Dumaan ang ilang buwan at nalalapit na ang pasko. Nalulungkot ang puso ko dahil feeling ko naiiwan ako magisa. Papasok ako magisa. Nauuna si Vien sakin pumapasok. Parents ko naman nasa America, pinuntahan si tita Adelle dahil na confine sa hospital. Sila kuya naman busy sa pag handle ng business. Mga kaibigan ko laging busy sa school at walang time. Madalang na rin kami nagtetext ni Mike dahil alam ko busy rin siya dahil graduating siya. Si Jake hindi rin mahagilap. So I guess, I need to be independent.
Hindi talaga ito ang gusto kong course tapos wala pa akong kakilala man lang dito. I mean someone whom I can trust. Tuwing vacant time, nagbabasa lang ako, pag bored naman cellphone inaatupag ko. Nakakainip kasi palaging 1-2 hours ang vacant ko.
Nag mumuni muni ako sa garden ng school habang lunch break. Wala akong ganang kumain kaya naisip ko nalang na dito muna sa swing mag tambay. Naka earphone ako habang nakikinig ng music ng biglang may sumigaw sa likod ko at tumama ang plastic cup na may iced tea sa skirt ko.
Dark blue naman yung palda ko kaya lang halata parin na basa. Sa bandang harap ko pa naman tumama yung baso. Baka isipin sa canpus napaihi ako. Kainis.
"Ano ba? Bwiset!" Naiirita ako ng sobra. Binitawan ko ang bag ko at lumingon sa likod ko. Nakatalikod ito at may kausap sa cellphone. Binatukan ko siya sa asar ko. Nakakagigil talaga bastos!
"Aray! f**k!" Pikon na humarap siya sakin at kung ano ano pa ang sinasabi. Nagulat siya ng makita ako. Nakita ko rin na naka uniform siya ng school na ito. Oh my! Matutuwa ba ako o maiinis? What a coincidence.
"Aray aray ka diyan. Ikaw wala ka talagang modo. Bastos ka talaga" sigaw ko sa muhka niya.
"Inaano ba kita ha? Ikaw tong namamatok eh tapos ikaw pa galit?" Irita niya ring sabi sa akin.
Ang tanga talaga. Nakakainis.
"Bakit mo ako binatukan Lagdameo?" Nagtitiim bagang niyang tanong sakin habang nakatitig sa mata ko.
"Nauna ka tignan mo tinapunan mo ko ng cup na may yelo oh nabasa ang palda ko. Bakit hindi kita babatukan. Aber?" Nilalabanan ko ang tingin niya sakin pero hindi ko inaasahan na bigla siyang tatawa ng malakas.
"Nangiinsulto ka ba ha? Tumatawa ka pa! You freak!" Mas lalo ako nainis. Kung pwede lang balian ng buto tong lalakeng mayabang na ito ginawa ko na.
"Sorry..." hindi pa rin siya tumitigil kakatawa. "Akala ko naihi ka talaga nagiisip pa ko paano ko sasabihin sayo may ihi ka sa palda mo." Humagalpal sa tawa ang mokong.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na habulin siya at sabunutan. Para yan sa kalokohan niyang ginawa sakin ngayong araw na to.
Bandang huli natawa nalang din kami sa itsura ng isa't isa. Parehas nagulo ang uniform namin at ang mga buhok. Para kaming elementary na nagaaway.
"Sorry na, na frustrate ako kay dad. Anong course mo pala? Akala ko magiging alien ako dito sa school na ito." Biglang sabi niya sa akin at pinaupo ako sa malapit na bench.
"Business Management. Same course ata tayo e. Ako rin ang lungkot ko halos busy yung mga tao sa paligid ko eh. Buti kahit may sapak ka nakahanap ako ng kakilala dito." Masayang sabi ko sa kaniya. Seryoso. Sobrang lungkot ko kanina feeling ko kasi napapanis ang laway ko eh.
"Sana maaga ako nag enrol para classmates tayo no?" Sabi ni Tom. Nakikita ko talaga na gusto niya ako maging kaibigan. Muhka naman mabait siya eh.
"Oo nga eh. Hindi ko alam na dito ka mag aaral. Akala ko sa abroad."
"Gusto nila dad sa amerika ako mag-aral. Ayoko. May gusto pa ako gawin sa buhay ko eh. Saka nalang." Seryosong sabi niya sa akin.
Biglang nagbago ang itsura niya. Yung kaninang masaya parang lumungkot naman ngayon. Bakit kaya? Parang ang lalim ng iniisip nito.
"Sorry. Okay lang kung hindi ka comfortable pagusapan ito with me." Bigla akong nahiya. Hindi ko na dapat nasabi yon para hindi mag bago yung mood niya.
"Hindi naman. May naalala lang ako. Meryenda tayo. My treat." Biglang ngiti niya sa akin.
"Wow. Sige na mr. Moody. Cheeseburger with sundae."
"Dito nalang tayo. Wait for me okay?"
Nagmamadaling sabi niya. 4pm pa naman daw ang last subject niya. Ako naman 3:30 so may halos dalawang oras pa kami dito.
Umalis siya sandali para bumili ng dalawang burger meal, extra large fries at dalawang soda. Sa harap ng university kasi maraming fast food chains. Pagbalik niya kumain na kami. Ang dami namin napag kwentuhan parehas kami na vacant ng dalawang oras. Napagusapan namin si Tippy at napag alaman ko na bakit hindi niya na kinausap ito. Ayaw ng magulang nito sa kaniya dahil muhka daw walang patutunguhan si Tom. Naikwento ko rin sakanya kung bakit ako malungkot. Hindi ko naisip na ganito pala siya kalalim mag isip at napaka matured.
Yeah, 4 years older kasi si Tom sa akin. Nagkasakit kasi siya noong bata pa siya kaya kailangan niyang mag stop sa school ng ilang taon.
Naging magaan ang loob ko sa kaniya. You really can't judge a person too easily. Mabait naman pala siya at comfortable ako na kasama siya.
Halos araw araw na kami nagkikita sa lugar na ito. Masaya siya kasama, I like how matured he thinks.. Nakakatawa, gentleman at protective sa mga umaaligid sakin dito. We were like bestfriends. Yun ang turing ko sakanya ngayon dahil gumagaan ang loob ko pag nailalabas ko ang problema ko. Inamin niya rin sakin na isa ako sa bestfriends niya. Magaan daw ang loob niya sa akin. Nagsisimula na rin niyang mag open up sa akin. Narealize ko na kaya siguro ganyan ang attitude niya dahil mabigat ang pinagdadaanan niya. Sunod sunuran siya sa daddy niya at step mom niya nalang ang tinuturing niyang mommy nito. His dad never appreciated the existence of Tom kaya nalulungkot ako para sa kaniya.
"Picture tayo beshie." sabi ko sakanya para makita nila sa group chat namin dahil nagaalala narin sila sakin.. ngiting ngiti siya sa picture habang nag wacky pose naman ako.
Agad ko naman pinost sa IG ko sa ganda ng kuha namin nilagyan ko ng caption na "BEST". Sunod sunod ang notification sa picture na yun. Naloka ako umingay ang cellphone ko. Madami nang heart react 121 at 72 comments. May mga comments ang mga batchmates namin dati.
Kaye: Wow! May aftermath girl? Rawr!
Siraulo ulo ito.
Grey: Tom? New friend?
Vien: Ano ito cous, talk to me later!
Dane: Baka mahawa ka dyan Elle.
Sheena: What is the meaning of this? Hmm
Jake : hmmm..
Tippy: :'(
Leina: Cute!
Hay. Napabuntong hininga ako. Hindi ko naisip na makikita ni Tippy at Leina yun. Baka iba ang maisip nila. Nagulat nalang ako ng nag beep ang phone ko.
Tom: <3
Hayyy. Ang sama talaga ng lalaki nato. Alam ko naman para saan yun. Sasaktan niya talaga si Tippy. This man! Another beep from my phone.
Mike : </3
Shit! Masasaktan din ito. I need to text him. Nagtype nalang ako nang text ko sakanya inexplain ko na we are just friends. Ang haba ng sinabi ko tapos ang reply niya lang sa akin ay OKAY. He must be very busy.
Nag christmas break na at excited ako sa pasko dahil kumpleto na kami. Ang magulang ko ay nandito na pati si tita Adelle. Lumabas na rin ang cute na cute na pamangkin ko na si Omarion. Gwapo kamuhka ni daddy. It is our first christmas with him at for sure memorable ito.
I remember a week after posting my IG photo with Tom, nagpunta si Mike sa school to surprise me. May dala siyang flowers, chocolates and snacks. Nandoon din si Tom at kahit iritable si Mike sa kaniya hinayaan niya nalang ito doon.
Minamanmanan niya ang kilos nito pero siguro nahalata niya na friends lang talaga kami. That day, we were official. Sinagot ko nga siya. Ayoko muna sana dahil alam kong isang semester nalang graduate na siya pero bumigay din ako. Mahal ko eh.
I wanted to see him before mag celebrate ng christmas with my family pero 'di ko alam paano makakaalis. Binati ko nalang siya through text.
Mike:
Merry christmas, Love. Miss you!
Can I come with you on sat?
Oo nga pala. Birthday ni Grey sa sabado. I decided na regaluhan ko nalang siya ng isa sa mga pasalubong sakin ni mommy.
Ako:
Sure! Kita nalang tayo doon. 2pm. Merry christmas :)
It's christmas eve at masaya kaming pamilya dahil kumpleto kami. Pinayagan kami nila kuya na uminom wine.
Nagsend ako ng group message to all my friends para batiin silang lahat. Hoping na masaya din ang christmas nila.
One saturday afternoon, papunta kami kila Grey. Si Vien hahabol nalang daw dahil may lakad sila ni Tita. Hindi rin nagounta si kaye dahil may misunderstanding daw sila ni grey lately. Tinext ko din si Mike na nandoon na kami. Hinintay naman siya ni Jake sa labas.
"Happy birthday Grey" masayang bati namin sa kaniya. Ngumiti siya pero alam kong hindi siya ganoon kasaya.
Nagumpisa na kami kumain at pumasok narin sila Jake at Mike sa loob para saluhan kami. May mga classmates din si Grey na nandoon. Masaya din ako dahil alam ko na nagiging sociable na siya ngayon hindi na katulad dati na kami lang ang kaibigan niya.
Medyo nag gagabi na at anim nalang kami nandito. Ako, si Mike, si Jake, Sheena, Dane at Grey. Nagkwentuhan kami sa mga buhay college namin. Ending ako nanaman ang inaasar nila dahil nasali na nila si Tom sa usapan.
"Bagay kayo best." si Jake na pinipikon si Mike ngayon. Medyo effective naman siraulo talaga
"Classmate mo Ellie?" Si dane naman sumingit
"Hindi. Naging friend ko lang doon. Loner kasi ako sa school. Mas gusto mapag isa dahil magkakakilala na yung mga classmates ko since high school."
"Hmm talaga ba? May nasasaktan dito bes" si Sheena saka nguso niya kay Mike na nakayuko lang
"Nako te, abnormal yon. Mag-ingat ka ha?" Si Dane
"Ang hard mo girl. Mabait siya no. Tandaan mo the more you hate, the more you love haha" asar ko kay Dane. Hindi ko rin kasi alam bakit mainit ulo niya kay Tom.
Natahimik kami..
"Sweet naman nga sa picture ngiting ngiti pa dun. Nakakaselos." Malungkot na sabi ni Mike
"Ano ba kayo. Bestfriend ko lang yun kaya nga best caption. He is my new bestfriend."
Pagpapaliwanag ko sa kanila.
I need to make it clear, halatang nagiging malungkot si Mike.
"Ano??" Si jake at sheena, nagkatinginan pa silang dalawa.
"Oo." Halos matawa ako. "But, you two will always be the super best. Okay na?"
Napansin ko si Mike na tahimik na at halatang nagselos. Pinagsalop ko ang kamay namin kaya nagulat siya at nagangat ng tingin sakin pati sa mga kaibigan ko para tignan ang reaksyon nila.
"Don't you trust your girlfriend? Boyfriend na kita diba? Mahal kita Mike." Namula siya sa sinabi ko at nakita ko ang mga kaibigan ko na nagulat pa sa nangyari. Hindi ko nga pala nabanggit sa kanila na sinagot ko na siya.
"What???" Gulat na gulat sila sa narinig. Nagpalipat lipat sila ng tingin sa amin.
"I love you more. You know that." sabay halik sa noo ko. May inabot siya sakin na box at binuksan ko yun. Nakita ko ang silver necklace na may pendant na E. Sinuot niya sakin iyon at bumulong.
"I love you so much love." tumaas ang mga balahibo ko sa narinig ko. Sobrang lapit niya sakin. Rinig na rinig ko yong t***k ng puso ko ngayon.
I can see the way he smile at me. He was really in love with me. He really waited for me until I was ready to enter a relationship.
Halos hindi na kami mahiwalay. I know, marami siyang priorities. Knowing him, dedicated siya sa ginagawa niya. Ayoko naman maging destruction sa mga pangarap niya sa buhay. Medyo clingy siya kaya minsan nagaadjust ako. Hindi pwede na sakin lahat ng oras niya.
I am one lucky girl who has a boyfriend that everyone wants.