Nang dumating na kami sa bahay nila Sheena ay agad na kumontra ang mommy nito na duon uminom dahil nandoon ang relatives ng daddy niya. Nagbago ang plano at napag usapan namin kila August nalang nga kami mag Palipas ng oras. Nang hiram nalang kami ng damit kay sheena dahil nakakahiya naman kung magpapadrive pa kami sa bahay at magpahintay. Sinuot ko nalang ang maong shorts niya at sandong black. Si Grey ay nag sleeveless blouse at leggings. Syempre si Sheena naka spaghetti strap dress.
Lumabas kami ng kwarto at si August nalang ang naabutan namin doon. Sabi niya nauna na daw mga kaibigan niya doon sa kanila. Sinipat niya kami ng tingin at kumunot ang noo nito.
"Hoy Sheena Marie inuman to sa bahay lang bakit ganyan suot?! Ano ba" galit niyang sabi at halatang nawalan ng pasensya.
"Ano ba damit lang to. Wag kang OA.."
Pagtitol naman ni Sheena sa pinsan niya.
"Gusto ba pag pyestahan ng mga manyak na yun? Magsuot kayo katulad kay Grey damn!"
"Mga kaibigan natin yun kuya. Oh edi wag na hindi na kami sasama bwisit"
Sinamaan ng tingin ni August ang pinsan niya.
"Sinasabi ko sayo pag nalasing ka itatapon nalang kita. Wag ka maharot"
Bandang huli wala ring choice si August kung hindi ang pagbigyan ang pinsan niya. Gusto ko man tumawa eh napaka seryoso ni August sa pag drive.
Dumating na kami sa bahay nila at naabutan na namin ng bahay sila Jake, Ced, Kendrick and Paulo. Umiinom na ng beer sa garden.
Kumuha si Sheena ng beer at binigyan kami ng tig isang bote. Si grey kahit hindi naman talaga umiinom nakisali nalang sasabayan niya daw kami ngayon dahil kailangan ko raw ng karamay.
"Cheers to the happy hearts." Tinaas ko ang bote ko at sinunod naman ng dalawa.
"And cheers to us!" Nakipag cheers narin si August na nasa likod ko. Nagulat ako doon. Nilagok namin yung bote.
Nag hard drink pa ang mga boys at muhkang tinatamaan na nga sila. 2 am na at lasing na lasing na. Nakatulog na sa kwarto ni August. Sa dami naman ng guest rooms dito dun pa talaga sila natulog. Si sheena naman lasing na lasing na. Binuhat na siya ni August papunta sa guest room kung saan kami matutulog. Si Grey ay matino pa kasi di pa naman niya naubos yung isang bote na kanina pa niya hawak. Naiwan kaming dalawa sa pool side.
"Ellie, nabigla ako doon. Ano man ang mangyari nasa tabi mo ako. Mahal kita." Naluluha na sinabi ni Grey habang niyayakap ako. Pinipigilan ko ang iyak ko. Ayoko maawa siya sakin. Mas malakas ako kumapara sa kaniya, dapat ako ang nagbibigay ng lakas sa kaniya eh. Huminga ako ng malalim para pigilan ang mga luhang nagbadyang tumulo nanaman.
"Salamat Grey. Ayoko na umiyak wala naman ding magagawa pagiyak ko." Nakatulala kong sinabi sa kawalan
Naramdaman ko na may tao sa likod namin. Nilingon ko ito at nakita ko si August na may dalang tatlong beer pa.
"Wag mo pigilan ang luha mo ilabas mo yan. Pag naubos na ang luha mo kusang mapapagod ang mga mata mo. Matututo ang isip mo at mamumuhay ng maayos ang puso mo."
Inabot niya sa akin ang isang bote ng beer. Kinuha ko ito. Tama naman siya eh.
"Ganyan ka pala kalalim kuya ha." Tumatawa si Grey kaya natawa narin kami.
"Pag may pinaghuhugutan siguro. Nasaktan din ako. Alam ko na mangyayari ito. Nagpunta ako dun dahil alam kong mararamdaman mo yan ngayon Ellie." Umiwas ng tingin si August at nilagok na ang beer na hawak niya. Ginawa ko rin ang ginawa niya.
"Alam mo na to?" Nagtatakang tanong ko kay August. Alam niya na? kailan pa?
Wow!
Tumango siya at nanahimik. Hindi ko na rin siya kinulit muna. Nilagok ko nalang din kung ano pa ang natitira sa bote ko. Kulang pa ito para mapawi lahat ng nararamdaman ko. Kumuha pa si Grey sa ref ng apat na bote ng beer.
Paghatid niya ng beer, nagpaalam si Grey na aakyat na dahil nahihilo daw. Hinatid ni August sa kwarto kung nasan si Sheena. Napaka gentleman naman neto. Aba't sinayang ni Vien. Kawawang August.
