Mabilis niya akong ibinaba sa isang mahabang sopa sa clinic. Medyo nahimasmasan na din ako kaya tumigil na ako sa pag-iyak. Mahigpit pa din ang pagkakayakap ko sa sarili ko dahil takot na takot ako kanina at hanggang ngaun ay nanghihina pa din ang pakiramdam ko. "Okay, kana?" lumunok muna ako bago samagot sa kanya. Hindi ako makatingin dahil nahihiya ako sa nangyari. Ang matagal kong iningatan na katawan ay lumantad nang ganun ganun lang. Napansin ko lang na may bahid nang pag-aalala sa boses niya kaya medyo umayos ako. Napakunot ako nang noo nang nakita ko ang galit at halong pag-aalala sa mga mata niya. "M-medyo okay na.." halos magkanda utal-utal pa ako sa pagsagot. Lalo kong nakitaan nang galet ang mga mata niya. "Ano ba nangyare?" mahinahon ngunit may diin na sabi niya. Sa maikling

