Confrontation

1101 Words

Narrator’s Point of View   Isang malakas na talon ang ginawa ni Leo matapos biglang lumitaw ang lalaki sa harapan niya. Hindi niya maiwasang mapamura habang iniiwasan ang bawat hampas ng lalaki. Ayaw man niyang aminin, pero halatang bihasa ito sa paggamit ng punyal. Idagdag mo pa ang napakabilis at liksi nitong mga galaw. Kung hindi lang magaan ang katawan niya ngayon, ay sigurado si Leo na kanina pa siya nito nagalusan o mas malala, nabigyan ng matinding pinsala. “Anong problema, boy? Bakit iwas ka nang iwas sa akin?” mapang-asar na sambit ng lalaki bago inilabas ang dila nito at dinilaan ang talim ng hawak niyang punyal. “Natatakot ka ba?” Hindi napigilan ni Leo ang mapaismid at mahinang mapamura. Hindi niya kasi maiwasang maasar sa lalaki. Tila minamaliit nito ang kakayahan niya. At

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD