Lumipas ang new year at kailangan na ulit bumalik nila Kuya Bob sa sarili nilang bahay at pati narin si Tita Adelle na nag therapy sa states.
Back to school na rin kami at busy parin as always sa projects and reports. Akala ko petiks lang ang Business Ad. Medyo toxic din pala. Kakaloka ang math!
Ngayong summer ay nagpunta kami ng Boracay kasama ang buong family except si tita. May business partner din kasi sima mommy na nag celebrate ng golden anniversary nila doon kaya sinakto nalang din para sa bonding ng family namin.
Nang matapos na ang second semester ng first year nag ready narin ako gusto ko kumuha ng sessions sa short course sa Center for Culinary arts. Nagpunta ako doon para mag inquire. Nag explain na sakin ang tuition and requirements tinawagan ko agad si mommy. Sana lang tulungan niya ako kay daddy.
Isa sa passion ko ang pagluto. Nung bata kasi ako lagi ko pinapanood si Dad magluto . My dad cooks so good. Hindi na siya masyadong nakakapagluto dahil sobrang busy niya sa business niya. Before, nagpaplano siya mag put up ng restaurant pero ginive up niya yon dahil ayaw ni mommy. I don't know why.
Nagtext ako kay Mike na pauwi na ako galing CCA katipunan pero wala siyang reply. I guess may importanteng ginagawa yon. Naghintay ako ng taxi para umuwi na pero laging occupied. Nakakangawit na. Naramdaman kong pumapatak na ang ulan at sakto labasan na ng uwi ng mga taga estudyante ng katipunan. s**t! Narealize kong wala pala akong dalang payong. Tinatawagan ko si Daddy or si Kuya Rye pero hindi nila sinasagot ang phone nila. Si Vien naman chineck ang business na iniwan ng daddy niya sa Bulacan. Halos 30 minutes nako naghihintay dito. Sakto naman nagring ang phone ko.
"Bessy, nasan ka? I need you!" Sumisigaw si Sheena sa kabilang line. Ano ba problema nito.
"Duh? I am stuck here in Katipunan. Wala akong masakyan lahat ng tinawagan ko busy or unattended. Ano problema mo?"
"What? Teka nakita ko yung post ng pinsan ko nandiyan din siya. Tawagan kita ulit bye" what the hell? Binabaan ako.
Bago ko pa mailagay ang phone ko sa bag nagring ulit ito.
"Hey"
"Diyan ka lang sa starbucks papunta na si August diyan. Swerte mo girl nasa UP na siya pero babalik nalang daw to fetch you."
"Nako nakakahiya naman. Nang istorbo pa ako."
"Arte mo girl! Thank me when we meet" Tumawa siya sa kabilang linya saka na binaba ito.
Ilang minuto lang nakita ko na ang montero sport na nag park malapit sa shed. Nang akmang tatakbo na ako sa passenger seat bumaba na siya ng sasakyan at may dalang payong. Pinasakay niya muna ako saka siya sumakay sa driver's seat.
"Goodness, thanks you're here. Akala ko mamayang 8pm pako makakauwi eh." Nilagay ko na ang seatbelt ko. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin din siya sakin pero mabilis nagiwas ng tingin.
"Yeah, buti malapit pa ako. He really is a dork!" Nakasimangot niyang sabi. Napakaseryoso naman nito.
"Ahm, busy kasi siya sa field study eh. I understand him."
"Really?" Bahagyang nakataas pa ang kilay niya. Sungit.
"Oo daw eh. Anyway, pasensiya na sa abala ha? Babawi ako sayo." Sabi ko sa kaniya. Bahagyang nangiti naman siya.
Hindi na siya umimik pa. Buong byahe pauwi ay tahimik siya. Baka wala talaga siya sa mood. Hindi ko na dapat inistorbo ito. Napansin kong tumigil ang sasakyan niya dahil traffic papunta samin.
"Okay na ako dito August. Sorry kung naistorbo kita. Thank you!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko halata ko kasi na naiinis siya.
Nabigla ako ng hinawakan niya ko sa palapulsuhan ko pagkatapos niyang huminga ng malalim.
"Hey, I'm sorry. Hindi ako galit sayo. I'm sorry. Hindi ka istorbo Ellie. Look, preoccupied lang yung isip ko." Bawi niya sakin at binigyan ako ng apologetic smile.
"Sure? Maybe you just had a tough day." I smiled back
"You can say that!" Unti unting sumilay yung maganda niyang ngiti na labas ang mapuputu niyang ngipin. Ang sarap tignan pag todo ngiti siya. Nakakatakot naman kasi siya pag serious mode eh.
Nakarating na kami sa bahay at nakita kong nag papark si kuya Rye muhkang kararating lang sa bahay. Bumaba ako ng sasakyan at tinitignan niya kung sino ang sinakyan ko. Matalim ang tingin niya sakin. Nawala sa isip ko na andito nga pala sila. Oh no!
"Brother!" tuluyan na palang nakababa si August sa sasakyan and next thing I knew naiwan ako sa labas. Inaya na pala ni kuya sa loob ng bahay. It turned out, ako ang outcast.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita kong nakaupo na sila sa couch. Nag mano ako kila Dad at Mom.
Kinakabahan ako baka kung anong maisip nila. Baka paghigpitan ako ng parents ko.
Nahihiya pa akong masermon sa harap ni August.
"Thank you August sa paghatid buti nalang at malapit ka lang doon." sabi ni Kuya Rye
"I called you kuya and even you dad unattended. Buti tumawag si Sheena at naitanong kung nasan ako." May himig na tampo.
"You are related to Sheena August?" Tanong ni mommy sabi niya eh medyo hawig daw sila. Sinabi ni August na mag pinsan sila sa side ng mother niya.
Medyo humaba ang kwentuhan nila at nakikinig lang ako. Napaka business minded nila, ako lang yata ang hindi masyado.
"Dito kana mag dinner Iho. Salamat sa paghatid sa anak ko." Biglang sabi ni daddy. Gusto sanang tumanggi ni August dahil nahihiya siguro pero wala na siyang choice mapilit sila Dad. Agad naman sila nagpaprepare ng food.
Naghanda lang si manang ng chicken afritada at inihaw na baboy. Nag kwentuhan nanaman sila about sa expansion nila sa negosyo. Si August kasi ang nag-iisang tagapag mana ng mga negosyo nila. 4th year na kasi siya. Graduating na. Naibida rin ni daddy na magaling si Kuya Rye sa paghawak ng business ngayon.
Hindi pa sila natapos sa kwentuhan at nag aya pa si kuya Rye na uminom daw muna ng beer para maka pag catch up silang dalawa. Sumama na rin si daddy sa kanila.
Umakyat na ako ng kwarto at nagbihis na ng pantulog. Tinapos ko nang ayusin ang requirements ko para sa CCA. Naisipan kong kumuha ng tubig sa ref. Bumaba ako sa kitchen at naririnig ko ang tawanan nila sa backyard. Sumilip ako at nakita kong andoon pa silang tatlo. Nakakarami na sila! My gosh.
"Uy kuya uuwi pa yan. Inistorbo ko na nga nilasing niyo pa." Pagbawal ko kay kuya habang inaabutan pa nila ng beer. Mag drive pa siya pauwi at napakadelikado nun.
"Iha take a rest. This is a boys night out." Si daddy na namumungay na ang mata.
"No, Daddy umakyat kana halika na. Ihahatid na kita. Sila nalang dyan, you are too old for that." Natawa din ako kay dad.
"Pinapaakyat na ako ng prinsesa ko, August. Thanks for bringing her home. Rye, dito mo nalang sa guest room patulugin yan delikado pa magdrive. Goodnight guys!"
"Thank you tito. Goodnight po!" si August naman ay bumati sa kaniya.
Giniya ko na si daddy papunta sa kwarto. Ang kulit niya talaga ngayon ko nalang ulit siya nakitang nalasing. Childish side ni daddy. Cute! My mom is really lucky to have him. Gwapo, responsable at mabait.
Ang bigat niya, He's losing his balance.
"Mom, open the door please." sigaw ko sa pintuan nila mommy. Ilang beses pa ako kumatok sa pintuan nila.
"Rodante, ano ba at naglasing ka!" Inalalayan namin ni mommy si dad at pinainom ng tubig. He kissed mom. How sweet!
"I just want to feel young again like them haha. I like that man's principle." Si August ang tinutukoy niya.
"Gusto ko yata mag arrange ng marriage sa inyo anak." Nangaasar si Dad. Tumawa ng malakas. Naiinis ako. May iba akong mahal.
"Daddy!!! Don't start! God, mommy goodnight!" parang nanlamig ang katawan ko. Ayoko ng ganoon. Isa pa gusto ni Vien yun.
"Anak biro lang. Hindi ako ang tita Adelle mo. I won't t*****e you." Nakahinga ako ng malalim doon.
"I love you daddy, mom'' niyakap ko sila bago ako lumabas ng kwarto. Iniisip ko na sana katulad ni Dad yung future husband ko. Hindi naman malayo si Mike sa kaniya.
Tuluyan na akong lumabas ng kwarto nila at diretso na akong pumasok sa kwarto ko para magrest. Mag iisang oras na ako nakahiga pero di pa rin ako makatulog. Naisip ko tignan ang phone ko. Wala man lang text messages kahit isa.
Tinawagan ko nalang si Sheena dahil bored ako. Sana gising pa itong bruhang ito. Dalawang beses ko dinial ang number niya pero hindi sinasagot. Tulog na yata siya. Gusto ko tunawag kay Mike or Jake pero ayoko na mang istorbo ng ibang tao.
Nag open ako ng f*******: at twitter, wala naman akong nakitang nagbigay ng interest sakin. Sumunod ay nag open ako ng IG. Nakita ko na may nag DM. Inopen ko at nakita na si August ito.
August: Hey, sorry kanina nawala ako sa mood. Thank you rin bait ng dad mo. Namiss ko rin si Rye. Uuwi rin ako later. :)
Me: Nako, ayos lang iyon. Salamat talaga ha. Babawi ako sayo! Ako bahala kay Vivi mo hahaha
August: No need. Goodnight!
Sungit haha. Pag nalaman ni Vi na nandito siya ngayon kikiligin nanaman yun. Sayang kasi wala siya eh edi sana naenjoy niya yung pagtitig sa kaniya. Anong oras na pero wala pa so Vien. I wonde where she is.
Nagtext din ako sa kaniya. Worried ako.
Ako: Vi, uwi kaba? Late na ah.
After 15 minutes dun lang siya nagtext back at bitin pa ang sagot.
Vien: No..
Ako: Okay. Ingat ka cous! Miss you.
Wala na akong natanggap na text galing sa kaniya. Ang weird nitong babaeng ito. Wala rin yata sa mood hindi ko nalang sasabihin sa kaniya na nandito yung love niya. Bahala siya.
I'm not sure kung anong meron sa kanila ni August. Dati pag tinutukso namin siya dito sandali namumula siya. May gusto talaga siya dito.
May tumunog na notification ulit sa phone ko. This time f*******: naman.
'Vivienne Scarlet shared a status update'
Take it all away from me but not my father's wish. What's mine is mine. Ooopppsss #MalditaAttacks #Sorrynotsorry
Woah, may problema nanaman siya. I wonder what? Hmm.
Ni like ko at nagcomment ng WHAT HAPPENED? Sa dami ng nagcomment ako lang ang hindi niya nireplayan. Ayoko mag isip ng masama, baka busy lang siya at di napansin ang comments ko.
Nagsend ako ng private message sa kaniya. I am bothered. I want to know what is bugging her. An hour have passed at wala pa rin siyang reply sa akin. Na-seen naman niya yung message ko.
Seriously, what is wrong with her? Wala naman akong alam na ikagagalit niya sakin. Bakit parang feeling ko may problema siya sa akin? Galit ba siya sakin dahil hinatid ako ni August?
Baka nga sobrang insensitive ko talaga. I should talk to her tomorrow. Wala naman kaming ginawang masama. Nagpahatid lang ako. Medyo selosa kasi si Vien at I know that. Baka na misinterpret niya yon. Ayoko naman pagsimulan ng away yon.
Tonight, I will be sleeping with a heavy heart. Halos wala naman akong nakakaway at ayoko ng may kaaway ako. Hindi ako sanay. If meron man akong hindi nakasundo, ako ang hihingi ng pasensiya lagi. I always want peace of mind.
I tried calling Mike. Hindi niya sinasagot. 4th ring but to no avail. Nakakalungkot. Gusto ko siyang intindihin pero sobrang busy niya, wala na siyang time to check up on me.
I stalked his f*******: account. He changed his profile picture. Ngayon ko lang napansin. Some comments are from his friends in college. My jaw literally dropped when I saw one comment. Biglang bumilis yung t***k ng puso ko. I didn't know what the heck is happening.
LeandroVal; Gwapo talaga bro. Hindi na lugi yung fiancé mo sayo.
OnyxLoverBoy: nagpapapogi sa kasal. Ano shot na?
Ano yun??? I know I shouldn't assume first pero bakit ganon? May hindi ata ako alam. My eyes began to blurry. Naguguluhan ako. Pumikit ako para matulog nalang.
Sana pag gising ko okay na lahat.