Napaatras si Clastine nang magtagpo ang kanilang mga mata, dahil mukhang tapos na nga ang lalaki sa pakikipagbiruan sa kanya. Nagbago na rin ang posisyon niya bilang paghahanda sa pag-atake. Sa isang malakas na talon ay pinaikli ng lalaki ang distansya nito sa babae. Agad namang umatras si Clastine, ngunit dahil sa laki ng espada ng lalaki ay naabutan pa rin siya ng dulo nito. Mabuti na lang at nagawa niya itong harangan ng elemental blades niya. Napangiwi siya nang maramdaman ang lakas ng lalaki. Hindi niya talaga kayang tapatan ang pisikal na lakas nito. Pero hindi naman sa pisikal na lakas sila magsusukatan kundi sa patalinuhan sa laban. Agad niyang binalot ng apoy ang kanyang elemental blades. Pinaglagablab niya ang apoy hanggang sa tuluyang mapaatras ang lalaki. Ngunit imbes na mat

