Ngaun na ang araw ng retreat. Naalala ko pa yung nangyari sa bahay nung isang araw. About Simon. Diba mga usapan namin ni Glen na walang sikreto? Sa dalawang araw na di kami nagkita. Hindi ko masabi sa kanya. Eh kasi naman gusto ko ng personal. Baka kasi pag text ay mamisinterprete lang niya. Eh medyo high blood pa naman kausap yun. Napalundag ako ng bumusina ang sasakyan ni Dom sa likod ko. Naglalakad kasi ako papunta ng university. May ginagawa kasing daan kaya hindi nakatuloy ang jeep. "Hop in." Sigaw ni Dominic. Ang conyo! Hop in daw. Syempre dahil nagmagandang loob siya sumakay nalang ako. "Nasan si Athena?" Tanong ko agad pagkasakay ko. Tinignan ko pa nga yung cellphone ko para makita kung anong oras na eh. Mag aalas singko na pala. "Nasa school na. Hinatid ng daddy niya." Tipid