Matagal ako naiwan magisa. Naramdaman ko na kusa nanaman bumagsak ang mga luha ko. Ininom ko ng ininom ang mga beer doon. Naka tatlong bote pa ako. Ang tagal naman mapagod ng mga mata ko!
"Ganyan nga ilabas mo yan" sumingit si August at siniksik ang sarili niya sakin.
"Ano ba, kanina kapa ba nandiyan? Kainis to pinagtatawanan mo pa ako." Sabay punas ng mga luha ko.
"Oo. Kailangan mo kasi ng oras magisa Ellie. Natapos na ako sa ganyan. Remember nung sinundo kita? Doon niya lang sinabi sakin na hindi niya ako pwedeng mahalin. Ikakasal na daw siya sa iba" yumuko siya at tumingin sa mga paa niyang nakalubog sa pool.
"Kingina no? Sinagot kana ba niya?" Tanong ko sakanya
Umiling lang siya. At biglang nag salita. "Nag aalanganin din ako sumubok sak kaniya. Ayoko ng seryosong relasyon. You know me, kaya puro flings lang ginagawa ko. Nasaktan din ako pero, sandali lang ito. Hindi ko siya mahal na mahal. Walang ganun."
Tumunog ang telepono ko at nakita ko ang text ni Jake.
Jake:
Best, may kasalanan din ako sayo. Gusto ko sabihin sayo ng personal kaya lang baka magalit ka sakin ng husto. Sinubukan ko naman na pigilan siya kaya lang hindi na daw niya kayang icall off. Pipigilan niya daw yun pero hindi yata nangyari. Best patawarin mo ako. ?
Napahagulgol ako ng sobra. Alam nila pero ako hindi ko alam. Hay. Pinakita ko kay August yung text.
"Sinabi ko naman sa kaniya wag niya sisihin sarili niya sa lahat. Malungkot din si Jake ngayon. Sila may kasalanan nito. Gago si Mike."
Hinayaan ko nalang na murahin niya yung taong mahal ko. Kahit ako gusto ko siyang awayin ngayon.
"Pano nag sink in sayo?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Wala. Maganda nga hindi lumalim yung samahan namin kasi maiiwan akong hulog na hulog kung nagkataon. It's not really something special."
"Parang ako? Tss"
"Kayo na nga."
"Oo. Matagal na siya nanunuyo dalawang taon din, sinagot ko last year."
"Alam ko. Hindi tanong yun"
"Ang sungit mo noh?" alam ko may tama na ako sinusingitan niya ko eh. Gagantihan kita haha
Tinulak ko siya ng buong pwersa sa pool at pag ahon niya tinitigan niya ko ng masama. Automatiko ako nagtaas ng kamay at sumenyas ng PEACE! Letse, hindi parin siya natinag. Nang iaangat ko na sana ang mga paa ko sa pool ay naramdaman ko na nakahawak na siya sa mga paa ko. Mabilis niya akong hinila sa paa at nakaligo ako ng wala sa oras. Pag ahon ko, rinig na rinig ko ang tawa niya. Hinabol habol ko siya sa pool, gusto ko siya lunurin. Bandang huli ako na ang hinahabol niya. Nagkakakawag kawag kami sa tubig. Malamig na ang tubig dahil madaling araw na. Naramdam ko na nang nasa tabi ko na siya, nagkatinginan kami at natawa nalang kami sa itsura namin na nangangatog na sa lamig.
Nagulat ako nang bigla siyang umahon sa pool at nawala sa paningin ko. Sinubukan ko ulit na sumisid at lumangoy sa tubig. Hindi mawala sa isip ko ang pinsan ko at ang boyfriend ko na ikakasal na. Nainis ako umahon na ako at nagulat ako na nandoon na pala si August nagaabang at hinihintay ako matapos.
"Akalo ko di ka na aahon. Tagal mo mag emote!"
"Baliw! Sinubukan ko lang alisin sila sa utak ko. Lintik pati yata yung tubig tinataksil ako." Sabi ko sa kaniya habang kinukuha ang tuwalya.
"Hindi pinipilit yan, kusa yang mawawala." Binalot niya ako ng makapal na tuwalya.
"Ay s**t, wala pala akong damit. Ano ba kasi bakit mo ba ako hinila tsk!" Inis na sabi ko sa kaniya ng maalala ko wala akong dalang extra.
"Alam ko meron si Shyla at Sheena dyan sa guest room niyo. Nung nakaraan kasi nagiwan sila ng damit doon. You can use that for sure." Casual na sabi niya.
Umakyat na kami sa taas para makapag bihis. Pumasok ako sa kwarto namin at naligo na. Naghanap ako ng damit sa closet at tama siya, may damit yung magkapatid dito. Nagpatuyo ako ng buhok at naalala ko yung cellphone ko naiwan sa table malapit sa pool. Nagmadali akong bumaba at nakita ko ang phone ko. Aktong papasok ako sa loob ay nakita ko si Ced.
"Uy, gising kapa? Kape tayo." Pag aya niya sa akin. Muhkang nagpapawala ng tama.
"Salamat, tubig nalang ako." Kumuha Ako ng tubig sa ref nila medyo naginhawaan ang pakiramdam ko. Aalis na sana ako nang nilingon niya ako.
"Pwede bako magtanong Ellie?" Si Ced
"Of course. Ano ba yun?" Curious ako sa tanong niya.
"Ahh.. Si Graciella" kitang kita kong namula yong pisngi niya.
"Ano si Grey, Ced?" Nanliliit ang tingin ko sa kaniya
"W-wala ba siyang N-nabanggit?" Nauutal pa nga.
"Hmm.. nako ikaw ha?" naisip ko siyang asarin. Ano kaya nangyari. Let's see.
"Ellie, sorry na. Pakisabi rin sa kaniya. Hindi ko naman sinadya nagkataon lang na nadala ako." nanlaki ang mata ko sa mga sinasabi niya. Anong nangyari??
"Ikwento mo pano nangyari bago kita husgahan ngayon. Bilis!" kunwari galit ako pero hindi naman talaga.
"Nagkasalubong kasi kami kanina sa hallway sa taas. Nabangga ko siya. Lumapit kami sa isa't isa. Bigla nalang parang may magnet yung ganun tapos naghalikan kami. Sorry na" nakatingin siya sakin ng nagsusumamo. Natawa ako bigla. Hindi ko mapigilan yung tawa ko.
"Hoy, bakit tinatawanan mo ako grabe ito." Habang nangangamot siya.
"Sorry na, ang cute kasi eh. Masaya ako." masaya talaga ako dahil muhkang may mabubuong love team. Magiging masaya ako kay Grey if ever.
"Ahem.. saya niyo yata nakakaistorbo ako. Excuse me." si August
"Ah hindi naman pre may pinagusapan lang kami. Akyat nako Ellie. Good night!"
"Sweet dreams. For sure hindi ka makakatulog hahaha"
Umakyat na nga si Ced at naiwan kaming dalawa ni August. Inaya niya ako kumain ng snack, pumayag naman ako. Pinapanood ko siya habang gumagawa ng sandwich. Hindi rin siguro makatulog itong isang ito.
"Hindi ka rin makatulog?" Tanong ko sa kaniya
"Oo e, sakto pagbaba ko kinikilig ka kay Ced tawa ka ng tawa." Nakabusangot niyang sabi
"Sira ulo mo. Natatawa lang ako. Nag kiss daw sila ni Grey. Wag ka maingay. Iship ko kaya sila?" Di ko napigilan matawa.
"Nako, ikaw talaga. Mangyayari yun kung naka tadhana." Bahaygya siyang natawa.
"Haha tadhana talaga? Ewan ko sayo."
"Why? You don't believe in tadhana?" Takang tanong niya.
"Hmm hindi eh. You are still the one in charge with your destiny."
"So meaning, you can still change your destiny?"
"I believe so."
"With your situation?"
"God! Ayan nanaman. Nakalimutan ko na nga you brought it up again."
"Seriously asking."
"No, I won't meddle. Masaya si Vi masaya na rin ako. I'll let them be."
Kitang kita ko namang napangiti siya. Weirdo talaga to.
Nilapag niya na ang tuna sandwich na ginawa niya. Pag tapos namin kumain ay umakyat na kami para matulog. Well, ilang hours nalang ang ipapahinga ko dahil mamaya uuwi nako. Bago pa man ako makapasok sa loob ng guest room.
"Thank you for coming here."
"No, Thank you for making me happy tonight."
"I guess not only for tonight, I'll make sure of that. Goodnight!" mabilis niya akong hinalikan sa noo. Umakyat lahat ng dugo ko sa muhka pero mabilis din ako nalungkot naalala ko si Mike na ginagawa sakin yung mga simpleng gestures na ganoon.
What is the meaning of that? Well, masyado yata akong assuming. Siguro that is just to make me feel comfortable.
Luckily, I got someone who is willing to listen to all my rants. Medyo gumaan ang pakiramdam ko pag kasama ko sila. Masakit parin syempre fresh padin eh.
I checked my phone. Ang daming notifications from different social media. Napako ang mata ko sa messenger. Messages galing kay Mike. Hindi ko pa kayang kausapin siya. I turned my phone off.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto at sinubukan pumikit. Nagdasal ako na mapagod na ang puso ko at mata ko, na sana pag gising ko ay okay na ako.