3

1384 Words
Paris. Morning in Paris came in softly, no harsh sunlight, just a pale glow slipping through the sheer curtains of Stacey’s suite. Gising na siya kanina pa. Dinig niya ang mga kaluskos ni Rhoda sa malapit. Salitan nitong sinisimsim ang kapeng hawak at ang pakikipag-usap sa phone at ang pag-review sa schedule sa phone. Tinatamad lang na nakasunod ang mga mata niya rito. “Call time is 8:30. Car’s ready in twenty,” anunsyo ni Rhoda pagkatapos. Ang sarap pa sanang mahiga at matulog pero kailangan na niyang maghanda. Naligo siya at nagbihis. Light makeup lang ang ginawa niya, total naman, may sariling glam team ang Louvre, ang brand na iri-represent niya. Bago tuluyang lumabas ng suite, tsinek niya muna ang kabuuang ayos. Oversized blazer, fitted tank, and tailored trousers, hair loosely tied and face bare behind dark sunglasses. She didn’t need to be “on” yet, but she already looked like she was. “Let’s go.” Nakasunod siya kina Rhoda at kay Sena, ang agent niya sa Paris. May naghihintay nang sasakyan pagbaba nila na kaagad binuksan ng valet para sa kanila. Tahimik lang siyang nakaupo habang nagbibiyahe at nakuntentong luminga sa paligid. Tatlong beses na siyang nakapunta ng Paris pero hindi pa rin niya maiwasang mamangha. Paris is both laid-back and alive, and it was the laid-back charm that drew her in even more. “We’re here.” Narating nila ang studio. It sat tucked behind a narrow street, industrial on the outside, controlled precision on the inside. The usual setup of a studio, only this one is much bigger. Sa pagpasok nila sa loob, naratnan nilang may nag-aayos ng lighting rigs, may crew na nag-a-adjust ng camera. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Ang ganda ng personality ng building. High ceiling, pakiramdam niya, nasa sinaunang panahon siya. Pagkatapos ay maingat niyang kinilala ang mukha ng mga naroroon. Wala pa ba ito? She carefully scanned the room. There he was…behind the camera. He stood in quiet confidence. Ramdam ang mabigat at natural na presensya kahit tahimik lang na nakatungo at kinalikot ang hawak na camera. Parang walang napapansin sa paligid, hanggang sa unti-unti itong nag-angat ng mukha. Sandaling nagtagpo ang kanilang mga titig. She waited for a sign of recognition. Magkakilala sila per se. Baka naman, mag-iba ang trato nito sa kanya. Wala siyang nakitang hint na magiging friendly ito. No smile. No greeting. “Stacey, you’re early,” ang creative director na nakangiting lumapit sa kanila. Nabaling ang pansin nila rito. “We wouldn’t want to be late on our first day,” sagot niya habang nakipagbeso sa lalaki na sa unang tingin pa lang ay malalaman na ang identity. Kaya nga magkasundo kaagad ito at si Rhonda. “We’ll start with fitting, then straight to glam.” Ilang minuto lang ay parang nag-isang kumpas ang glam team sa pagkilos habang si Rhoda at ang agent niya ay hindi nawawala sa tabi. Sinisigurado ng mga ito na naaayon ang lahat ng ginagawa nila para sa editorial shoot na gagawin sa ngayon. “The set is ready.” One final look at nakagiting sinabi ni Rhoda, “You’re perfect.” Stacey stood. Isang buga ng hangin at lumabas na siya ng dressing room at nagtungo sa main studio. She stepped into her mark without being told while the crew moved in unison. Inayos niya ang pagkakatayo at inihanda ang sarili sa anumang utos na sasabihin ng photographer. Draco seemed ready. Mukhang siya ang hindi. Sanay naman siya sa kung sino-sinong photographer na nakakatrabaho na niya pero hindi pa siya nakasalamuha ng katulad nito. ‘Yung tahimik lang at tila nanlalamon ang presensya. ‘Yong tila matatakot kang magkamali. “Hold.” Draco stood behind the camera, one hand resting lightly on the lens, the other adjusting something on the monitor. Focused. Unbothered. Like this was just another day, another shoot, another face in front of him. She wondered kung pang-ilang photo shoot na ito ni Draco, o kung pang-ilang modelo na ang nakunan nito. “Chin slightly down,” he said, like nothing existed beyond the frame. “You’re catching too much light.” Sobrang professional ng dating nito para sa dalawang taong magkakilala na naman. The first shot clicked. “A little softer,” muling utos nito. Stacey shifted. Her expression changed. Ilang click ng camera sa ganoong ekspresyon. “Fiercer this time.” Her aura changed from softer to stronger. Then something in between. She gave exactly what the camera asked for. Nothing more. Nothing less. “Good,” Draco muttered, stepping closer to the monitor. At least, there was approval in fragments. Habang tutok na tutok ito sa ginagawa, napapasunod naman ang mga mata niya sa kilos nito. Kung paano gumagalaw ang may kahabaang buhok sa bawat galaw. Kung paano naguguhitan ng kunot ang noo habang ini-scan nito ang mga kuha. “Hold that.” Narinig na lang niyang utos nito. Pinanatili niya ang kasalukuyang pose. “Change.” More clicks. “Don’t overthink it.” Camera clicked again. Ganoon ang senaryo habang nasa paligid at alerto ang buong glam team. May naririnig siyang mga mumunting bulungan. Mostly papuri sa kanya. But then she saw Rhoda and another woman fixing their gazes on him. Halatang humaling na humaling. She exactly knew Draco’s rugged image was Rhonda’s type. “Take five,” someone called. The energy loosened slightly. Naglakad siya patungo sa isang high chair at naging naging abala kaagad ang glam team sa pag-retouch at pagpalit ng wardrobe niya. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya, pero sa kung paanong paraan ay tila may naramdaman siyang kakaiba. Like being watched, but not in a way the camera could capture. Parang may sariling isip ang mga mata niya na sinundan ng titig ang lalaking iyon. He stood right next to the high window. Nakatanaw ito sa labas. Sa anggulong iyon, may tumamang sinag mula sa labas at tumama sa isang side ng mukha. Parang lighting lang sa studio na tila dinipina ang prominente nitong tangos ng ilong at jawline. Nagbago ito ng posisyon at may binunot sa bulsa sa likod ng itim na pantalon. Sigarilyo ang inaasahan niya. Candy lang pala na in-offer nito sa isang babaeng lumapit dito, isa sa mga production assistant. Sa loob lang ng ilang saglit ay nagngitian ang dalawa. They were flirtatious enough. Nakipagngitian pero kapag sa kanya, halos ituring siyang basura. Eh, ano naman? Natapos ang break. Nakapagpalit siya ng wardrobe. Isang maxi skirt na kapares ng tight fitting white tube na nang naupo ay halos lumitaw na ang singit niya dahil sa haba ng slit. “Whew!” Dinig niya ang hindi mapigil na sipol ng ibang lalaki sa paligid, Draco’s crew. Sa propesyong pinasok niya, madalas siyang nakakaranas ng sexist remarks. Ngunit ang sipol ay biglang natigil nang dumapo ang malamig ngunit nagbibigay babalang titig ni Draco sa mga ito. Ibinaba ni Draco ang hawak na camera. Nakalambitin ang chord na may tatak ng brand at tumitig sa kanya. In his signature pose, nakapamulsa at tila tahimik na sinuri ang kabuuan niya. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam siya ng kakaiba habang dumadako ang paningin nito sa exposed niyang hita. She was reacting in a way she found hard to explain. Tila gusto niyang hablutin ang ginamit na roba at takpan ang bahaging iyon. “The brief is clean, chic, sleek.” He sounded controlled. “That’s too much skin.” Kinuha nito ang roba na nakasabit sa salamin. Habang naglalakad ito palapit sa kinaroroonan niya, pakiwari niya ay lumiliit ang espasyo. Tila naiipit siya habang nakasunod sa bawat kilos nito. Napatunayan niya, this man was quite a presence. Nagbaba siya ng tingin. Para lang kasing ang hirap salubungin ng titig nito. “Stacey.” That was her name. Unang beses na sinambit nito. “Stacey.” “H-ha?” Naiangat niya ang titig. For the first time, she had the chance to look him straight in the eyes. His were beautiful. Habang nasanay siya sa malambot at malambing na titig ni Farris, kakaiba ang dapo ng mga titig ni Draco sa kanya. Ah! Gusto niyang pukpukin ang ulo. At bakit ba niya kailangang ikumpara si Farris sa lalaking ito? It just felt illegal. She knew she wasn’t doing anything wrong, but it felt like she was committing a sin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD