From: Mr. Demons - Bring your phone. Agad akong napa irap pag kabasa ko nang message ni Glen. Nag aayos ako ngaun para sa pag pasok. Mabuti nalang at may uniform ang LSU. Kung nakataon ay kawawa naman ako. Iilan lang kase ang maayos kong damit bilang nga lang sa daliri eh. Anyway, nagtataka man ako baket pinadadala sa akin nang dominanteng lalake ito ang cellphone ko ay dinala ko nalang. Tutal naman pinaloadan niya ako nang 1000 pesos kagabi. Tsk!mas mahal pa nga ang load ko kesa cellphone ko. Hays. Pagdating ko sa LSU ay medyo binilisan ko ang lakad ko. Malelate na kase ako sa unang klase ko. Grabe talaga ang traffic sa Maynila, walang kupas. Napansin ko agad na madaming nakatingin sa akin. Yung iba nga ay nagbubulong bulungan pa nga. Marahil ay sa nangyari sa cafeteria nang nakaraang

