Tatlong araw na simula umuwi kami galing ng Zambales. At tatlong araw na din na hindi nagpaparamdam sa akin si Glen. May party pa naman akong hinanda sa kanya sa shop ni Dom. Yung kaming apat lang. Mamaya na sana iyon dahil bukas na ang birthday ni Glen. Ang alam ko, may party siya sa bahay nila dahil umuwi si Mr. And Mrs. Silverio. Alam kong busy si Glen at maraming ginagawa sa buhay niya. Pero bakit bigla nalang siyang hindi nagparamdam? Okay naman kami nung huli namin kita. Ibinaba niya ako sa sakayan papunta sa amin. That's the last time he talked to me. I wonder why? May problema ba siya? May problema ba kami? Kahit si Glen ang tumatakbo sa utak ko ay pinilit kong sagutan ang exam ko. Finals na namin kaya naman kailangan ko nang galingan. Malapit na ang sembreak at nasasabik na akon

