Thirteen

2057 Words
Nagising ako ng mabigat parin yung pakiramdam ko. I jogged outside to get rid of the uneasiness that I am feeling. I should start my day right. Agad ako sinalubong ni Dad at inaya mag breakfast. Nalaman ko na may pupuntahan sila nila Vien at mga tito niya sa Province to assess yung work around ng business nila. Mailap si Vien sa akin. Hindi ko alam pano ko ba siya maabutan sa bahay. Hindi ko sure saan siya naglalagi ngayon. Minsan hindi siya natutulog sa bahay. Pag tinatanong ko naman kay Dad nandoon daw sa mga tita at tito nito tumutuloy para narin daw matuto siya sa business nila. I texted her instead. To Vien: Hi cous, galit kaba sa akin? You are not talking to me anymore. I miss you. Maybe you need space. Love you. Lumipas ang isang linggo at wala pa rin siyang reply sa mga messages ko. I even commented on some of her posts in IG and sss pero hindi parin ako pansin. Baka naguguluhan lang siya at kailangan niya ng time para sa sarili niya. Back to school na ulit kami medyo light ang subjects ko dahil halos puro minor at dalawang major subjects lang. Mas marami akong free time. Naging abala kami sa pag send out ng mga invitations sa upcoming party ni Daddy. Mga friends, relatives and close business partners ang invited na gaganapin sa makalawa. Gaganapin ito sa isang hotel sa Manila at may Pre-Launching daw si Tita Adelle para sa new business nito baka sakali daw makakuha ng investors doon. I decided to go to the mall today. Naghahanap ako ngmakakasama. Si Jake ang inaya ko. I need a guy's perspective kasi bibili ako ng gift para kay Dad. Mahilig siya sa relo pero halos naman nasa kaniya na ang lahat eh. Last na binili niya two weeks ago, it is worth 125k. "Eh kung costumized watch nalang kaya ipagawa mo? Yung friend ko gumagawa ng ganoon. Hindi kasing mahal ng relo ng daddy mo pero for sure pinaka memorable yon." Suggestion ni Jake. Napaisip ako. True enough. Si daddy pa. Maliit na bagay basta galing sa akin masaya na siya. Lumipas ang araw at ngayong gabi na gaganapin ang birthday ni Dad. Formal ang suot namin dahil sa mga business partners niya. Maganda ang gown na suot ko ngayon. Ipina design ni mom ang gown namin nila ate Inah kay Hugo kaya paniguradong maganda. Kulay Maroon na halter dress na maiksi sa harap pero lumalaylay sa sahig ang haba nito sa likod. I invited my friends here pero si Sheena lang at Grey lang ang pumunta. Si Kaye ay nasa hospital binabantayan ang kapatid niyang si Kean. Si Dane naman ay may lakad. Magkakasama sila sa table pati sina August, Paulo, Ced Kendrick, Jake at maging si Michael ay nandoon din pala. Mamaya ko nalang sila lalapitan. The Master of Ceremony greeted us on stage masaya ang aura niya. Napapatawa niya ang mga tao. He's gay and he has a good humor. Binati at niloko niya pa si daddy na akala daw binata ito. May performance din galing kay Vien. Kakanta siya para kay dad. Ang ganda din niya ngayong gabi sumigaw pa kami para icheer siya pero hindi man lang niya kami tinapunan ng tingin. Nag umpisa na siya kumanta habang tumutugtog ng Keyboard. Ang galing niya talaga. Ang lamig ng boses niya. Masaya si daddy pag kumakanta si Vi dahil namana daw nito kay lola ang boses nito. Natapos ang performance at habang kumakain ay umikot muna kami nila mommy sa mga tables para kamustahin ang mga guests. Nagpunta ako sa table nila Grey. Bumeso at yumakap ako sa kanila ni Sheena. Binati ko rin ang ibang kasama nila sa table. Napansin kong wala si Mike doon. Hinahanap siya ng mata ko. Kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan siya pero nakatanggap ako ng text sakanya. Mike: Hi. I am breaking up with you. I'm sorry. I really sorry I need to do this. Halos madurog ang puso ko sa nabasa ko. Tangina.. maayos naman kami nung nakaraan. Inintindi ko naman yung pagka busy niya. Napansin ni Sheena na nagtubig ang mata ko habang nakatingin sa cellphone ko. Inagaw niya ito sakin, wala akong magawa hindi ko mabawi sa kaniya dahil nanghihina ako. Bakit ngayon pa birthday ni dad. What the hell... Agad akong hinila ng dalawa sa rest room. Niyakap ako ni Grey. Hindi ako nagsalita pero lumuluha na 'ko. Ganito pala yung sinasabi nila na masasaktan lang din naman sa huli. Galit si Sheena at paulit ulit na nagmumura. May kumatok sa pinto ng restroom. Agad kong pinahid ang luha ko at umayos ako ng tayo. Binuksan ni Sheena ang pinto at pumasok si ate Inah. "Hi girls! You should hurry up. Mamaya maya mag start na yung pre-launching ng business ni tita, organic skin care yun kaya maganda. Ngayon din ata ipapakilala ni Tita Adelle ang fiance ni Vien." Sabi ni ate Inah "Talaga ate? Sige po una na kami." Inaya ko na ang dalawa para naman masuportahan ko sila tita sa product nila at makilala ang fiance ni Vi. Gusto ko rin makita kung nandoon na rin si Mike. Lumabas na kami at tinawag ako ni Daddy para umupo na daw ako sa table nila. Naguusap sila sa after party. Si kuya Bob at ate Inah ay diretso na uuwi para kay baby Omarion. Si kuya Rye may get together sa mga friends niya nung college. "Ikaw anak, wala kabang after party?" Tanong ni dad. "Daddy, pauwiin nalang natin. She's still young para mag party." si kuya Bob "Anak, She's 19 already. Let's give her freedom, I'm sure she'll be responsible for herself." Naka ngiting ngiti sakin si daddy. I smiled at him back. Wala na nagawa si Kuya Bob at sinabihan nalang ako na magiingat at magtext from time to time sa kanila. Nagpaalam ako na pupunta lang kami kila Sheena para sa slumber party nila Grey pumayag naman sila basta tatawag ako. Ang lungkot ko kanina ay napalitan ng tuwa kahit papano. Nag salita ulit ang MC at tinawag kami isa isang pamilya niya para magbigay ng greetings and speech. Nauna si tita Adelle at Vien. Sumunod naman si Mommy tapos sila kuya at pang huli ako. Halos maiyak iyak ako sa speech ko. Hindi ko alam kung dahil na sa break up o dahil kay Daddy. Pagkatapos namin sa stage umakyat ulit ang MC at tinawag si Tita Adelle. Nagumpisa niyang kinuwento ang history ng company nila ng asawa niya at kung paano nila pinanatiling malakas kahit nawala na si tito. Pinakilala na nila ang bagong produkto nila. May lotion, moisturizer, toner, cream at soap. Maganda dahil organic at wala masyadong chemicals na inilagay. I would personally buy those. Nagpalak pakan ang mga tao at susunod ay pinakilala niya na si Vien sa mga tao doon. Nagulat ako at tinawag niya rin ang kaniyang kaibigan na si Mr and Mrs. Buenavista sa stage. I didn't even notice that they are here. "As you can see, these are my business partners s***h friends. My vien here is already engaged to a Buenavista. Right kumpadre?" Masaya ang ngiti ni tita. Medyo nakangiti na rin si Vien. "Hello everyone, Mr Lagdameo happiest birthday, man." bati niya kay daddy na ngiting ngiti ngayon "Buenavista and Perez will merge in due time. May we call on George Michael Flores Buenavista on stage please'' tawag ni tita Adelle sa mic. Literal na nanlamig ang buong katawan ko. Tumigil sa pagtibok ang puso ko. Ayoko tanggapin hanggang hindi ko pa naririnig. Hindi pwede ito. Kitang kita ng dalawang mata ko na umakyat si Mike sa stage humalik kay Mr and Mrs Buenavista, kay tita at panghuli kay Vien. "Everyone, this man right here is my son and my successor. We are happy to announce that George Michael and Vivienne Scarlet is now engaged and will eventually tie the knot. We are hoping for your support on our future business ventures. Good night!" Lumabo na ang mata ko sa luha at nanatili akong nakatayo sa lamesa namin. Gusto ko nang ilabas lahat ng sakit ng loob ko. Oo nga pala malaking businessman din ang daddy niya at may step mom hindi ko nahalata ito sa una dahil hindi niya gamit ang apelyido ng tatay niya. Kusa ng tumulo ang luha ko. Wala na. This js so heartbreaking. Ginago ba nila ako? Was this a skit? Bullsh*t kahit joke ito masakit padin. Kaya ba nila ako iniiwasan dalawa?? They should have told me. Maiintindihan ko naman. "Thank you for joining us everyone. Once again Happy birthday Mr Lagdameo." Sabi ng MC Hinang hina ang tuhod ko. Napatingin ako sa pamilya ko na masayang nakikipag batian sa mga guests. Naramdaman ko na may yumakap na dalawang kaibigan ko sa likod ko. Pinahid nila ang luha ko. "Breathe in, Breathe out be." Sinunod ko naman ang sinabi ni Grey at pinaulit ulit lang ito. "Gusto ko na umalis dito Shee. Tara." Nagsusumamo ako sa mga kaibigan ko. Namumuo nanaman ang mga luha ko. Nakakahiya na. "Bess no. Hindi lang ikaw ang nasaktan dito. Wag mo ipakita na nasasaktan ka please!" si Sheena na pinapalakas ang loob ko. "I'll help you. Nasa tabi mo lang ako. Wag na wag mo ipapakita yung sakit sa mga gagong yan. They don't deserve it!" Si August na pinipilit ang ngiti sakin. "We are here too.." si Ced at mga kaibigan ''See? You're not gonna be alone fighting. Ipapaalam ka na namin sa parents mo." Si Sheena na ang nagsalita. Naglakad kami papunta sa may table nila daddy malapit sa stage. Ayoko na sana lumapit pero itong mga kaibigan ko ay diretso ang lakad papunta sa gawi nila. Kausap nila dad ang mga Buenavista at sila tita Adelle. "Smile. Fake it 'til you make it" bulong ni August. Tumango nalang ako at ngumiti. "Tito, happy birthday!" Bati ni August kay daddy. Sumunod na bumati sila Grey at Sheena pati narin ang ibang kaibigan namin. "Augustus anak salamat. Nag-enjoy ba kayo?" Tanong ni dad "Teka, aalis ba kayo pare? Hindu ka sasama samin?" Tanong ni kuya Rye "Hindi muna pare. My cousin right here is problematic. Dadamayan ko muna broken hearted yata eh." Alam kong sinadya niyang lakasan yun. Napataas ang kilay ko at tinignan siya ng masama. He just smirked. "Tito, Isasama po namin si Elle samin mag movie marathon lang kami tapos samin na po siya matutulog." Pinaalam ako ni sheena kila dad. "Ihahatid ko nalang po sila. Ako narin po maghahatid sa kaniya ulit pauwi sainyo bukas tito.'' singit ni August. Bigla akong kinabahan dahil napalingon si Kuya Bob pero siniko lang siya ni Kuya Rye na naka ngiti. Ano yun? "Oh, sure no problem. Enjoy ija, I know you've been through a lot. I trust you August. Ingat!" Hinalikan ako ni daddy at mommy pati narin si Grey at Sheena. Nakita kong may binulong pa si Kuya Rye na kina tawa pa ng dalawa. Ang weird! Nagpapaalam na kami sa lahat. Kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang matalas na tingin ni Vien at Mike sakin. Bakit sila pa galit? Ako ang niloko nila! "Congratulations on your engagement by the way. We'll go ahead." Baling ni August bago pa kami makatalikod sa kanila. Gulat ang nakita ko sa muhka ng dalawa. Kitang kita ko ang pag pikit ni Mike habang paalis na kami. Nang makalabas na kami ay kusa nanaman nang tumulo ang luha ko. Wala na hindi ko na mapigil. Ang sakit pala talaga mag-mahal. May nag-abot sakin ng panyo. Kulay puti ito at may sesame street na print. Takte bata? Haha natawa ako bigla "There. Ang ganda mo pag nakangiti. You shouldn't cry over someone who is not worth it. Know your worth Lady!" Nag angat ako ng tingin sa lalaki na to. Kitang kitang naka polo ito at naka jeans na black. Malinis at gwapo din. Umalis na siya at sumakay sa kotse niya.. Dumating na ang mga kaibigan ko at sumakay na kami sa kotse. Natatawa ako sa panyo na ito. Kahit anong sakit na naramdaman ko ngayong gabi dahil sa panyo na ito nabawasan. Naalala ko ng kabataan ko, umiiyak lang ako pag nililipat nila Kuya ang pinapanood kong Sesame Street. Ngayon, marami pa palang bagay na mas makakapag paiyak sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD