Narrator’s Point of View Bumalik ang kamalayan ni Clastine at nagising siya sa isang pamilyar na lugar. Pagmulat ng mga mata niya ay sumalubong sa kanya ang nakakasilaw na liwanag mula sa gym lights. Dinig din niya ang tunog na ginagawa ng mga kasama niyang nag-eensayo ng martial arts. “Nakaidlip ka na naman,” sambit sa kanya ng coach niya na nasa katabing bench lang. “Kahit kailan talaga ay hindi ka nakikinig sa akin. Ang sabi ko, huwag kang iidlip para hindi mapagod ang katawan mo,” sermon nito kaya napangiti na lang nang hilaw si Clastine. “Sorry, coach, hindi ko lang po talaga mapigilan. Kailangan ko kasing makapagpahinga dahil may shift pa ako mamaya sa trabaho,” sagot niya bago bumangon at bahagyang hinilot ang nananakit na likod. “Isa pa ‘yan, ‘di ba sinabi ko na sa ‘yo na tumi

