"Ate, okay ka lang ba?" Natauhan ako ng kalabitin ako ni Kimmy. Dalawang linggo nalang at tapos na ang sem ko na ito. Bakit bigla nalang ako nakaramdam na nawalan ako ng gana sa mundo? Today is his birhday. Nagsend na ako ng pagbati sa kanya thru text, f*******:, IG at kung saan pa siya pwede batiin. Lalong bumigat ang pakiramdam ko ng wala akong natanggap sa kanya na kahit ano. "Oo naman, Kimmy.." Ngumiti ako ng tipid sa kapatid ko. Wala na si nanay dahil nasa palengke na. Inilibot ko ang paningin ko sa maliit namin bahay. "Sigurado ka ah?" Tumango ako kay Kimmy." Sige pasok na ako, ate." Tipid akong ngumiti kay Kimmy at tumango. Kahit alam kong hindi siya naniniwala sa akin ay pinag walang bahala ko nalang. Nang tumuntong ako sa La Soledad, ang tanging pangarap ko ay makatapos at maia

