2

2570 Words
Sa sumunod na mga araw, nabaon na naman siya sa sunod-sunod na commitment. Her schedule was tight. May brand dinner, may casting sa isa pang produkto. Tanging pahinga niya lang ay kapag nasa loob na siya ng kanyang silid. Ngayon nga ay kasalukuyang niyang ginagawa ang reshoot ng commercial ng Ambrey. “And that’s a wrap!” Natapos ang photoshoot. Finally, matatanggal ang makapal na make up. She could finally be in jeans and shirt and dine at her favorite burger joint. “What’s my next schedule, Rhonda?” tanong niya sa personal assistant habang tinatanggal naman ng makeup artist ang headdress. “Surprisingly, you’re free the whole afternoon.” That’s a relief. Naghimala yata ang mommy niya at binakante siya sa maghapon. “But a certain brand sent an invitation.” “For what?” “Party, sa BGC.” Nagkibit siya ng mga balikat. “I’ll pass, Rhoda.” “So I thought.” Inilapag ni Rhoda ang iPad sa gilid ng makeup table na may nagkalat na mga gamit at tinunghayan siya. “Once the spotlight is off, nag-iibang tao ka talaga, ‘no? Para kang si Sara G. Kapag hindi na nakabihis, parang mahinhin na dalagingding, pero nanlalamon naman ang presence kapag nasa trabaho na.” She just smiled at it. Madalas ngang sabihin ng creative team niya, she’s an unlikely superstar. Well, kung hindi rin lang naman dahil sa mommy niya, mas pipiliin niya ang ibang career o profession. Kung ano man, hindi niya rin alam. Namulat na lang kasi siya na palaging sinasabi ng nanay niya na magmomodelo siya. Pagdating sa bahay ay nag-shower at nagpalit siya ng komportableng damit. Oversized shirt at shorts. Bitbit ang isang libro, bumaba siya ng hagdan. Balak niyang sa garden magbabad at magbasa hanggang sa abutin ng antok na nakadapa lang sa picnic mat. One of life’s luxuries. Nasa gitnang baitang na siya ng hagdanan nang matanaw ang lalaking nakatayo ngayon sa bungad ng main door. He was smiling from ear to ear holding a bouquet of fresh flowers. “Farris?” “In flesh and blood.” Naglahong bigla ang composure. The sight of this man would always make her forget about everything. Nabitiwan niya ang libro at basta na lang tinakbo ang pagitan nilang dalawa at niyakap ito ng mahigpit. “God, I missed you.” He was full of longing. Halos ibaon na siya sa katawan sa higpit ng yakap. Kahit ang paraan ng paghalik nito ay iba sa nakasanayan. Farris was always gentle even with his kisses. Ngayon, ramdam niya ang gigil at pangungulila. But then, si Farris din ang unang pumutol. “You know how much I missed you…baka ‘di na ako makapagpigil.” Always the gentleman. Lumuwang ang yakap ng kasintahan. Tinitigan siya nito sa mukha habang pareho silang nakangiti ng matamis. “Why didn’t you tell me you’re coming home today?” “Wouldn’t be a surprise anymore.” Mas naging matamis ang ngiti niya. Ang hilig nito sa surprises. Not with material things but the time and attention. “So, these are mine?” malambing niyang tanong, ang ngiti ay hindi pa rin mawala-wala. Bago pa man ito sumagot, kusa na niyang kinuha ang bulaklak na hawak nito. Natawa na lang ito sa tila pagiging bata niya. Sinamyo niya ang bulaklak. It smelled good just like Farris. She wondered kung gaano na karaming bulaklak ang natanggap niya mula sa nobyo. “Oh, shoot! You want coffee? Beer?” Nasa aktong bibitiw siya sa yakap at pupunta sa kusina nang pigilan nito ang baywang niya. “Don’t bother. Lalabas tayo.” “Where?” “Dinner with the family.” Mas lalo siyang na-excite. “I missed your dad.” “More than you missed me?” “You bet.” Kinikilig na inabot niya ang labi nito at kinintalan ng magaang halik. Nagpaalam siyang magbihis. Nagkukumahog siyang mamili ng isusuot. She chose something simple yet refined. A soft blouse paired with tailored pants. Ang makeup ay sinigurado niyang light lang. She wanted to look effortlessly put-together and respectful. Habang nasa sasakyan, hindi mapuknat ang ngitian nilang dalawa. In between traffic stops ay naroroong basta hahawakan ni Farris ang kamay niya at hahalikan. The rest of the drive, nakahilig siya sa balikat nito at sinasamyo ang natural nitong scent. Until she noticed something. “Wait, saan tayo pupunta?” Bigla siyang napatuwid ng upo at napatingin kay Farris. “Dinner with the family, right?” Napalinga siya sa paligid. Nagtataka. Papasok sila sa isang hindi pa napuntahang gated subdivision. “It’s time you met lolo.” “As in…now?” Natawa ito sa naging reaksyon niya. “Why, what’s wrong?” Tiningnan niya ang sarili. “Am I underdressed?” Kinuha lang ni Lean ang kamay niya at dinala sa bibig. “Believe me, you look perfect. No matter what you wear you’re stunning. Lolo will love you just as dad adores you so much.” “Basta sinabi mo.” Isang napakagarang mansion ang hinintuan nila. From the exterior down to the furniture inside, everything looked expensive. At ang lolo ni Farris, sobrang bait din kagaya ni Tito Anton. Magaang kausap. Parang hindi mayaman. Laging nagpapatawa. Habang kasama niya sina Tito Anton at Lolo Sebastian, tila napunan ang kakulangan niya ng father figure sa buhay. Mas masaya sana kung naririto si Tita Feliz. “Ang galing pumili ng apo ko.” Lolo Sebastian was referring to her. Simpleng salita lang ‘yon pero ang bigat ng epekto sa kanya. Ibig sabihin, nakuha niya ang loob nito. “We can never be too sure.” Napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng boses. And there, stood that aristocratic woman again. Farris’ aunt- Olivia, in her signature elite aura. Minsan na niyang nakasalamuha ang babaeng ito sa isang company event ni Lean. She wasn’t the nicest relative. Saan pa naman ba magmamana ang isang Draco? “I know I’m just in time.” Humalik ito kay Lolo Sebastian. Sa bawat galaw nito, sumusunod naman ang suot nitong mga alahas. This woman was the definition of rich brat woman. Ni hindi man lang nagbigay pugay sa nakatatandang kapatid na si Tito Anton. “I’m glad you could join us, Olive.” Tito Anton was the sweetest. Nakuha pa talagang unang bumati sa kapatid. Hinarap naman nito ang Tito Anton, nang walang anumang senyales na hahalik din ito rito. “This is my house, remember?” Quite sarcastic, and meant to stir tension. Ramdam niya ang pagbola ng kamao ni Lean habang nakatitig sa napapahiyang ama. Yet, Farris would always be Farris. Pipiliin nitong maging diplomatic kaysa sa magpadala sa inis. Nakuha pa nitong magmano sa babae kahit halos ayaw ibigay ang palad dito. Mag-ina nga ito at si Draco, parehong magaspang. “Meet my girlfriend, Tita. You’ve met once already.” Tiningnan siya ni Olivia mula ulo hanggang paa. “How would I miss a face? Nakabalandra sa billboard ang pagmumukha mo…your pretty face and your…body.” Wala siyang maalalang ad na nakabuyangyang ang katawan niya maliban sa pinakahuli. And she was decent on that billboard. Kung tutuusin, ‘yon na ang pinaka-provocative na ad niya. halos kalahati lang ng hita ang exposed. Gayunpaman, nailang siya sa sinabi nito. Thankfully, Farris immediately came to her defense. “There was nothing wrong with that ad, Tita. It was decent.” Olive scoffed. That heightened the tension she could feel from Farris, but Lolo Sebastian. “Why don’t we go eat already. Kanina pa nakahanda ang mesa.” Kabuntot niyon ay ang tahimik na babala sa titig nito kay Olivia. She had a hunch, dinner wouldn’t be as pleasant as she had thought. Mabuti na lang at hindi hinahayaang naa-out of place siya nina Tito Anton. Tila naman tumalab ang sinabi ni Lolo Sebastian. But, right as she was already settled with Olivia’s presence, an unlikely guest arrived. “Tell me I am never that late.” Just great! The arrogant and condescending Draco just arrived. Bigla yatang nagbago ang lasa ng kinakain niyang cheesecake. “Just in time for dessert, cuz.” Farris and Draco were doing a bro hug. Hindi maipagkakailang malapit ang magpinsan. The resemblance in them was uncanny. Ang kaibahan lang, mas rugged ito. Ang hikaw na nasa kaliwang tainga nito, mas nagdagdag ng angas. Nang mapadako ang paningin ni Draco sa kanya, tila tinatamad na tango lang ang ginawa nito. Wala ang ngiti, bumalik lang nang ang ibang kasalo ang hinarap. “As if I care.” Sumimsim siya ng juice at pailalim na obserbahan ang mga kilos ng lalaki na ngayon ay yumakap sa abuelo. “Maupo ka na, apo.” Wala nang ibang bakanteng upuan sa pang-anim na dining table maliban sa kaliwang bahagi niya. Natural, doon ito uupo. Kapag minamalas nga naman. The arrogant jerk was seated near her. Langhap niya ang pabango nito. Just like Farris' cologne, the scent was manly but not too overwhelming. Banayad lang sa ilong na tila ang sarap amuyin. “Where have you been?” Olivia’s tone was a bit sharp. “And since when did you arrive?" “Just this morning, mom.” “At ngayon mo lang naisipang umuwi?” “That’s quite a nice welcome, mother.” “Olive, pakainin muna natin si Drake bago mo sermunan,” ang Tito Anton sa malumanay pa ring tono. “Thanks, Tito.” Inangat pa ni Draco ang bote ng wine na nasa gilid nito at kumindat sa tiyuhin. Naiiling na lang din si Lean sa ginawa nito. “Mida, paki-serve ng dessert sa sir mo,” narinig niyang utos ni Miss Olivia. “I have no room for dessert, Mom.” Hinimas-himas ni Draco ang tiyan at pagkatapos ay ipinatong ang kanang kamay sa gilid ng mesa malapit sa kanya. Malinis ang kamay, hindi katulad ng budhi nito. She expected for some tattoo in there, wala siyang mahanap. Siguro, sa ibang parte ng katawan. Sa braso, sa likod. Ano naman ba ang pakialam niya? Ililipat na niya sana ang tingin nang sa hindi sinasadyang pagdapo ng tingin niya rito ay natuklasan niyang nakatingin ito sa kanya. Awtomatiko niyang nailipat sa plato ang paningin. Para lang kasing hindi magandang nakatitig siya rito. Inituloy niya ang pagkain. She acted as if his presence didn’t matter. Kahit pa umuukilkil sa utak niya na may lihim na sumusuri sa kanya ng lihim. She hated it. Ang ginawa niya na lang ay abutin ang kamay ni Farris at hawakan iyon ng mahigpit. “Next week, may conference sa Shanghai, dadalo kami ni Lean. Maybe you should come with us, Drake.” Tahimik niyang inantabayanan ang sagot ng lalaki. “Yes, it’s about time, Draco, na mag-focus ka naman sa business,” susog naman ni Lolo Sebastian. “I’ll pass, Tito, Lolo.” “I’m still enjoying life, Lo.” Enjoying life at hinahayaan na akuin ni Lean ang responsibilidad nito. Draco was such an irresponsible jerk. “Tama ang papa, Draco. Kesa naman kung kani-kanino ipinagkakatiwala ni Papa ang negosyong ipinundar nila ng mama.” Tension suddenly filled the air. Nakatingin siya kay Lean. Nakatingin naman ito sa ama, na para bang sinusukat ang magiging reaksyon ni Tito Anton. “What’s wrong with Lean and Tito Anton running the business, Mom? They are family.” It was unlikely, pero iyon na yata ang pinakamagandang bagay na lumabas sa bunganga ni Draco. “And besides, Tito Anton and Lean are doing just fine. I’m sure I’d be doing a disservice if I forced something I’m not ready to do.” “At kailan ka magiging ready? When you are stripped of everything?” “Mom!” “Enough, Olive!” Lolo Sebastian and Draco both snapped. Matalim na ang titig ni Lolo Sebastian sa anak na babae. Si Tito Anton, halatang nagpipigil lang, si Farris ang hindi nakatiis. “With all due respect, Tita. Dad and I are doing one hell of a job even though we don’t own the company.” Farris' voice was deliberate and raw. Kahit gaano man kapatag at kalmado ang boses, alam niyang ganoon din katindi ang nagtitimpi nito. All she could was grip his hand tightly. “Really? Aren’t you here just to-” “That’s enough, Olivia!” Natahimik ang lahat. Napatingin naman si Olivia sa anak. Tila hinahanap ang pagsalo nito pero nanatiling nakatitig lang si Draco sa bote ng wine. “You’re all unbelievable!" Padabog na tumayo si Olivia at basta na lang nagmartsa palayo. Sinundan ito ni Draco. Narinig na lang nila ang tunog ng papalayong sasakyan sa garahe. “I’m sorry at kailangan mo pang marinig ang mga maaasim na salita ni Tita kanina.” Nasa garahe na sila ni Farris. Katatapos lang ng dinner na sa awa ng Dios, naging maayos naman na wala na si Olivia sa hapag. “And I’m sorry you had to go through with those insults.” She could never imagine what he had to go through growing up with an aunt like Olivia. Hindi makwento ang boyfriend niya ng mga masasakit na kabanata ng buhay. Niyakap niya si Farris. Hindi man niya alam ang tamang salita pero ‘yon lang ang paraang alam niya para mapanatag ito. Ayaw niyang gatungan ang galit nito. Gusto lang niya na maramdaman nito na nandiyan siya palagi. “Why don’t you come with me, Love.” “Saan? Sa bahay ninyo? Baka mataga ako ng mommy mo.” “Sira!” Natawa na rin siya sa sinabi nito. “Seriously, saan?” “Paris.” Napahinto ito sa marahang pag-ugoy ng mga katawan nila. Tumunghay ito sa kanya. “May gagawin akong project doon. It’s nice kung kasama kita.” Lumiwanag ang ekspresyon nito, ngunit agad ding nabura iyon. Alam niya, Farris and Tito Anton were like shadows. Kailangan ng mga ito na patunayan ang mga sarili sa harap ng mga tao, ng mismong pamilya. Nothing hurt her seeing the man she loved suffer. Muli niya itong niyapos. It was her way of saying that everything was okay. “I love you.” A reassurance of her devotion. Dinig niya ang pag-alpas ng hangin sa dibdib ni Farris. Parang nakahinga ng maluwang, tila napapanatag. “Mas mahal kita.” Lalong humigpit ang yakap nito. “I don’t how life would be kung wala ka sa tabi ko, Stace. Thank you for being my anchor. Thank you for always being there.” “Promise, lagi lang akong naririto.” Sa loob ng ilang sandali, nanatili sila sa ganoong ayos. Marahang umuugoy na tila ba sinasabayan ang tahimik na musika. Hanggang sa mapadako ang tingin niya sa unahan. Someone stood by the gate. Nakasuksok sa bulsa ng pantalon ang kaliwang kamay habang nakahawak naman sa helmet ang isa pa at seryosong nakatitig sa kanila. Draco. Matiim ang mga titig nito. Parang may ayaw sa nakikita na ewan. Ang hindi niya maunawaan ay ang bigla na lang pagbangon ng kakaibang kaba sa dibdib niya. Paris. She thought of Paris. Halos isang linggo siyang mananatili doon. Kung paano itatawid ang mga araw na makikita ang mukha ni Draco sa araw-araw, hindi niya pa alam. Mas humigpit ang yakap niya kay Farris kasabay ng masuyong paghaplos ng mga daliri sa batok nito na ang mga titig ay nasa direksyong iyon pa rin. Farris, makakasama ko ang pinsan mo. Siya ang magiging photographer ko. Kaydaling sabihin pero kung bakit tila nawalan siya ng lakas na buksan ang bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD