Hindi ko maitago ang kasabikang nararamdaman ko habang pinapaliit ko ang distansya ko mula sa mga roaming goblin. Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng aking ngisi habang hinihigpitan ang pagkakahawak ko sa aking punyal. Kitang-kita ko ang mga walang kamalay-malay na mga halimaw. Huminga ako nang malalim bago lumabas sa pinagtataguan namin. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay agad nang napatingin sa akin ang mga halimaw. Umatungal ang mga ito at mabilis akong sinugod na para bang gigil na gigil silang patumbahin ako. Sinalubong ko ang isa sa kanila ng isang malakas na sipa, dahilan upang tumilapon ito nang bahagya. Kasunod no’n ay ang pagpapadaan ko ng talim ng aking punyal sa leeg ng pinakamalapit sa aking goblin. Agad na tumalsik ang berdeng dugo nito, at ang iba ay dumikit pa sa akin

