Maaga akong nagising. Nagkulong ako maghapon after akong matauhan sa paghalik ko kay Glen. Hindi na nga ako lumabas kahit na inaaya ako nila Athena. Pag naman pumapasok si Glen, nagpapanggap ako na tulog. At kahit nagpapanggap ako. Hindi na niya ako ginambala. Mabuti naman. Dahil masasapak ko siya kapag pinaglaban na naman niya yung karapatan na yan. Nang gumising ako ay wala na si Glen. Ang aga naman yata niyang nawala? Tumingin ako sa wall clock sa room. Napamura ako agad ng mapagtanto kong late na ako para sa activities. Waahh! Terror pa naman ng onti si Mrs. Catindig. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Medyo napahawak pa ako sa sikmura ko ng maramdaman ko ang gutom. Hindi na pala ako nakakin kagabi. Kasalanan kasi ni Mr. Demons ito eh. Pagbukas na pagbukas ko ng lift ay tum

