. "Are you not solved last night at may fiesta kayo diyan?" "No mom, August has a business accomplishment yesterday so this is his celebration." "Wow, congrats Augustus. Galing mo talagang bata ka. Oh hi kiddos, Ang gaganda't pogi naman ng mga batang ito." Bati ni mommy "Thank you tita. Kain po tayo!" Nagsipagbatian sila kay mommy at halatang tumigil sila lahat kumain dahil sa tawag na yun. Kakahiya naman. "Ma, we are still eating. We'll talk when I got home okay? Love you" saka ko na pinatay ang video call. My goodness mommy. "She just want to check you out. Ang sweet." August said "I know." Napuno nang tawanan at kwentuhan sa mga nangyari nang nalasing sila kagabi. May dalawang taong tahimik dito na sa pagkain lang naka focus yung attention nila. Hmm they will make a cute couple. Grey deserves someone who will love her back. Sana magtuloy tuloy ito. Natawa ako sa isiping nagpapaka kupido ako pero sarili kong love life nganga. Nag iba ang mood sa table nang napagusapan nanaman ang engagement. I am just hiding my emotions. Ayoko mag breakdown habang kumakain. Napansin ko na titig na titig sakin tong katabi ko. May dumi ba ko sa muhka o ano? Siguro titignan niya lang mga expression ko kung parehas ba kami ng nararamdamang lungkot. Biglang napunta ang usapan sa dalawa. Naninikip nanaman ang dibdib ko. Ito sana ang iniiwasan kong topic eh. Hindi ko pa kaya. "Bagay nga sila eh. Scumbags!" Mataray na sabi ni Sheena "Shee, they are still our friends anyway." Sabi naman ni Ken. "Nakakatawa no? Sila kaya naisip nila yun nung nagdeal sila sa arrangement?" Medyo galit na sinabi ni Paulo "There might be a reason behind this. Ewan ko, kagabi I saw how Mike looked at you." Malungkot na sabi ni Ced na naging kababata ni Mike, nakabaling siya sa akin nang sabihin niya iyon. "Wag mo bigyan ng high hopes yan baka rumupok. Isang suyo lang okay na?" Mataray na utas ni Shee "Sheena, yung bibig mo. Shut it! Ikaw naman yung nagpipilit sa kaniya noon ah hindi ba't ikaw pa yung tulay." sabi naman ni Grey na naiirita na kay Sheena "Haha yun naman pala eh so partly may kasalanan ka." nang iinis si Ced kay Sheena ngayon "Eh kung alam ko lang na ganun eh 'di sana iba nalang nilakad ko sa kaniya grr inis" halatang disappointed siya. "Hoy ganoon ba ko kamartyr sa paningin mo? Sama mo!" Utas ko sinusubukan kong maging tonong masaya pero parang hindi parin. "I think this is not about her feelings anymore, yung ego bilang babae at yung kahihiyan na naloko ka. I feel her. Nakakagago lang e no?" Si August na tulala pa sa plato niya. From a light conversation to something deep and painful. Dapat masayang lunch ito eh pero dahil sa pagka dismaya at lungkot ng mga kaibigan ko nauwi sa malungkot na usapan. After that lunch, hinatid na kami ni August sa bahay. Naiwan na naman ako magisa. Everyone is not here. Great, ngayon pa talaga kung kailan malungkot ako. Umakyat ako sa kwarto ko para ayusin yung mga damit ko na nagulo bago nung party. Nilinis ko narin ang kwarto para pansamantalang makalimutan ang lahat. Malapit na ako matapos at biglang may nahulog na sulat sa mga libro ko. Namuo na ang mga luha sa mata ko, may kung anong kumukurot sa puso ko nang makita ko ito. Alam ko kailangan ko itong pakawalan para mabawasan ang nararamdaman ko. Umupo ako sa sahig at niyakap ang aking mga tuhod. Himagulgol ako sa sakit nang nararamdaman ko. Tutal wala namang tao dito hahayaan ko na. Naglalaro sa isipan ko ang mga ngiti nila habang nasa entablado nung gabing yun. Yung paghalik niya sa pisngi ni tita Adelle at ni Vi. Hindi mabubura sa isipan ko. Kailan pa kaya sila engaged? Isa pa sa nakakabigat ng loob ko ay ang galit niVi sakin. Ewan ko, lumalayo siya sa akin. Dapat ako ang nagagalit sa kaniya ngayon eh pero bakit baliktad? Pakiramdam ko talong talo ako. Napaupo ako sa kama ko ng namataan ang stuffed toy na si MEME. Sumariwa sa isipan ko ang paglabas labas namin noon. Isa sa tumatak sakin ay noong nasa circle kami at kasama sila Vien at August. Kita ko naman na masaya sila sa isa't isa pero hindi ko alam bakit nahantong kami sa ganitong sitwasyon. I am really jealous. Sabi ko na ayoko sa mga fixed marriage pero nung nalaman ko na si Mike pala yun, hiniling ko na sana nga ako nalang yun. Sana ako yung makakasama niya ngayon pero magiging masaya kaya siya kung kami? Natatakot ako sa mga araw na dadaan. Wala nakong ibang hangad pa kung hindi mawala itong sakit na ito. Sumagi sa isip ko yung binanggit ng mga kaibigan ko kanina. Hindi nga kaya baka may reason kung bakit sila na engaged, is it only for show para sa negosyo? Sana nga pero I don't want to have high hopes. Mas lalo lang masakit yon. Naisip ko muli lahat kung paano siya magselos sa iba pag may nagpaparamdam na iba sakin. Yung paraan pano niya ako titigan, pano niya ako halikan. Alam ko na niloko nila kami pero may katiting na pag asa sa puso ko ang naiwan dito na maaayos din ang lahat at babalik kami sa dati. Sana. Naramdaman ko nalang na unti unti na akong pumipikit. Napagod ata sa kakaiyak. Dumaan ang ilang araw na umaasa parin ako sa explanations nila, pero wala man lang. Babaliwin talaga nila ako kakaisip. Hindi na yung apology eh pero yong paliwanag nalang. Isang araw, nalaman ko na nagpunta sa Vien sa bahay para kunin na lahat ng gamit niya. I heard bumili sila ng condo ng mommy niya near her school. Nagkataon na wala ako sa bahay nung nagpunta siya. Nagpaalam daw kila dad at kay mommy. Naiinis na ako. Gusto ko intindihin kaya lang bakit ganun? Binasura yung pagiging kamag anak namin at siya ang pinaka matalik na kaibigan ko. Ayoko parin magalit sa kaniya pero araw araw akong nasasaktan sa kanila. Even Mike didn't send any messages. Parang nakakaloko. Iniisip ko na ginamit niya lang ako para mapalapit sa pinsan ko, sa pamilya namin. Akala ko matino siya. Pinafall lang ako tapos iniwan. Saya no? Gusto ko ilabas yong sama ng loob ko pero nahihiya akong mang-istorbo ng ibang tao. Nagstart na rin ang sessions ng culinary class namin. Alam kong gusto ko ito pero bakit parang wala rito ang interest ko? I should survive. Hay. Isang araw umuwi ako sa bahay nang sobrang drained. May practical exams kami sa short course at napagod ako ng sobra. 16 hours kami nasa kitchen, nagluluto at nagdedecorate. Pag uwi ko sa bahay naabutan ko si mommy at daddy na nasa terrace. Sobrang sweet nila sa isa't isa. They are lucky to have each other. Napansin ata nila ako kaya ngumiti ako sa kanila. Pagpasok ko sa bahay, sinalubong na nila ako ng yakap. "Anak, you look so exhausted. How was it?" Si daddy "It was so tiring pero marami ako natutunan dad." I said it enthusiastically pero matalim ang mga mata ni mommy sa akin. Damn. "Anak, you don't have to do this. You can still back out. Look at yourself. Para kang stressed out sa life mo." Seryosong sabi ng daddy ko. I wanted to tell them but this is a problem that I should solve myself. Ayoko na sila idamay pa. Kaya ko na ito mag isa. "I'll go ahead mom and dad. Maliligo pa po ako. I want to rest na po." "Sure anak, goodnight!" Niyakap at hinalikan nila ako. "I'll take care of her first. Mauna ka na sa taas Rod. Sasamahan ko lang si Ellie." Si mommy. Kinabahan na nga ako. Mommy knows how to make me tell the truth. Shoot! "Okay Darling. I'll wait for you" Tahimik lang ako na umakyat at nasa harap ko si mommy. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Maligo ka muna anak. I'll wait for you here." "Okay mommy. Sandali lang po ako." Sabi ko. "Take your time." Maganda ang ngiti niya sa akin. Naligo ako ng mabilis dahil naghihintay si mommy sa akin. Paglabas ko, hawak niya na ang blower at sinabihan ako na umupo sa harap ng vanity table ko. "How are you?" Tanong niya. "I'm fine po." Nginitian ko siya sa salamin. "Anak, alam ko kung kailan ka okay at hindi." "Mommy.." naguguluhan ako. Naguumpisa na mamuo ang mga luha ko. Alam kong nakita niya iyon. Nagkusa narin tumulo ang mga luhang pinakatatago ko. Bigla akong niyakap ni Mommy at hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. Nag diretso ang iyak ko. Hinihimas niya lang ako sa likod habang nakayakap. I felt better. Ang sarap sa pakiramdam. "You can tell me your problem, whenever you are ready. Whatever it is anak. It may be your friends, school or love life. I won't judge you love. You know I am always here." Hinayaan niya lang akong ilabas ang sama ng loob ko. I am still hesitant to tell her. Nahihiya ako and besides, hindi ko pa nasabi na may boyfriend na ako. "Somewhere, over the rainbow.. blue birds fly. Birds fly over the rainbow.. Why then oh why can't I?" ?? Kumanta si mommy at para akong hinehele. "Remember when you were young and you were crying?" Teary eyed din si mommy. "Yes po. You would sing that song for me tapos tatahan na ako. It still worked mom. Thank you" I hugged her tight and kissed her chick. "Goodnight anak. Mommy loves you so much okay?" Malambing niyang pag aro sa akin. Gumaan ang pakiramdam ko. I still got mom. Hindi parin ako talo. Sila yong nagpapa alala sakin na lumaban lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD